"Good morning class. Pasensiya na kung late ako," naka-ngiti niyang sabi

"Good morning, Ms. Cayabyab," her students answered in chorus before sitting again.

Matiwasay niyang nairaos ang kanyang mga klase. Sa buong oras ay matinding pagsisikap ang kanyang ginawa para lang hindi malihis ang direksiyon ng kanyang utak. Kaya siguro ganoon na lamang ang pagkahapo niya pagbalik ng faculty room kahit na halos nasa classroom lang siya't wala pang masyadong ginagawa dahil kakatapos lang ng examinations para sa grading na iyon.

"Mukhang dito na nga daw talaga titira para sa residency requirement ng posisyong tatakbuhan. Kaya rin siguro nag-donate ng building sa eskwelahan natin para magpabango ng pangalan."

"Ilang floors ba at ilang classrooms?"

"Ttalong palapag at tig-tatlong classrooms per floor. Magpapagawa din ng gym para hindi siksikan ang mga nagte-training na athletes sa iisang covered court. At ang dinig ko pa'y may mga bagong silya, kagamitan sa lab, sport equipments at computer units na kasama iyon at galing pa rin sa sariling bulsa ni Atty. Pangilinan!" si Mrs. Gaston.

Sabay-sabay na suminghap sina Mrs. Laudico, Mr. Garovillo at Mrs. Ilano sa sinabi nito. Kumunot ang noo niya't napatuwid ng upo. Kunwari'y inaayos niya ang mesa ngunit ang tenga'y abot na sa usapan ng mga ito.

"Talaga palang mayaman ang mga Pangilinan!" namamanghang bulalas ni Mrs. Laudico. "Sino bang basta-basta maglalabas ng ganyan kalaking halaga? Aba, kahit pa sabihing nagpapabango lang ng pangalan ay labis naman yata 'yon! Ilang milyon 'yan, ah?"

"Oo nga naman. Kilala ang mga Pangilinan dito. Kahit hindi pa siya mag-effort ng ganyan ay may boboto at boboto sa kanya. Kaya nga kahit pumutok pa iyong balita tungkol sa pambababae ni Congressman noon na dahilan kung bakit iniwan ulit ng asawa ay hindi man lang bumaba ang trust ratings no'n dito!" ang may pagka-binabaeng si Mr. Garovillo.

Kahit siya'y nalula at hindi makapaniwala sa mga narinig. Ngayon ay alam na niya kung bakit nandito si Donny. Marami pala itong ido-donate sa kanilang school.

"Ang suwerte naman ng Juan Mariano High School. Sa dami ng public schools sa San Bernardo ay tayo pa ang napili ng guwapong abogadong iyon para ambunan ng ganyang karaming donasyon," dagdag ni Mr. Garovillo.

Bumuntong-hininga siya at inayos na ang mga gamit. May training pa ang mga bata mamaya at siya ang in-charge sa pag-supervise sa mga ito sa susunod na dalawang linggo. Ipinadala kasi ng school sa Batangas ang kanilang head coach para sa two-week seminar doon. Mas mabuti pa ngang mag-trabaho na lang siya kaysa nakiki-tsismis siya rito.

"Oh, Corazon! Ginabi ka, ah? At hindi ka nakadalaw kahapon?" bungad ni Nurse Imelda sa kanya. Ito ang nurse na h-in-ire ni Kristine para alagaan ang nanay nito. Kaagapay nito si Nurse Faith na siya namang ka-relyebo nito sa umaga.

"Kakatapos lang ng training ng mga bata. Kahapon naman ay maraming trabahong natambak kaya ngayon na lang ako dadalaw. Si Tiyang?"

"Nandoon sa loob. Papakainin ko pa lang," sagot nito habang nagpapatiuna sa paglalakad papasok sa bahay.

Wala halos nagbago sa bahay ng kanyang tiyang. Kung paano nila itong nilisan noon ng kanyang Ate Joy ay ganoon pa rin ito ngayon. Kung may nagbago man, iyon ay ang kapuna-punang katahimikan ng paligid.

Minsan lang sa isang taon kung umuwi si Kristine. May sarili na itong pamilya at abala rin sa trabaho. Kapag ganoong umuuwi ito ay hindi siya makakadalaw dito. Mukhang habang-buhay nang kumukulo sa kanya ang dugo ng pinsan kahit na hindi niya alam kung ano ba'ng nagawa niya para kainisan siya nito ng ganoon.

Siguro dahil pakiramdam nito ay gusto niyang agawin dito ang lahat ng mayroon ito. Hindi rin nakadagdag ang naging sigalot nila noon nang dahil kay Donny na siyang mas nagpatindi lamang ng galit nito sa kanya. Umaasa siyang maaayos sila sa ilang taong lumipas ngunit malabo yatang mangyari iyon dahil hindi siya nito hinahayaan.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz