6

2.5K 166 6
                                    

Akalain mo yun. Dito pa talaga kami magkikita uli ni Richard. At ganun pa rin. Deadmabels. Ang masakit, pag-aari na siya ni Trisha.

Mula sa mesa namin sinusulyapan ko sila. Magkatabi si Richard at si Trisha. Di ko gaano makita ang eksena dahil nakatalikod sila sa amin.

"Hoy! Makatingin ka sa kabilang mesa wagas! Inggit ka no?" Pang-aasar ni Sheena habang sumusubo ng malaking tipak ng hipon.

"Gaga! Nagtataka lang ako, ang taba na kase ni Trisha samantalang nun dati sexy yun at mahaba ang hair. Ngayon naman nagpabaya na siya sa katawan niya." Sagot ko.

"Ayaw mo nun, maagaw mo yun jowa niya!"

"Gaga ka talaga! Di ako mang-aahas ng asawa ng may asawa no!"

"Weh? Teka Bes, kala ko asawa, pero tignan mo, yun isang guy ang nagsusubo ng food dun sa Trishang majuba!"

"Huwag naman obvious tumingin. Kakahiya baka sabihin inistalk ko."

"Tignan mo na dali."

Oo nga. Bakit yun isa nagsusubo ng food kay Trisha? Diba si Richard ang asawa niya?

Nagtataka man ay nagkaroon ako ng pag-asa. May hope pa pala! Thank you Lord!

"Love, sino yang pinagtsitsimisan ninyo ni Meng?" Sabat ni Vince.

"Love, huwag kang magulo! Kumain ka na lang."

"Type mo yun guy no?" Sita sa akin ng damuhong boyfriend ni Sheena.

"Gago! Pakialamero ka talaga Vince. Hindi no! Yun girl ang tinitignan ko!"

"Talaga lang ha! Naku, Bes sa wari ko si Tisoy ang tinitignan mo!"

"Hindi no! Kapitbahay ko kaya yan dati. Di nga ako napansin nun kahit kailan."

"So crush mo nga siya? Ayyy! Siya yun crush ml dati na tinamaan ka ng bongga kaya ayaw mong magboyfriend no?" Sigaw ng mahadera kong kaibigan.

Tinakpan ko ang tenga ko! Lakas makasigaw ng babaeng ito.

"Susmaryosep, Sheena ang bunganga mo!" Nasabi ko na lang.

"Ay sorry! Sensitive topic pala iyon." Paghingi niya ng paumanhin.

"Sheen, magtigil ka na! Baka mag-walk out na yan si Meng." Awat ni Patty.

"Sorry na po. Di na maulit!"

"Tama na nga yan! Kain na lang tayo." Dagdag pa ni Kat.

Tumahimik na lang ako. Nginitian sila.

"Bes, sorry. Di ko naman sinasadya. Pero siya ba yun guy na kinukwento mo?" Bulong ni Sheena sa akin.

"Bes, hayaan mo na yun. Matagal na naman yun e."

"Kegwapo nga kaya ka pala patay na patay."

"Ayan na naman siya."

"Sorry. Pero bes, huwag ka mag-alala samahan kita magpacute sa kanya."

"E baka ikaw naman magustuhan. Huwag na. Hayaan mo na ako."

"E di inamin mo din! Nahuhuli ka sa mga salita mo!"

"Oo na nga. Siya yun. At saka huwag mo na tignan. Baka malaman pa na may crush ako."

"Okay. Pero bes,nakatingin dito sa atin."

"Sino?" Di ko na kase matignan dahil nahihiya na ako.

"Si Tisoy. Kanina pa nakatingin sayo."

"Di nga?"

"Oo nga. O hiwag kang tumingin at baka mahuli ka."

"Talaga?"

"Kinikilig naman yang tinggil mo! Pero bes, promise nakatingin sayo."

"Charot ka! Kain na lang tayo."

Pula na ng mukha ko. Napapangiti ang mga kasama ko sa akin. Halatang-halata na ako.

"Maya mag-usap tayo,Meng ha! Tayo nila Sheena at Kat."

Naku si Patty nakaramdam na. Heto na ang walang hanggang tanungan.

Handa na ba akong ikwento?  Bahala na si Batman.

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now