33

2.7K 139 4
                                    

The result of my bloodtest came back after an hour.

"Mister, based on the result, mababa ang red blood cells ng asawa ninyo. That shows na anemic nga siya."

"Ano po ang kailangan para magamot yun anemia?"

"Bibigyan ko siya ng iron supplements para mabawi yun red blood cells and hindi na maulit yun pagbla-blackout niya. I suggest na maaga matulog and lots of fruits and vegetables sa diet. Dapat din po madagdagan ang protein  niya. So small servings din ng red meat. Avoid po yun sweets and icy drinks, pati yun caffeine.  Rest po muna ng few days and don't stress her. Hindi lang po ito para sa kanya, para rin sa baby ninyo."

"Sige po, doc. Ako na po magsupervise sa diet ng misis ko."

"Good. Eto yun reseta niya ng mag supplements. Pwede na rin po kayo magcheck out after."

Richard brought me home pagkatapos makabili ng mga supplements. Pagkahatid sa akin sa bahay at makitang nakapahinga nanako ay lumabas siya para mamili ng pagkain at prutas.

After an hour ay bumalik na siya.

"Mahal, I asked Manang Fely na umuwi na bukas para may magluluto sayo ng pagkain. I'm going home muna bukas to get some clothes."

"Okay." Iyon lang ang isinagot ko.

"Pero sandali lang ako. Babalik din ako agad. Huwag ka na maunang pumasok kahit 3 days lang."

"No.  Kailangan kong pumasok bukas kase marami akong ipapasa."

"Pero sabi ng doktor magpahinga ka."

"You don't have to worry about me. Kaya ko ang sarili ko. Sa school nakakapahinga  ako dahil nandun yun mga estudyante ko to help me."

"Are you sure kaya mo?"

"I'm sure. Sila ang dumamay sa akin nung iniwan mo ako, and I'm going to sacrifice my time para maturuan sila. So don't ask me to stay. Lalo lang ako manghihina dito sa bahay. Isa pa I'm not happy dito, wala akong kausap."

"Ako? Nandito naman ako mahal."

"Don't push it Richard. I'm not in the mood na makipagtalo. I let yiu stay kase yan ang gusto mo. And isa pa kahit niloko mo ako, asawa pa rin kita. Pero just don't ask me to forgive you muna, kapag kaya ko na."

"I hope mapatawad mo na ako."

Tinignan ko na lang siya. Minsan naiisip ko, tama pa ba ang ginagawa ko? I mean nagsosorry na siya at mukhang nagsisisi. Gusto ko siyang pagbigyan kaya lang everytime na maiisip ko yun ginawa niya, nakakaramdam ako ng galit. Hindi pa siguro panahon na ibigay ko agad yun pagpapatawad, pero enough na muna yun pagtanggap ko sa kanya ng paunti-unti.

"Mahal, nga pala I ordered food na lang kase di ako marunong magluto. Pero I bought you fruits."

"Ikaw ang bahala. I will be in my room."

"Go ahead. Tawagin na lang kita kapag kakain na. Gusto mo bang dalhan na lang kita sa kwarto o dito ka na lang kakain?"

"Lalabas ako." Tuluyan na akong pumasok. Naisip kong maligo at magpalit ng damit dahil galing kaming ospital. Ayoko namang makapagkalat ng virus dito sa bahay.

I was reading mg favorite novel when Richard knocked para sabihing kakain na.

Nakahain na ang pinggan. Ako na lang ang kulang. Napansin ko ding malinis ang buong kabahayan.

Ipinaghila pa niya ako ng upuan. Niligyan ng kanin ang pinggan ko at tinanong kung anong ulam ang gusto ko mula sa mga binili niya. Ipinagbalat ako ng mansanas at pinya para sa dessert ko.

"Mahal, baka kulang pa? Kumain ka lang para makabawi ka ng lakas."

"Salamat." Kumain lang ako. Alam kong nakatingin siya sa bawat subo ko pero di ko na lang pinansin.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya na pagkatapos mo. Busog na ako na nakikitang kumakain ka.

"Hindi ako sine na papanoorin mo. Kumain ka at kaya ko ang sariling kumuha ng pagkain."

"Maya na mahal. Patapusin muna kita para naman kapag may kailangan ka makuha ko kaagad."

"Bahala ka. Kung ako sayo kakain na ako. Masarap yun pagkain."

"Kakain na nga po ako. Iniinggit mo pa ako e."

"Di kita iniinggit. Sinasabi ko lang sayo."

Napangiti ang taksil na asawa ko. Alam kong naisip niya na binibigyan ko siya ng pagkakataon na tanggapin kong muli.

Alam ko kailangan kong harapin itong panibagong yugto ng buhay mag-asawa namin, yung  pagtanggap matapos masaktan, yun pagpapatawad.

Simula ngayon ,unti-unti ko ng bubuksan ang pinto ko para sa kanya. Pero siyempre kailangan kong ingatan ang sarili ko dahil ayoko ng masaktan muli.

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now