Chapter 45

4.8K 89 6
                                    

Bea POV

I'm about to chase after Jho but she's ridden fast on the car. What did I just do? Ang tanga mo Bea!

Nagpupunas ako ng luha at mabilis na pumasok sa loob ng cafe.

Gulat na nakatingin lang sa'kin si Keanna pagkakita ko.

"I'm sorry. I really have to go..." sabi ko at saka kinuha ang mga gamit ko sa table.

"To chase after her?" diretsahang tanong niya.

I just nodded in agreement.

"Bilis na! No time for weeping, asshole!" sabi niya at saka tinulak ako palayo. Kahit na hindi ko sinasabi sa kanya 'yong nangyari ay alam niyang asshole nga ako. Yeah, I am.

Nginitian ko lang sya at saka tumakbo agad palabas ng parking lot. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, agad ko itong pinaandar. Tinawagan ko din ang number ni Jho pero out of reach ito.

What did I just do? Nagiging bulag ako sa selos at sa takot kong mawala sya sa'kin at nauna pa akong nakipaghiwalay sa kanya. Sobrang tama sya at sobrang mali ko. Ang tanga tanga mo Bea, ni hindi ko man lang kayang intindihin si Jho. Hindi lang si Jho yon, sya ang babaeng pinakamamahal ko at sinaktan ko lang ng ganun dahil sa pagiging narrow-minded ko.

Damn. Kung pwede lang banggain lahat ng kotse para mag-overtake ay gagawin ko talaga.

Tumulo na lang ang mga luha ko dahil sa ginawa ko. I thought I knew what love is but I thought wrong pala. Nagiging self-centered lang ako. Hindi sana to mangyayari kung nilagay ko ang sarili ko sa posisyon nya. I should have trusted her because I love her pero ngayon ni wala akong konting proof kung deserve ko ba sya. No, I don't think I deserve her. I doubted her love after those times of giving herself to me, of introducing me to her family and of  how she's so proud of me.

I'm so sorry Jho. If I have to kneel down, I'll do it. If I have to harvest all the sunflowers in the farms, I'll do it. Right, sunflowers. I need a to buy a lot of sunflowers for her.
____

Hapon na ng makarating ako sa kanila. I held a grip to the bundle of sunflowers I just bought, unsure of what to do, whether to get inside the house or to just wait her outside. I chose the latter. Wala din akong mukhang maihaharap sa family niya, sinira ko lang ang pangakong hindi ko sya sasaktan. Maluwag ko ding tatanggapin kung magagalit sila sa'kin pero alam kong hindi ako susuko sa kanya hanggat mapapatawad niya ako at tanggapin ulit.

Nagrerehearse ako sa sasabihin ko kay Jho habang ang mga mata ko ay nakatutok lang sa gate nila, praying it will open at iluluwa doon si Jho. Naramdaman kong nanlamig ang mga kamay ko sa kaba, mas nakakaba sya kay doc Katapang. Tumunog ang tiyan ko, nalimutan ko palang kumain ng lunch. Mamaya na lang ako kakain pagkatapos ko syang makausap.

Magtatatlong oras na akong nakatayo at nakasandal sa sasakyan ko sa paghihintay sa kanya pero wala pa ding Jho na lumabas sa gate. Wala sigurong tao sa kanila ngayon? Nasaan si Jho? Hindi naman 'yon uuwi sa dorm, sigurado ako doon dahil kasama niya ang driver nila pero baka mali din ako at nandoon lang sya sa dorm? Kung kailan nandito ako sa Batangas, ngayon ko lang naisip na pwede syang pumunta sa dorm niya. Haissstt. Tinry ko ng magdoorbell sa bahay nila pero wala pa ding taong lumabas.

Napagdesisyonan ko na lang ang bumalik sa Maynila para puntahan siya sa dorm. Kailangan ko talagang makausap sya ngayon dahil bukas ng umaga ang flight namin papuntang US.

Papasok na ako sa kotse pero may black SUV na sasakyan ang huminto sa kanila. Tinanaw ko kung sino ang lumabas at tama nga ako ng hinala si Ged ang lalaking iyon at binuksan ang pinto sa front passenger seat. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa pintuan ng sasakyan to have a support. Oh, please..wag lang si Jho 'yong kasama niya.

Napapikit na lang ako sa nakita kong si Jho nga 'yong lumabas. Inilahad ni Ged ang kamay niya at tinanggap naman niya ito. Nakita kong magkahawak sila ng kamay habang nakahawak ang isang kamay ni Ged sa baywang niya. Gusto kong sumugod sa kanila at suntukin si Ged pero wala akong lakas ng loob para lapitan sila. Naalala kong hindi ko na pala sya pagmamay-ari at wala akong karapatang manuntok sa taong kasama niya.

Nakatanaw lang ako sa kanilang dalawa, hindi nila ako mapapansin dahil nakapark ako sa isang madilim na iskinita at itim din ang sasakyan kong dala. Parang mas piniga ang puso ko sa nakita kong paghalik ni Ged sa noo at pisngi nya habang si Jho naman ay nakapikit lang ito. Ang mga kamay niya ay nakahawak pa din sa bewang ni Jho. Pinilit kong humakbang papunta sa kanila pero Jho threw her arms at Ged and he hugged her back and I stepped backward.

Walang malay na nabitawan ko ang bulaklak na hawak ng kamay ko kanina pa. Sakto naman ang pagtulo ng mga luha ko ay sya ding pag-ulan ng malakas. Umaayon talaga ang ulan sa nararamdaman ko ngayon. Dapat umalis na ako at pumasok sa loob ng sasakyan pero parang nawala ng lahat ang lakas kong gawin iyon.

Nakatingin pa din ako sa kanila na dali-daling kumuha ng payong si Ged sa sasakyan niya. Nasilayan kong tumawa lang si Jho dahil sa kanya. Tumawa sya sa kanya at hindi iyon dahil sa'kin.

Nagsimula na silang maglakad papunta sa bahay nila. Hawak ni Ged ang payong samantala ang isang kamay niya ay nakaakbay lang kay Jho. Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil hinawakan sya ni Jho sa baywang. Naisip kong bagay silang dalawa. Naisip kong mas deserve si Ged sa kanya. Naisip kong mas magiging masaya sya sa kanya.

Napahinto sila sa paglalakad at nagkatinginan kami ni Jho. Nagseselos pa din ako sa nakita pero ngayon mas nanaig kong bigyan sya ng freedom at happiness niya.

Kasalanan ko din naman 'to. Wala akong ibang taong sisisihin kung hindi ang sarili ko lang.

"Bea...." nasabi ni Jho sa'kin.

Napukaw naman ako sa boses niya. I gave her a smile to tell her that it's okay and that I let her go at saka dali-daling pumasok sa loob ng sasakyan at pinaandar ang sasakyan.

______________________________________________

The end na'to guys!

Jokey.

Thank you, readers!

Game 1 finals mamaya! Good luck and God Bless to both teams! Manalo o matalo, lahat ng fans sa DLSU at ADMU, refrain from bashing at eenjoy lang natin ang game, okay? hehe.

Hindi tayo dapat maging parehas sa nagtweet ng "Keanna magka-ACL ka sana! jk!" Ang babaw ng taong 'yon, alam ba niya kung anong meaning ng ACL? Nagrarant lang ako guys, hindi kasi deserve ng mga players ang ganun.

So Into YouWhere stories live. Discover now