Chapter 30

5.7K 91 7
                                    

Jho POV

Kasama ko ang buong pamilyang sinalubong ang pasko. Ito ang isa sa best occasions sa buhay ko dahil syempre mas madaming pagkain ang nakahain sa mesa namin.

May mga batang nagcacaroling at nakakaaliw silang tingnan dahil feeling ko bumabalik ako sa pagkabata. Naalala ko pa noong nagcaroling kami sa subdivision namin nila Ged at Marci tapos hinabol kami ng aso ng kapitbahay namin na nakawala. Napapangiti na lang akong mag-isa lalo na 'yong time na iniwan ako ng dalawa at tumakbo papalayo tapos ako hindi ko namalayang nakaakyat na pala ako sa isang puno. Umiiyak na ako nuon dahil wala na 'yong aso pero hindi naman ako makababa!

Ang sarap maging bata ulit. Walang problemang pinoproblema. Masaya lang walang ending. Hay, matanda na nga ako. Ang ibang friends ko ay sobrang successful na sa buhay pati sila Ged at Marci na may sarili ng business samantalang ako ni wala akong bank account at nagpapalamon pa lang din sa parents ko. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila dahil nga successful na eh ako, ang tagal ko pang matapos siguro kapag 30 na ako, mabubuhay ko na ang sarili ko. Madalas napapatanong ako kung bakit ko pinasok ang pagdodoktor at pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Everyday, libro mo lang kaharap mo, nakukulangan pa sa tulog at nagkaka-eyebags pa, pinapagalitan or naiinsulto pa sa docs kung hindi makasagot, may mga nakatambak pang exams ni hindi pa sigurado kung mapapasa lahat, at hindi maiiwasang walang compettition sa field kaya naman kinailangang mag-aral para di mapahiyang ikaw ang pinakababang nakuha na marka.

Isa lang naman sagot niyan. Pinili ko 'to dahil gusto ko at kahit mahirap kakayanin ko. May times na gusto kong maggive up na lang pero naisip kong kung kakapit lang may maidudulot. Makakapunta din ako sa goal kong gumraduate, maging doctor with MD na kadugtong sa pangalan ko at makakasuot din ng white coat. That feeling will be priceless!

"Ano ate, kinain ka na ba ng sistema mo't nakatunganga ka lang?"

Napukaw ako sa sinabi ni Ja. Paskong-pasko nagiging emosyonal ako sa kurso ko.

"Napapatanong lang naman Ja kung bakit pinili ko 'to. Pero alam ko na naman ang sagot. Inevitable lang syang isipin."

"Alam mo te, hanga ako sa'yo. Gusto ko ding maging ganun yong hinahangaan ka ng ibang tao. Masarap siguro sa feeling yon."

"Hanga din naman ako sa'yo Ja kahit naaannoy ako sa'yo."

"Mahal mo eh. Kapit ka lang te, malapit ka na oh! tsaka Merry Christmas!" sabi niya sabay yakap sa'kin.

"Merry Christmas, Ja! Wag kang kumain masyado ha, tataba ka lalo." pagbibiro ko sa kanya.

"Hindi ako mataba, may laman lang ako."

Nagtawanan na lang kami ni Ja at bumalik na sa loob ng bahay.  Binati din namin sila mama at papa ng maligayang pasko. Wala na talagang mas sasaya kung kasama mo ang buong pamilya.

Bumalik na ako sa kwarto pagkatapos dahil gusto ko ng matulog. Kinuha ko ang aking cellphone at napangiti ako sa nakita kong andaming misscalls galing sa kanya. May pahabol pa syang text message. Nagsend na lang din ako ng text sa kanya.

"Merry Christmas Beatriz and to your family! Goodnight!"

Agad din naman itong tumawag. Hay naku, ang kulit nya.

"Ano?" tanong ko kunwari'y naiirita.

"Anong ano? Andami ko ng call attempts sa'yo tas yon lang irereply mo?"

"Gusto ko na kasing matulog beh. tawagan mo ko bukas."

"Ang sabihin mo tamad ka lang magreply." alam niya talagang ganuon ako.

"Bayaan mo na beh, tumawag ka naman. pero beh, antok na talaga ako, alas dos na oh."

"Oh, okay. Merry Christmas, Jho! I miss you so much! tawagan kita mamaya paggising mo! Goodnight. Dream of me. I love you!"

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon