Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Nanay, gusto ko pong makatulong sainyo. Nagpunta po dito si Aling Nene at naniningil siya ng renta sa bahay, tska nakita ko po kanina na paubos na po ang gamot niyo. Ayoko kasi na dagdagan pa ang mga poproblemahin niyo 'nay kaya ko iyon nagawa."

Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan ko siya sa pisngi. "Okay, pero last na ito ha? Salamat sa masarap na agahan. Kumain na tayo?" Nakangiti kong sabi.

Ngumiti din siya ng malawak at tumango.

That's my boy!

Seven years had passed. Sobrang bilis na nagbago ang buhay ko. Oh well! Bata pa lang pala ako nagbago na ang buhay ko. Pero masasabi kong iba ngayon, dahil ngayon isa na akong Ina. Ina sa aking seven years old na anak! Ibang-iba pala ang pakiramdam kapag may sarili kang anak. Tama pala ang mga kasabihan ng mga ibang Ina na katulad ko na ang mga anak nila ay ang kanilang kaligayahan.

Siya si Lucas Gabriel Gilinsky! Ang nagpuno ng lahat ng pagkukulang ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay kinakaya ko ang lahat. Siya ang dahilan kung bakit kahit na nahihirapan parin ako ay hindi ako sumusuko. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay lumalaban ako. Maswerte ako at hindi niya ako iniwan noong nasa sinapupunan ko palang siya, hindi katulad ng Ama niya, ang bilis akong iniwan.

Makalipas ang pitong taon, hanggang ngayon ay wala parin akong balita sakanilang lahat. Ang mga taong iniwanan ako sa gitna ng paghihirap ko! Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw na magkikita kami ulit. Kahit para sa anak ko nalang!

"Nanay, aalis ka ba?" Malungkot na tanong ng aking anak.

Lumuhod ako para pantayan siya. Nginitian ko siya at hinalikan sa noo. "Oo 'nak e. Kailangan ni nanay na magtrabaho para may kainin tayo mamaya at makasama ka sa field trip niyo."

"Pero nanay, ayoko naman talaga sumama 'don e! Diba nga ayoko sa mga classmates ko kasi bad sila? Tska mahal po ang bayad 'don. Ibili niyo nalang po ng gamot niyo."

Napangiti ako sa sinabi niya. Isa sa gustong-gusto ko sa aking anak ay ang palagi niya akong inuuna. Palaging una si nanay bago siya! Masaya ako dahil dumating siya sa buhay ko.

"Anak, okay lang si nanay. Kaya ni nanay kahit 'di ako uminom ng gamot. Tska ayaw mo ba'ng sumama sa field trip? Sa enchanted kingdom 'yun, maganda doon!" Pangungumbinsi ko sakanya kahit na alam ko, sa loob-loob niya. Gusto niyang sumama dahil ilang beses ko siyang nakikita na palaging nakatingin sa brochure ng Enchanted Kingdom.

Tumulis ang nguso niya. "Pero inaalala ko po kayo. Kapag 'di ka uminom ng gamot hindi mo na talaga ako makikita. Kahit suot mo pa po 'yan, hindi na tatalab."

Hinawakan ko ang pisngi niya. "Ang swerte ko sayo anak. Huwag kang mag-alala gagawa si nanay ng paraan. May nakuhang trabaho si nanay, bibili ako ng gamot ko at makakabayad tayo sa field trip mo okay ba 'yun?"

Napipilitan siyang tumango at niyakap ako ng mahigpit. "Mag-iingat ka po nanay ha? Promise po, dito lang ako sa loob ng bahay. Hindi po ako lalabas hangga't wala pa kayo."

Ginulo ko ang buhok niya. "Anak, dapat nakikipaglaro ka parin sa mga bata diyan, hindi pwede na lagi kang mag-isa."

"Okay lang ako, nanay! Mas gusto kong dito lang sa loob ng bahay at magbasa ng libro." Nakangiti niya sabi.

Ngumiti 'din ako. Ang anak ko talaga! Parang matanda kung umasta. "Okay sige. Mag-iingat ka okay? Mamaya, darating si Tita Michaela mo para bantayan ka. Babye anak, mahal ka ni nanay." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Kumaway siya. "Babye nanay! Mahal ka ni Lucas."

My Outcast WifeWhere stories live. Discover now