Chapter 52

4.9K 90 0
                                    

Bea POV

2 weeks after the proposal

I was on a convention together with other cardiologists and cardiac surgeons held in a five star hotel. I don't want to be here but I got no choice for I have to present a rare case of my patient. The good thing was the hospital catered everything for my expenses. Ate Ella was also here with her dad but it was only for a short while since she had another appointment to attend to. I guess she's busier and knowing her, she might call her life as worse.

My phone vibrated in my pocket and immediately answered it since it was my fiance that called.

"Yes, love?"

"How's it going? You're okay?"

"It went well. And yeah, I'm fine. I missed you already." I told her.

"4 hours ka lang naman dyan at hindi whole day beh. Magkikita din naman tayo mamaya. I miss you too, my labs!"

"Si ate Ells, andyan pa ba?" tanong niya.

"Kani-kanina lang umalis beh. Why?"

"Kianna looked for her. Pangalawang balik na nya to dito sa office ko."

"She didn't call ate Ells?"

"She did. Pero di naman sumasagot. Sobrang busy na niya."

"I bet. Baka papunta na yon ng hospital with tito. Sabihin mo na lang kay Kianns, labs."

"Okay, sige beh. Tawagan kita mamaya, kailangan ko na ding umattend sa pasyente ko."

"Okay, beh. Don't forget our dinner I reserved at 7pm! I love you, you know that right?"

"No, I won't forget it, beh. Yes, alam ko na po.. I love you more."

Pinatay na niya ang tawag. Excited na ako mamaya sa dinner namin! I checked my watch to see the time, malapit ng matapos ang convention nato. I kept on stomping my feet na parang nagbibilang ng seconds.

Natapos na din sa wakas ang gathering. May mga ibang doctors din akong kinausap tungkol pa din sa case ko. Pagkatapos nun ay dali-dali akong um-exit para wala na akong makakausap pang iba na makakapagdelay lang sa'kin.

Pagdating ko sa parking lot ay agad akong sumakay at pinaandar ito. Bago ako pumunta sa Anzani restaurant ay kailangan ko munang dumaan sa Jewelry shop para kunin yong singsing na pinagsukatan namin ni Jho.

Everything was ready para sa kasal namin. Hinihintay na lang namin ang araw ng flight namin sa next 2weeks. We have booked tickets already papuntang US dahil doon gaganapin ang kasal namin. Close relatives lang din ang iniimbita namin. Syempre kasali na doon sina ate Ly and Den na matagal ng kasal at may cute na triplets pa. Sina Maki and Kianna the newly couple, hindi mawawala si ate Ells na hanggang ngayon wala pa ding partner, invited din sina Ged at Marci kasama mga gfs nila.

Mabuti na lang at approved agad kami ng papa ni Jho. Nabawasan ang kaba kong hinarap sya nung nag-agree na.

Mabilis lang akong nakarating sa shop dahil hindi traffic pagpunta ko dito.

"Good evening po, doc Bea. Umupo muna kayo at kukunin ko lang saglit ang wedding rings nyo."

"Okay. Thank you." sagot ko at naupo na sa sofa. Kumuha na muna ako ng time magazine para magbasa habang naghihintay.

10 minutes after ay tinawag agad ako ng staff.

"Ito na po yon, doc. E-check nyo na lang po kung may gusto pa kayong baguhin sa rings nyo."

Binuksan ko naman to at sobrang okay na sya para sa'kin. Alam ko ding magugustuhan to ni Jho, sya kasi ang nagpili ng design nito.

"Nah, sobrang ganda na nga nito. I'm sure my wife would love it. Thank you!"

So Into YouWhere stories live. Discover now