Chapter 19

4.8K 113 1
                                    

Jho POV

Naghihintay kami ng taxi ni Bea pero walang dumadaan. Ano ba yan, kay malas ng araw na ito!

Wala kaming phone o kaya perang dala dito maliban na lang sa 50 pesos na nasa bulsa ko.

Kung pwede lang tirisin tong katabi ko matagal ko ng ginawa pero pinipigilan ko dahil nga nag-away kami ng walang dahilan at nagalit dahil sa pinapakita niyang di pagpapansin sa akin.

Anong oras kami makakauwi ngayon eh alas nuebe na! Sana di ko na lang siya kinausap sa sasakyan, di sana kami humantong sa ganito.

" Beatriz, magcocommute tayo. "

Di ko mapigilang mainis. Kaasar!

" Okay. " tipid niyang sabi na nakayuko pa din.

Sakto na mang may jeep na dumaan at pumara na ako.

Mabuti na lang at walang masyadong pasahero.

Tinignan ko siya na parang namamangha sa jeep. Sigurado ngayon lang ito nakasakay. Dahil naiinis pa din ako, di ko na siya kinausap.

Nakita kong may pasaherong sumakay.

" Hoy, Beatriz umusog ka. " sabi ko sa kanya na nalilito kung bakit.

Ang luwag ng upuan niya kaya naghihintay si ateng uusog si Bea.

"Ha? Bakit? ayoko. Dito lang ako sa tabi mo."

Sabi ko nga di niya gets.

" Usog ka nga dito dali dahil naghihintay si ate at si manong driver. "

" Ah, okay. " at agad naman itong umusog palapit sa'kin at nagsorry din siya kay ate na katabi na niya.

" Beh, wala akong pera. " sabi niya.

" Ako na ang magbabayad. " sagot ko.

" Talaga beh? Stop over muna tayo sa mcdo. Nagugutom ako. "

Ako din gutom. Gutom na gutom pero singkwenta lang ang pera ko!

" Wala akong pera pang mcdo. Singkwenta lang to eh. "

Naaawa na ako sa sarili namin. Ano ba yan!

" Sorry, beh. Kung hindi...... "

" Beatriz, okay na. Tapos na. Wag na nating pag-usapan. " Putol kong sabi.

Sumakay ulit kami ng jeep papuntang dorm.

Tahimik lang kami hanggang sa nakarating na kami.

Pagod na pagod ako!

Agad akong pumasok sa kwarto ko at kumuha ng pera. Lumabas din ako agad dahil naghihintay si Bea sa labas.

" Halika na. Punta na tayong Mcdo. "

" Wag na Jho. Di na ako gutom. " pagdedeny niya.

Hindi ko na lang siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad.

" Jho, I'm sorry. "

Bahala siya diyan. Nagugutom na talaga ako. Eh paano ba naman kanina, hindi ako makakain ng marami dahil sa pagging moody ng bakulaw na to!

Huminto ako sa paglalakad.

" Alis na ako. " sabi pa niya, tumalikod at naglakad papuntang ibang direksyon.

Napahinto agad ako sa paglalakad.

" Ano ba Beatriz, sasama ka o kakaladkarin pa kita? "

Naiirita na talaga ako sa kinikilos niya. Parang bata kung magtampo.

So Into YouWhere stories live. Discover now