34

2.6K 130 2
                                    

I went to school the following morning after my hospitalization. May morning sickness pa rin.

Richard dropped me off sa school. Siya na nagbuhat ng mga bag at laptop ko kase gawaan na naman ng grades dahil tapos na ang 2nd grading period. Magstart na ang sem break next week.  Exam Week na kase ngayon.

Nagulat ang mga co-teachers ko and even my students when they saw Richard. Hinayaan ko na lang. Alam kase nila ay nasa abroad pa ito. Di naman nila alam na naghiwalay kami. Si Cathlyn lang ang nakakaalam. My students don't know also. Akala nila dahil lang sa paglilihi ko kaya ako emotional.

"Ayiiiee! Inihatid si Mam ng husband niya." Panunukso ni Mark na isa sa paboritong estudyante ko.

"Hey Mark, go back to our classroom. Start na ng class." I told him kase nakatambay na naman sa may gate at hinihintay ang crush niyang ka-grade 10 student niya.

"Opo, Mam. Sisilay lang naman ako kay Matthew."

"Echosera. Tara na. Richard pakibigay na lang sa kanya yun ibang gamit ko.  Ako na magdadala niyang iba."

"Si Mam walang kasweet-sweet sa jowa niya o. Ang gwapo pa naman." Sagot ng echosero kong estudyante.

"Hindi naman, Mark. The best ang misis ko ha. Sweet yan." Sagot naman ng damuhong asawa ko.

"Naku, Sir  true po iyan. The best ang adviser namin kaya mahal na mahal namin yan. Kaya, Sir alagaan ninyo ito. Wala na kayong mahahanap na kasing ganda at kasing bait nito." Dagdag pa ni Mark. Proud ako sa batang ito. Kase bukod sa matalino na ay masunurin pa. May pagkamalandi lang minsan.

"Oo naman. Mahal na mahal ko kaya etong misis ko."Umakbay pa ang loko at hinalikan ako sa noo.

Hindi ko na lang pinansin at ayoko rin namang matsismis na may away kami ni Richard.

"Mahal, sunduin kita mamaya. Sandali lang ako kala Daddy. Hintayin mo ako,please."

"Uuwi na lang ako mag-isa." Walang reaksiyong sabi ko.

Pero nakialam na naman ang bruhang estudyante kong si Mark." Naku, Mam hintayin mo na si Sir. Baka mahilo ka na naman. Katulad noong isang linggo. Kundi ka pa nasalo ni Trina at Maureen, naku baka humampas na yang ulo mo. Basta Sir sunduin mo ito mamaya."

"Mark, umuna ka na nga. Ikaw bata ka, salatero ka talaga! Dalhin mo na yung mga gamit ko sa kwarto. Susunod na ako."

Umalis na si Mark. Tumingin ako kay Richard at sinabing umalis na siya at may klase na ako.

"Meng, di mo sinabi sa akin yun na nahilo ka."

"Wala ka naman dito. At isa pa bakit ko sasabihin sayo e hiwalay na tayo noon diba?"

"Sorry. Mahal, hintayin mo naman ako. Mabigat ang gamit mo. Gusto kong pagsilbihan ka. Please."

"Oo na. Hihintayin na kita mamaya. Pero pagwala ka pa ng 2pm, uuwi na ako."

"Ala-una pa lang nandito na ako. Isa pa, mahal mag-ingat ka. Pagnahihilo ka tawagan mo agad ako."

"Oo na nga. Sige na may klase pa ako."

"I love you, Mahal."

Tinapik ko siya sa braso. Yun ang naging kasagutan ko sa sinabi niya.

"Goodbye." Tumalikod na ako at dumiretso sa klase ko.

Alam kong nasasaktan siya dahil sa hindi ko pagsagot pero kahit papaano, ay kinakusap ko na siya ng walang sigaw. Sana maisip niya na siya rin naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko pa kase masabi yun dahil sariwa pa ang sugat.

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now