27

2.3K 128 2
                                    

Pag-alis ko sa lodging house ni Richard ay pumara ako ng taxi. Hilam man sa luha ang mata ay kailangan kong magpakatatag. Wala kong malinaw na pupuntahan. Buti na lang ay mabait ang taxi driver at dinala ako sa isang malapit na na hotel.

Nagcheck in ako. Gutum na gutom ako pero wala akong ganang kumain. Naisip ko na hindi ko pwedeng gutumin ang sarili ko dahil dalawa na kami ng anak ko ang makikinabang sa kakainin ko. Pagkalagay ng mga gamit ko sa tabi ay naghilamos muna ako. Halos hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa sobrang mugto ng mata ko. Naluha na naman ako dahil naisip ko na naman ang nangyari. Bakit dumating sa ganito? Yun pag-iingat ko sa sarili ko ng matagal na panahon para hintayin si Chard ay nauwi lang sa wala. Akala ko kaligayahan na lang ang mararamdaman ko dahil nauwi rin kami sa kasalan. Pero yun hinintay kong pagkakataon na maging kami, yun pangarap ko na natupad ay nabalewala. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko naman matawagan sila Sheena o kaya si Cathlyn. Akala kase nila masaya pa rin ako sa pagsasama namin. Hindi ko masasabi sa kanila na sa wala rin lahat napunta ang lahat. Nahihiya ako. Lalo ngayon na buntis la ako.

Nag-isip ako. Sumama na kaya ako kala Nanay? Pero ayokong kaawaan nila. Saan ako pupunta? Paano yun trabaho ko kung mawawala ako at aalis? Maiiwan ko ba nag mga kaibigan ko, ang mga estudyante ko na napamahal na rin sa akin kahit sa sandaling panahon? Tama ba na magpa-aannul na ako ng kasal namin? Mapapatawad ko pa rin ba si Chard?

Ang dami kong naisip. Hindi ko na alam kung ano ang susundin at gagawin.

Inayos ko ang sarili ko. Kailangan kong kumain. Tumawag na lang ako ng room service para magpadeliver ng pagkain. Kahit sandwich na lang muna at juice. Kailangan ko lang malamnan ang tiyan ko.

Pagkakain ay nahiga ako at nagsimula na naman umiyak. Di na ata ako matitigil sa kaiiyak. Ang sakit sakit e. Dalawa na kami ng baby ko ang apektado sa ginawa ng walanghiyang asawa ko.

Wala na akong pakialam sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya. Sa ngayon ang mahalaga ay ang baby ko. Papalakihin ko siyang mag-isa. Kung anuman ang sabihin ng iba, tatanggapin ko. Alam ko kakayanin ko ito. Basta itutuon ko na lang ang buhay ko sa pagaalaga ng anak ko. Hindi ko na lang din ifile ang annulment. Hindi siya dapat maging masaya. Kung gusto niyang magtaksil, hayaan kong maging habang buhay na kabit ang babae niya. Papahirapan ko siya kung kinakailangan. Di ganun-ganun lang na ibibigay ko ang kalayaan niya. Itutuloy ko ang buhay ko. Para sa anak ko. Para sa kanya na lang.

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now