Chapter 40

6.3K 91 1
                                    

Jho POV

"Beatriz, saan ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Tinawagan ko sya sa phone dahil 30 minutes na akong naghihintay sa bus terminal at hanggang ngayon ay wala pa din sya.

"Andito na beh. Saan ka ba? Puntahan kita."
sabi ng kabilang linya.

Sinagot ko naman agad na nandito ako sa may putuhan kumakain.

May kung anumang tao sa likod at humalik sa'kin sa pisngi.

"Ang bango mo Jho. Good morning!" she grinned.

"Ba't late ka?" seryosong tanong ko sa kanya.

Naupo naman ito sa harapan ko at nakita kong marami syang dala, isang maleta, isang malaking backpack at may bitbit pang isang bag sa kamay niya.

Nagtatanong ang mga mata ko pagkakita nun.

"Beh, andaming pinadala si mom sa'kin para sa family mo. Dapat daw magpaplus point ako sa future-in-laws ko kaya na-late ako."

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inexpect na ganun ang gagawin ni tita. Napangiti na lang ako dahil sa sobrang supportive niya sa'min.

I offered her hot choco drink and puto pero tumanggi sya dahil kagagaling lang nyang kumain sa kanila. Habang naghihintay siyang matapos ako sa pagkain ay panay naman ang pagte-take ng pictures niya sa'min.

Agad na kaming umakyat ng bus pagkatapos. 10 am pa ang next shed dahil nahuli kami sa 9am na sched. While waiting, she puts an earphone to my ear, bali share kami sa earphones niya.

I saw her yawning kaya isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko.

"Sabi ko sa'yo matulog ka ng maaga kagabi. Ayan tuloy napala mo." sabi ko sa kanya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinahalik-halikan. Sanay na ako sa ganyang kilos niya pero hanggang ngayon nakukuryente pa din ako sa kanya at na-fefeel ko pa ding may anumang paru-parung nagsisiliparan sa tiyan ko.

"Beh, 2 hours lang ang tulog ko kanina dahil sa kakaisip sa pwedeng mangyari pagdating natin sa inyo. Kinakabahan ako beh. What if ayaw ng family mo sa'kin at paghihiwalayin tayo.. Hindi ko kaya 'yon beh." mahabang paliwanag niya sa'kin.

Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Leche, na-tuturn on na naman ako!

"Beh, magsindi ka na ng kandila.. sigurado akong hindi sila boto sa'yo." biro ko sa kanya na mas lalo lang nagpapakaba sa kanya.

Tiningnan lang niya ako ng masama.

"Biro lang beh. Ano ka ba. Sasama pa din naman ako sa'yo kung ganun ang mangyayari. Itanan mo na lang ako pagtumutulol sila mama, ha?" nangingiting sabi ko.

Hay, di ko tuloy mapigilang hindi mapangiti sa word na tanan. Nagiging manyak na din ata amg isipan ko dahil sa kanya.

"Beh, gustung-gusto kitang itanan pero baka pinapatay na ako ni tito bago pa yon mangyari." ngiting sabi niya.

"Sira ka talaga Beatriz! Boto yon sa'yo! Okay nga nilang girlfriend na lang ang dalhin ko."

"Haha. Beh, they're only kidding. Trust me."

So Into YouWhere stories live. Discover now