5

2.5K 164 2
                                    

"Mukhang may iba sa atin Meng ah?" Bati ni Samuel na asawa ni Patty.

"Ano naman?"

"Mukhang blooming ka ngayon. Anong nakain mo?" Dagdag pa niya.

"Hoy, Sam, maganda naman ako talaga!"

"Mukhang maghahanap na ng jowa itong bff ninyo, Love." Sabi ni Vince kay Sheena.

"Mga ulul! Ako nga tigilan ninyo!"

"Kase naman, sa dami ng manliligaw mo, ewan kung bakit takot ka magbf!"sabat naman ni Miguel.

"Manang-mana kayo sa mga asawa ninyo! Ako na naman ang hot topic dito!"

"Bes, ganun talaga! Mag-asawa ka na kase, o kaya kahit man lang bf pwede na." Sabi ni Kat.

"Hay naku! Here we go again! Okay, basta hindi matatapos ang taon na ito, magka-bf na ako! Huwag muna asawa, dapat sure sa bagay na yun!"

"Yon! Buti naman!"sigaw ni Samuel.

"O tara na! Dun tayo sa Seafood Dampa. Gusto ko ata ng lobsters."

"Buntis ka na Kat?" Tanong ni Sheena.

"Maybe.." May ngiting sagot ni Kat.

Masaya talaga ang mga kaibigan ko kasama. No dull moments. Yun nga lang lamang ang pang-aalaska nila sa lovelife ko. Pero anyway, armed with a new hope na matatagpuan ko na si Mr. Right, umalis kami sa tabing dagat para makapaglunch na.

"Bes, ganda ng two piece mo! Saan mo nabili yan?" Tanong ni Sheena.

"Sa Megamall lang girl. Makapagpasexy naman. Pero Bes, bawal picture ha! Baka masuspend ako ng Deped."

Okay. Pwede siguro half body lang. Saka na yun full body shot mo!"

"Hahaha! Oo nga!" Magkaangkla kami ni Sheena. Nahuhuli sa mga kasama namin.

Naka-black Old Navy two piece ako. Actually di malaswa kase naman yun tank top ko ay pahaltered na may zipper sa gitna. Yun pambaba naman ay floral na black panty. Kaya okay lang. Nagsuot ako ng sarong sa bewang para di naman masyadong revealing dahil kakain nga kami sa dampa.

Nang nasa dampa na kami ay namalengke muna kami ng mga seafood sa D-Mall. Ipapaluto na lang namin ito sa resto na mapipili namin. Gusto ko yun sugpo na sinigang at sweet and sour lapu-lapu.

Pagkapamili sa palengke ay dumiretso na kami sa suki nila Patty na resto.

Maganda ang lugar na yun dahil tanaw ang lahat ng tindahan mula sa loob.

Pagpasok ko ay namataan ko na naman si Trisha. May apat siyang kasama.

Dalawang lalaki at isang babae. Wala naman si Richard sa kasama niya. Nagtaka ako. Pero I let it be na lang.

Nakita niya ako at kinawayan. Lunapit naman ako.

"Maine, nandito rin kayo. Sinu-sino kasama mo?"

"Mga college friends ko."

"Ganun ba? Nga pala..ang asawa ko.. si.."

"Trish! Nakapili na ba kayo ng ipapaluto?"

Napalingon ako sa likod ko dahil sa tawag na iyon kay Trisha.

"Chard, oo. Remember Maine?"

"Hi."

"Oo. Diba kapitbahay kita?"

"Ha, oo. Schoolmate din."

"Ganun ba? Sino mga kasama mo?"

"Mga college friends ko. Sige na ha. Trisha, nice seeing you again. Richard.."

"Sige. Invite kita some other time." Sabi ni Trisha.

"Tignan ko. Baka kase magtampo ang mga kaibigan ko. Alam mo na, ngayon lang kami uli nagkita."

"Okay. See you!"

"Okay."

Bumalik na ako sa mesa namin.

"Bes, ang gwapo nun dumating." Bungad ni Pat.

"Asawa nung Trisha yun, yun kausap ko kanina, Sheena."

"Ay di sila bagay! Ikaw ang bagay sa kanya." Sabat naman ni Kat na di mapiit ang katabilan ng bibig.

"Gaga, taken na yun!"

"Sayang." Sabi naman ni Pat.

Sayang talaga! Wala na. Confirmed! May asawa na siya!

Sakit bes!

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now