37

2.7K 133 2
                                    

Maa-aalas tres na kami nakauwi. I brought my car kaya hindi na ako nagpahatid kay Sheena.

Malamang hinihintay na ako ni Chard dahil sinabi kong by 12 noon nandoon na ako sa bahay. Pero dahil nagkasiyahan kami at nagkasundong sabay-sabay na mag-lunch tutal naman tapos na yun pamimili namin sa tiangge ay inabot ako ng hapon bago makauwi. Naroon na naman si Manang Fely dahil magaling na naman ang kanyang anak. Siguro naman ay may kinain na si Chard. Napakapag-grocery naman ako kahapon kaya may lulutuin sa bahay. But then, inuwian ko pa rin siya ng mga donuts mula sa Krispy Kreme.

Habang nagpapark ako sa slot ko ay nakita ko si RJ na nakaabang na sa akin. Hindi pa tumitigil ang kotse ko ay nakalapit na agad siya.

"Mahal, kamusta? Napagod ka ba? Amina yun pinamili mo  ako na magbubuhat."

"Chard, sandali isa-isa lang ang tanong, mahina ang kalaban."

"Mahal, nag-aalala ako sayo. Baka kase mahilo ka habang nagdrive. Kabado ako kanina pa."

"Chard, huwag kang mag-alala okay na ako."

"Tara na, mainit dito. Magpahinga ka na muna, napagod ka kalalakad."

Kinuha niya ang mga pinamili ko sa likod ng sasakyan. Hinabol ako dahil nauuna na akong pumasok sa lobby ng condo. Inalalayan niya ako. Napakamaalaga ng asawa ko. Kahit naman noong hindi pa siya nagloko, ganyan na naman siya pero pansin ko mas lalo ata ngayon yun pag-aalala niya sa akin.

"Chard, may donut diyan. Pakainin mo si Manang. Magmeryenda kayo. Papasok lang ako sa kwarto para magbihis. Naiinitan kase ako. Mainit sa Taytay.

"Mamaya na mahal. Aasikasuhin na muna kita at itong pinamili mo."

"Bahala ka."

Pumasok na ako. Kumuha ako ng damit pamalit sa closet namin pati ang mga undergaments ko. Hindi ko pa rin kase magawang magbihis sa harapan ng asawa ko simula noong niloko niya ako at pabalikin ko siya.

Napansin ko na tinignan niya ako pero hindi na ito umimik. Inilabas na lang ang mga pinamili ko at sinimulang itiklop para mapalabhan kay Manang Fely. Ayaw kase niya na isusuot ko agad yun pinamili ko ng hindi nalalabhan. Mahilig daw kase ako bumili sa Tiangge. Kung sa mall daw sana ay pwede nang gamitin. Hinayaan ko na lang siya. Nagshower ako ng medyo maligamgam dahil pagod ako. Pagkatapos ay lumabas ako at humilata muna sa kama.

"Binuksan ko na yun aircon para maginhawahan kita. Gusto mo bang masahihin ko ang mga binti mo? Alam kong napagod ka."

"Medyo pagod pero okay lang ako."

Kinuha pa rin niya ang mga binti ko at minasahe habang nilalagyan niya ng kaunting lotion ang mga palad niya.

"Ayan masarap. Sige, idiin mo pa ng konti."

"Baka naman magkapasa ka na niyan?"

"Okay lang. Parang may naipit na ugat e. Palagi kase akong pinupulikat kapag gabi."

"Bakit di mo ako ginigising para masahihin ko itong binti mo?"

"Masarap kase tulog mo. Isa pa nakaready naman yun Benggay ko if in case pinupulikat ako."

"Sorry, mahal napaka-insensitive ko sa nararamdaman mo. Dapat pala hindi ako matulog ng masyadong malalim para maasikaso kita kapag may kailangan ka."

"Ano ka ba! Okay lang nga ako."

Ipinagpatuloy lang niya ang pagmasahe sa mga binti ko. Hanggang sa nakatulog ako sa lamig mula sa aircon.

Nagising ako ng mag-aalas sais na ng gabi. Katabi ko ang asawa ko na humihilik-hilik pa. Napagod siguro sa pagmasahe sa akin. Nag-unat na ako ng katawan. Bigla siyang napabalikwas.

"Gutom ka na? Nakapaghain na ako ng dinner kanina habang tulog ka. Natulog lang ako sa paghihintay na magising ka. Sorry mahal."

"Bakit ka nagsosorry? Okay lang. Medyo gutom na rin ako pati tong maliit na tao sa tiyan ko."

"Tara na. Papalagay ko na kay Manang yun pagkain para makakain na tayo."

Tumayo na ako. Nagpunas ng mata. Inalalayan na naman niya ako.

"Chard,magbanyo muna ako. Maghilamos."

"Okay. Tara samahan na kita."

"Huwag na. Ano ka ba! Di ako baldado."

"Meng mahal, hayaan mo na ako please. Gusto ko naman ito e."

Tinignan ko siya. Hinawakan ang mga pisngi niya.

"Di mo na kailangang magpakahirap. Ayos lang ako. Napatawad na kita. Kinakalimutan ko na yung nangyari. You don't have to exert so much effort."

"Mahal, habang buhay kong gagawin ito. Kahit napatawad mo na ako, gagawin ko pa rin para sayo kase mahal kita."

"Mahal din naman kita. Kaya Chard, please let's move on na. Ayoko nang isipin yun. Habang pinapamper mo ako ng sobra, feeling ko kaya mo ginagawa iyan ay dahil may kasalanan ka sa akin."

"Mahal, gusto ko naman ito. At ginagawa ko ito hindi dahil malaki ang kasalanan ko sayo, bukod dun, ginagawa ko ito dahil mahal na mahal kita. Kaya nagsisisi ako dahil ginago kita. At di ko pa napapatawad ang sarili ko dahil doon. Hayaan mong pagdusahan ko ang ginawa ko. Gusto ko ring bumawi sayo."

"Ikaw ang bahala,Chard. Pero para sa akin, okay na yun. Tapos na. Sana lang huwag nang maulit.

"Basta hayaan mo na ako. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Ikaw lang. Wala nang iba mahal."

Niyakap niya ako. Yumakap ako pabalik. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya. Alam kong nagsisisi na siya sa ginawa niya.

Pagkatapos noon ay pumasok na ako sa banyo. Pagkasara ng pinto ay doon bumuhos ang mga luha ko. Luha dahil sa pagmamahal at saya. Pagkatapos kase ng unos ang kapalit ay pagsikat ng araw.

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now