Chapter 29

5K 87 0
                                    

Jho POV

(Flashback)

Ilang araw na din ang lumipas at 2 days na lang magpapasko na. Namiss ko na si Bea. Ang mga titig niya, ang kasweetan niya at ang pang-aasar niya.

"Ma, pupunta ako kina Bea mamaya. Pwede bang magpahatid kay manong driver?"

Nagtaka naman agad si Mama.

"Ha? Nasa Maynila 'yong sa kanila nak. Sigurado kang pupunta ka?"

"Ah, kasi ma may gusto lang kasi akong sasabihing importante."

"Ah, sige nak. Uwi ka na lang sa dorm mo pagnatagalan ka sa kanila."

"Thank you, Ma."

Iba talaga pag may supportive na mama.

"Ma, aalis si ate? Ate sama ako!"

Iba talaga pag may ganitong kapatid!

"Ayoko. Pupunta ako kina Bea. Stay ka lang dito."

Agad namang naintindihan niya ang minimeant ko.

"Okay, ate. Good luck!"

Smart tayo eh!

Bumalik na ako sa kwarto ko at naligo. Naghanda na din ako para umalis. Nadatnan ko si manong na naghihintay sa labas. Agad naman akong pumasok sa kotse para makaalis na kami.

Tama si Ja. Hindi ko kailangan ang lumayo nang dahil lang sa mahal niya ako ng higit pa sa kaibigan. Kailangan ko lang syang pakinggan. Tsaka hindi ko din kaya ang iwasan siya everyday dahil nagiging dependent na din ako sa presence niya. Nahihirapan na nga ako ng iilang days sa pag-iisip kung anong gagawin at hindi sya kitain, how much more kung araw-araw walang usapang mangyayari?

2pm akong nakarating kina Bea at nagdoorbell. Kinakabahan na ako sa sasabihin ko sa kanya. Hay, naku naman.

Agad naman akong nakilala sa isa sa katulong niya at pinapapasok. Sinalubong agad ako ni tita Det na nakangiti sa'kin.

"Hi, tita! Nandito po ba si Bea?" sabi ko at nakigbeso sa kanya.

"Buti naman at napadalaw ka bunso! Namimiss ka na namin ng tito mo. Wala si Bea ngayon, umalis."

"Namiss ko din kayo tita. Ah, sige tita. Hihintayin ko na lang ho sya."

"Sige, bunso. Halika sa loob, may bini-bake akong bagong recipe tikman mo." sabi ni tita at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Dumiretso agad kami sa kusina. Pinatikim agad ako ni tita ng bagong recipe niya. As usual, sobrang sarap ng ginawa niya.

Nagkwentuhan kami ni tita habang tinutulungan ko sya sa pagb-bake.

Gumagabi na wala pa din si Bea. Dumating na din si tito Elmer galing opisina.

"Buti, naman at napadalaw ka bunso! Wala pa si Bea dito. Tinawagan ko na at ang sabi pauwi na daw sya."

"Ah, okay tito."

Kinakabahan na ako. Leche.

Napukaw ako sa kakaisip nang tinawag ako ni tita na nasa kusina. Andami na niyang binibake na cookies at cupcakes, hindi ko naman mauubos 'to lahat. Wala din namang kakain nito dahil hindi mahilig sila tito at Bea.

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni tito na andito na si Bea.

Hay, namiss ko tuloy siya. Napapangiti na lang akong tiningnan siya.

So Into YouWhere stories live. Discover now