Chapter 44

4.9K 81 10
                                    

Jho POV

Kinabukasan ay pinuntahan ko agad si Bea sa kanila. Hindi ko kayang maging ganito na lang kami lalo na't hindi ko sya makikita ng ilang weeks. Namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi dahil sa ginawang pag-iwan niya sa'kin. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya akong pagpipiliin sa kanilang dalawa na parehas na mahalaga sa'kin dahil lang sa selos niya ay nawalan na sya ng tiwala sa'kin.

Aaminin kong natulala ako sa sinabi niyang may gusto sa'kin si Ged pero mas na-shock ako sa kanya. Hindi ko sukat akalaing naging makitid ang utak niya at kinikwistyon niya pa ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi pa ba sapat 'yong nangyari sa'min sa resort? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para mapatunayan kong mahal na mahal ko sya? Hay, pag-ibig! Leche, dapat bakasyon 'to eh, pero pinapasakit lang nito ang puso ko. Oo na, si bakulaw ang dahilan!

Pagdating ko sa kanila ay pinindot ko agad ng door bell, agad naman akong pinapasok ng katulong nila. Nadatnan ko si tita sa sala nagbabasa ng mga papeles ata 'yon  tungkol sa kanilang business. Nilapitan ko agad sya at hinalikan sa pisngi at saka naupo sa tabi niya.

Napatingin naman sya sa'kin at hininto ang kanyang ginagawa.

"Are you okay, bunso? Namumugto yang mga mata mo!"

Gusto ko na namang maiyak ngayon pero pinigilan ko na lang dahil nakakahiya at sa mama pa ni Bea.

"Okay lang po ako, tita. Andito ho ba si Bea?"

Feeling ko alam na niyang nag-away kami pero hindi niya lang ino-open up.

"Maagang umalis si Bei, bunso. Nasabi niyang pupunta lang muna sya sa paborito nyang cafe Antonio 'ata yon."

"Ah, salamat po tita. Pupuntahan ko na lang muna sya, tita."

"Okay bunso. Kung ano man yang pinag-awayan nyo ay dapat masolusyonan nyo na agad. Namumugto din ang mga mata nun, eh."

"Yes, po tita. Aayusin namin to. Ah, oo nga po pala.. Dinala ko na ang mga gamit niyang naiwan sa bahay kagabi. Nasa sasakyan po tita, kukunin ko lang muna."

"Mga bata talaga oh! Sige, sige bunso. Kumuha ka din ng mga baked cookies sa kitchen bago ka umalis para may makakain ka naman sa byahe." ngiting sabi niya at saka niyakap ako.

"Sige ho, tita. Salamat." sagot ko.
____

Pumasok na ako ng cafe at saka nag-order na din ng coffee. Hinahanap ng mga mata ko si Bea pero wala akong makitang Bea dito. Pagkakuha ko ng order ay saka ko nilibot ang cafe, tiningnan ko ang bawat sulok ng cafe, sa mga kwarto-kwarto na may divisions at baka andun ang hinahanap ko.

May narinig akong tawanan sa kabila na parang boses ni Bea kaya naman agad kong pinuntahan iyon. At hindi nga ako nagkakamaling sya iyon. Nawala agad ang ngiti niya sa kanyang mga labi pagkakita niya sa'kin na parang nagulat sa nakita niya.

Sobrang unfair naman, umiiyak ako buong gabi dahil sa kanya tapos heto lang sya nakikipagtawanan sa Keanna niya! Eh, di wow. Sila ng masaya!

Napako ang mga paa ko sa kintatayuan ko, gustuhin man ng utak kong umalis ay hindi naman sinusunod ng mga paa ko. Dapat sumunod sila eh, sabi kasi sa libro brain is the control center, ngayon alam ko ng hindi na. Napakuyom na lang ang kamao ko at handang isuntok sa maharot na girlfriend ko! Gagawin ko talagan suntukin ka 'pag di ka aalis dyan!

Tumayo naman agad ito. At dahil sa matangkad sya ayon nauntog ulo niya sa kisame. Buti nga sa kanya!

"Keans, maiwan na muna kita dito. Mag-uusap lang muna kami sandali." seryosong sabi niya sa kasama niya.

May Keans-keans ka pang nalalaman dyan! Tiningnan ko lang sya ng masama at saka niya ako hinila palayo sa cafe. Palayo talaga dahil kinaladkad ako sa parking lot. Parking lot na naman na may cars, ganito na lang ba lagi ang mga eksena kung mag-aaway kami?

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon