"Grabe ka kuya! Sobra ka!"

"Richard, pare alam mo bang patay na patay itong little sister ko sayo?"

"Nasabi naman niya nung bago kami ikasal." Sagot ng asawa ko.

"Kakatawa diba? Akalain mo kayo rin magkakatuluyan. Ang swerte mo Meng!" Pang-aasar ng kuya ko.

"Sobra ka na kuya! Mag-drive ka na nga lang!"

"Naku, totoo naman e. Richard, pare naku yan kapatid ko na yan, alam mo bang walang bukang bibig yan kundi ikaw nung high school siya. Pinagtatawanan na nga namin ni Dean dahil baliw na baliw sayo yan."

"Ganun ba?" Nakangiti siya sa akin habang sinasagot si Kuya.

"Kuya, pagdi ka tumigil sasabihin ko kay Ate Myleen lahat ng sikreto mo! Sige ka!"

"Oo na. Pikon ka pa rin, little sis. Pero anyway, true yun Chard ha!"

"Kulit!"

"Tama na Nicholas! Naiinis na kapatid mo." Saway ni ate Myleen.

"Okay. Sabi ni Misis e!"

Natahimik na rin si Kuya. Pagdating sa bahay ay ipinakilala ko si Richard sa mga magulang ko at kay Dean pati sa asawa nito. Nakagaanan naman agad nila ng loob si Chard dahil nakita nilang mahal na mahal ako. Masaya ako na kahit papaano ay everything's falling into place.

☆☆☆

After dinner, we retired to our own rooms. May kwarto ako dito dahil gusto nga ni Nanay na sumunod na ako dito. Ako na lang kase ang nasa Pilipinas. As usual kinukulit nila akong tumira na kasama sila, pero naisip ko, mas gusto ko ang buhay sa atin. Less stress and maganda na naman ang buhay ko kaya di ko na kailangang umalis pa sa Pilipinas.

Nakahiga ako sa kama habang nagmumuni-muni ng mapansin kong kanina pa nasa baba si Richard. Kausap pa rin ata sila Tatay. Hinayaan ko na lang. Napagod din kase ako sa biyahe at inaantok na ako.

Dahil nga sa antok ay natulog na ako ng hindi nahihintay si Chard. Di ko na namalayan kung anong oras siya umakyat at natulog.

Nagising naman ako na wala na rin si Chard sa tabi ko. Probably nagkakape na.

Pagbaba ko ay nagulat ako, wala man lang tao. Nasaan ang lahat?

Umikot ko sa buong bahay pero wala sila. Pati sa mga kwarto ay wala. Iniwan ako? Nagtimpla na lang ako ng gatas at kinain ang pancake na nakahain sa mesa. Gutom na rin kase ako.

Maya-maya ayay tumawag sa landline.

"Hello, Mendoza Residence, how may I help you?"

"Is this Mrs. Faulkerson?"

"Yes , it's me. Why?"

"Your husband is here at the police station."

"Why? What happened?"

"Please just come here immediately."

Kinakabahan man ako ay pumunta ako sa presinto.

Pagdating doon ay hinanap ko kaagad si Richard.

"Your husband stole something. We detained him because he doesn't want to give back the item."

"That can't be. My husband is not a thief."

"Believe us, madame. He stole something."

"What is that something? I don't understand."

"Talk to him, he is at the detaining cell."

Pinuntahan ko agad si Richard.

"Mahal ano ito? Bakit daw? Ano daw yun ninakaw mo?"

"Mahal tulungan mo ako. Ayoko dito. Wala naman akong ninakaw."

"E bakit ka nakulong?"

"Nagjogging lang ako kanina. Tapos nadaan ako sa convenience store. Ayun bigla na lang akong hinuli at sinabing nagnakaw ako."

"Mahal bakit ka akse umalis mag-isa. Wala pati sila Nanay sa bahay. Anong gagawin natin?"

Lumuhod siya. Naiiyak. Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Mahal, nagkasala ako."

"Anong kasalanan mo?" Naiiyak na rin ako sa lito.

"Kasalanan kong.."

"Ano nga?"

"Kasalanan kong mahalin ka ng sobra. Mahal, nung nagpakasal tayo noong una, madalian. Ni hindi man lang kita nabigyan ng singsing para sa engagement natin. Diba sabi ko sayo papatunayan ko sayo na mahal na mahal kita. Kaya eto, nagpakulong ako, makakalabas lang ako dito kung papayag ka na maging Misis ko sa harap ng simbahan."

"Richard babatukan kita. Pinakaba mo ako."

"Mahal, will you marry me again sa Simbahan na?"

"Nakakainis ka! Di nakakatuwa ang gimik mo!"

"Mahal naman,kawawa naman ako dito kapag di ka sumagot. Makukulong na ako ng tuluyan."

"E di makulong ka na!"

"Hahayaan mo ba akong mahirapan?"

"Oo. Yan para sa kalokohan mo!"

"Mahal naman e.. ano papayag ka na ba makasal uli tayo sa simbahan. Dito kasama ang mga Nanay mo?"

"Richard, di mo na kailangan yan. Kasal na tayo."

"Makasabat lang ha. Kanina ka pa nagpapabebe, sis! Sagot na." Singit ni Dean.

"Grabe kayo! Kasabwat talaga kayo?"

"Sagot na Meng! Ang drama mo,buntis ka na nga." Pang-aasar pa ni Dean.

"Oo na. Papakasal na uli ako sayo. Kundi lang kita mahal e!."

"Ano?  Ulitin mo uli!"

"Wala ng take two. Bingi ka!"

"Isa pa. Gusto ko marinig uli."

"Oo na nga, papakasal na po. Kase mahal na mahal kita,Richard Faulkerson Jr."

"I love you, Mrs. Faulkerson." Tsaka lang lumabas sa pinagtataguan nila ang mga parents ko with Kuya Nico.

"Talagang pinagkaisahan ninyo ako!"

"Mahal, idea ko talaga yun kulungan."

"Loko, muntik na akong atakihin sa puso sa kaba ko."

"Sorry na po.."

And they lived happily ever after..

Fin

A/N Thanks sa comments and votes. Good night.







"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now