Sabi nito habang nakatingin sa magandang view. Hindi ko tuloy maiwasan mapatingin sa kanya at magtanong.

“Bakit?” Napa smirk siya sa tanong ko.

“Tinatanong pa ba yan? Syempre mahal kita natatakot ako tuluyan ka nya makuha” sabay tingin nya sa sakin. Hindi tuloy maiwasan hindi kami magtitigan.

Bakit para may iba sa mga titig nya? Para nakita ko na noon ang ganyan tingin sa kanya. Pero hindi eh. Yan ang tingin ng Daniel na minahal ako noon.

“Paano mo nasasabi mahal mo na ako? Sa huli pagkakaalala ko naman sinabi mo mismo sa mukha ko na hindi mo ako mahal at napilitan ka lang pakasalan ako dahil sa pressure sayo ng mga tao sa paligid natin” sagot kosabay pilit ngumiti at humarap ulit sa tinitingnan ko.

Sa tuwing naalala ko ang usapan namin na yun? Hindi ko maiwasan hindi masaktan. Para lahat ng sakit bumabalik sa tuwing naalala ko yun.

“Nagkamali ako ng sabihin ko sayo nun ang mga kataga hindi na kita mahal. Sa totoo lang gulong gulo ako nun eh. Kasi nalaman mo na yung totoo tapos alam ko dalawa babae ang masasaktan ko. Hindi ko na alam ang dapat sabihin nung araw na yun. Masyado magulo. Dala na din siguro ng hindi ko pagkakaalala”

 

“Hindi din. Hindi excuse ang pagkakaroon mo ng amnesia para saktan mo ako noon. Alam mo sana sinabi mo na lang eh. Kesa ako pa ang nakaalam. Mas masakit kasi” sagot ko. At hindi maiwasan na tumulo nanaman ng mga luha ko. Nakakainis.

“I’m sorry kung nasaktan kita. Sana hayaan mo ako tulungan ka na hilumin ang sugat na binigay ko dyan sa puso mo” sabi nito sabay yakap sakin.

Hindi na ako sumagot at umiyak na lang ako sa balikat nya. masakit oo. Pero sa pag uusap namin ‘to? Para nabawasan yung tinik sa dibdib ko. Para mas gumaan ang pakiramdam ko.

Lalo na nung sinabi nya ang mga kataga gusto ko marinig. Ang mag sorry siya at sabihin mahal nya ako. Habang yakap yakap ko siya. Ay hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa tao nakatingin samin.

“Albie..” Sabi ko sabay kalas sa yakapan namin ni Daniel.napatingin din siya kung saan ako nakatingin. Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko.

“Kath dito ka lang sa tabi ko please” sabi nito parang nagmamakakaawa. Napatingin ako sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko.

Tapos kay Albie na nakatingin pa din samin. Ilang Segundo ay tumalikod na si Albie at naglakad na papalayo. At sa hindi inaasahan.

“Daniel I’m sorry kailangan ko lang siya habulin” Tumango siya ang binitiwan ang kamay ko. Nagmadali ako bumaba para mahabol si Albie. Hindi ko alam pero may nagsasabi sa utak ko na dapat habulin ko si Albie.

Albie’s Pov

Wala naman nanakit sakin pero bakit ang sakit ng puso ko? Para ako hindi makahinga sa nakita ko. Magkayakap lang naman sila anong masakit dun?

Hasty Decision (Completed)Where stories live. Discover now