Epilogue

4.6K 145 6
                                    

"Mahal, gising na. Nandito na tayo." Bulong  ng asawa ko paglanding ng eroplano sa JFK Airport. Today is December 19, 2017 dito sa Amerika. First time makakarating ni Chard sa New York. Sa Los Angeles, California kase siya nagbakasyon noon sa mga pinsan niya.

"Mahal, medyo nahirapan ako sa biyahe. Grabe yun turbulence. Buti na lang nandito na tayo."

"O tara na. Mag-check out na tayo. Anong sabi ni Nanay?"

"Si Kuya daw magsundo sa atin. Baka nag-hihintay na yun. Check ko lang yun phone ko kung nagtext na."

"Mahal kinakabahan ako."

"O bakit naman?"

"Kase nga ngayon ko lang makikilala ang parents mo pati ang mga kuya mo ng personal."

"Okay lang sila. Huwag kang mag-alala, mababait yun mga yun."

"Mahal, just hold my hand ha!"

"Ano ka ba? Para kang sira. Kilala ka na nila. Ano pang kinakatakot mo?"

"Wala naman. Baka kase di ko mameet yun expectations nila."

"I don't think so. Sa gwapo mong yan? Never."

"Kaya mahal kita e. Mahal na mahal!"

"I love you, too."

Naglakad na kami papunta sa check out counter. Tama nga ako at naroon na si Kuya Nico kasama ang asawa niyang si Myleen.

"Kamusta, sis?" Bati ni kuya.

Nagbeso ako sa kuya ko at sa asawa niya.

"Kuya okay naman. Eto nakalunok ng melon. By the way kuya, si Richard, asawa ko."

"Kamusta bro? Inaalagaan mo ba itong baby sister ko?"

Tumingin muna si Chard sa akin at saka sumagot.

"Oo naman kuya. Mahal na mahal ko kaya ito." Sabay akbay sa akin ng asawa ko.

"Tara na, baka naghihintay na sila Nanay." Yaya ni Ate Myleen.

Sumakay na kami sa kotse ni kuya. Si Richard na naglagay ng mga gamit namin sa likod ng compartment.

"Nga pala, Meng si Dean, nasa bahay din. Kumpleto tayo. Kasama niya si Celine at doon na raw din magpapasko noong nabalitaan niyang dadating kayo ni Richard." Banggit ni kuya.

"Naku, kuya mabuti naman. Miss ko na rin yun. Kamusta na nga pala si Celine? Balita ko tapos na yun chemo theraphy niya."

"Ay oo. Maayos naman. Sana nga lang cancer free na siya. Pero sa ngayon, she's doing good, diba Hon?" Sabi ni Kuya.

"Ah yes, Meng. Okay na daw si Celine. Magaling din kase ang doktor niya." Sagot ni ate Myleen.

"Mahal, si Celine kase nagka-breast cancer. Kaya ayun nagchemo. Pero good to know na maayos na siya."

"Ah ganun ba mahal?"

"Mahal bakit tahimik ka?"

"Wala lang. Ngayon lang ako naparito sa New York. Dati sa California ako nagbakasyon."

"Bro, maganda doon. Dapat doon kami mag-work nitong misis ko kaya lang di ko rin naman maiiwan ang parents ko dito kaya hindi na kami tumuloy."

"Ganun ba? Okay yun. Kahit ako di ko pa rin nakakalimutang dalawin ang parents ko sa Laguna."

"Taga Laguna ka, Richard?"

"Ay oo. Di ba sinabi sayo ni Meng na magkapitbahay tayo dati sa Laguna?"

"Oo Kuya, siya yun kinukwento ko sayo na crush ko. Remember?"

"Oo. Na iniyakan mo dahil may kadate sa prom?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now