Chapter 23

5K 111 0
                                    

Bea POV

When you're ready to take a chance with no assureness, still you want to try because you're hopeful but then the little hope in you have lost as the person you wanted to fight for have chosen someone else already, is even more painful than anything else expected.

Nandoon na ako eh, konting-konti na lang, but you didn't wait. You gave him a chance bago pa man tayo magkita ulit. I even prepared myself to get rejected by you at kahit na sakaling ganuon man ang mangyayari, magpupursigi pa din ako dahil mahal kita. Kaya kong hindi ka sukuan, but now that I knew he's the one occupying your heart, I didn't stand a chance. Not even 1%.

"Bei, 'wag mo lang silang tingnan. Masasaktan ka lang." pukaw sa'kin ni Maki.

I'm the most stupid person at pinili kong umuwi sa pinas sa pasukan para lang makita si Jho. Though I knew, it will only cause bleeding to my wounded heart.

Seeing Jho often with that guy opening the car door for her, ako dapat yon. Him trying to make her laugh, ako dapat yon. Him bringing her lunch, ako dapat yon. Pero bakit sobrang dali naman 'atang napalitan ang papel ko sa buhay mo? Right, I am just your bestfriend. It hurts most when you made me feel special but then made me feel so unwanted nang bumalik siya sa buhay mo.

" I'm too late to confess, Makz. No, kahit pa naman noong una, walang wala ako sa kanya. "

We were sitting at the next table with ate Ells reading a book while Jho and him are on the next 4 tables in a row na nagkasiyahan. I wondered why this guy always visits Jho, tambay yata to eh. Wala na ngang time si Jho sa'kin dahil sa gagong yan. Bihira na lang din kaming mag-usap sa classroom dahil panay cellphone naman niya ang inaatupag.

" I don't like him for her, Bei. I don't think it's too late. Hindi ka pa naman kasi nagsisimula. " si Maki.

I'm puzzled by her words.

" And you're way better than giving up. Hambog ka eh. " si ate Ells.

She's cheering me up pero binabawi sa huli.
Ang bait niyang kaibigan. Sobra.

"Gusto ko nga ate Ells pero huli na nga ako."

"Hindi naman kasi hawak natin ang oras. Hindi naman lahat na planado na, aayon sa plano natin." si ate Ells

Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi nila. Pati utak ko nagiging mahina na dahil sa kanya.

Gustuhin ko man o hindi, hanggang magbestfriends lang naman kami. Siguro, doon ko na lang ibubuhos ang pagmamahal ko sa kanya as her bestfriend kahit na masakit, kakayanin na lang. Mas pipiliin ko pang ganuon na lang kaysa ang lumayo sa kanya. I tried, pero hindi ko kaya. I tried, pero mas lalo lang nahihirapan ang loob kong hindi siya makita.

Kung kailan ready na akong magmahal ulit ay saka din naman niyang binuksan ulit ang puso niya sa taong nananakit sa kanya. Naiwan na tuloy ang puso ko sa ere. Why Jho? Why?

Nauna na kaming tatlong pumasok sa klase dahil alam naman naming ihahatid ni Marci si Jho sa room. Hay, pati ba naman sa ganitong oras sila pa din ang magkasama. Kung pwede lang sabihin kay gago na pahiram ng oras kay Jho ay matagal ko ng sinabi yon sa kanya pero gross wala namang tangang magpapahiram ng time sa minamahal niya.

Nagsimula ng maglecture ang prof namin, hindi na kagaya ng dati na tinatawag kami ni ate Ells dahil nahuhuli kami ni Jho na mag-usap. Si Jho, kung hindi nagiging busy sa phone, nakikinig lang ito kay prof. Hindi ko magawang ibalik kung ano kami dati. After kasi noong last call namin, hindi na namin pinag-uusapan pa iyon. May gap na between us. For me, I have reasons. Pero siya, I don't know. Baka meron.

After class, I don't get excited anymore. I can't be with Jho anymore dahil may Marci namang susundo sa kanya. Nauna ng umalis ang dalawa at nagpaalam na sa amin ni Jho. As I said I'm the most stupid person, I accompanied Jho hanggang sa dumating si unggoy. Hay Jho, lakihan mo lang kasi ang vision mo, di hamak na mas magandang gwapo ako kaysa sa ex mo.

So Into YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant