Chapter 41

6.6K 106 5
                                    

Jho POV

Magkasama kaming dalawa ni Bea sa isang Beach resort sa Batangas. Dito kami magspe-spend ng 2days and one night na kami lang dalawa. Nagpaalam na din kami sa parents ko at ang nakakatawa pa doon ay pinayagan kami agad dahil sabi ni papa na hindi sya mag-aalala sa'kin dahil hindi daw ako makakauwing buntis.

Sobrang open na ni papa sa identity ko at nagawa pa niyang magbiro.

Pumunta na kami sa reception area ni Bea para kumuha ng kwarto.

"Miss, we'll have an executive room. May available pa po ba?" I asked.

I watch Bea na pinagpawisan lang bigla. Nakakapagtaka lang dahil ang lakas ng aircon sa loob.

"Yes, ma'am we have a few more rooms available. Ilan po ba ang kukunin nyo?" tanong ng receptionist na nakangiti sa amin.

"We'll get one, Miss. Thank you." I answered pero nagsalita agad si Bea sa sinagot ko.

"We'll have two rooms, Miss. Thank you." tipid niyang sabi.

Tiningnan ko lang sya ng masama. Anong problema na naman ng babaeng 'to at nag-iinarte pa. Hello? Hindi lang ito ang first time naming matulog sa iisang kwarto.

Binigay na ng receptionist ang dalawang susi sa'min. Bea held my hand and gave me a key.

"This will be your room, beh. Get inside na para maayos mo na ang gamit mo."

Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya pero hindi man lang ito nakuha.

"Oh, and mine's on your next room. I'll see you later, okay?" She said and kissed my forehead.

I can't believe she's doing this!

"Anong problema mo?"

"H-ha? W-wala naman b-beh. Gusto ko lang mamiss mo ko ng konti dahil baka sawa ka ng katabi mo ako sa k-kama." sabi niya na nakataas-baba ang kilay.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya dahil alam kong hindi iyon ang dahilan.

"Liar. Next time you lie, Bea siguraduhin mo lang na hindi ka nauutal.. Hmmn." I teased and touched my lips to her neck.

I feel her body stiffened. Now I know why she wants to have another room.

"Ughh! I'll go ahead. Bye!"

Tumakbo sya ng mabilis papunta sa kwarto niya habang ako naman ay tumawa na lang sa nakita ko at saka pumasok na sa loob ng kwarto.
____

Napukaw ako sa katok ng pinto. I check my watch at wala pang 20 minutes na nakatulog ako ay may gumagambala na agad. Alam kong si Bea ito, sino pa ba ang kakatok kundi sya lang naman.

Binuksan ko ang pinto at nakangiting Bea ang bumungad sa'kin.

"Hi!..Tara sa baba para kumain. Fresh sea foods ang inihanda nila, beh. You will love it for sure!"

I look at her from head to toe. Hindi ko mapigilang hindi humanga sa katawan niya lalong lalo na ang abs niyang nakalabas dahil sa hindi niya isinara ang suot niyang blue long sleeves. Napako ang tingin ko sa tiyan nya at awtomatikong napalunok ako. I have the hottest girlfriend in the world, sigurado akong pagpipyestahan ito sa baba.

"Done checking me out?" she teased.

Siya naman ang nakabawi sa panunukso ko kanina.

"Isara mo yan, Beatriz! Hindi ako natutuwa sa suot mo!"

Possessive na kung possessive but Bea is mine. Mine only.

"Ang possessive naman ng girlfriend ko... Opo, isasara ko na 'to pero sa isang kondisyon.." sabi niya at mas nilapit pa ang kanyang katawan sa'kin.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon