1

3.6K 162 10
                                    

I'm Nicomaine Dei Mendoza, a Public  High School Teacher teaching Math dito sa lugar namin sa Antipolo. Meron din akong sariling negosyo na Coffee Shop sa tulong ng mga magulang ko. Pero sa kasamaang palad, single pa rin at available.

At 27 years old, hindi pa rin ako nagkakaroon ng boyfriend. Unlike my friends, Sheena, Patty and Kat. Si Sheena, at yun boyfriend niyang si Vince ay may limang taon na rin yun relasyon nila. Magpapakasal na ata yun dalawa. Si Patty may asawa na. Si Sammy. May isa na silang anak. While Kat is also married to Miguel kaya lang wala pang anak.

Ang mga kaibigan ko ay atat na atat na magka-jowa ako kahit naman ako ay walang pakialam. Simple lang, ayoko! Hindi ko pa nakikita sa mga lalaking nanliligaw sa akin o sa mga pinapadate nila Sheena ang mga katangiang tulad ng sa aking greatest dream guy na si Richard.

Masasabing isa na akong successful career woman dahil kumikita ng malaki, kaya lang ang problema, wala naman akong katuwang sa buhay. Personal choice ko naman ang maghintay sa wala. Isa pa, hindi pa naman ako ganun katanda. Yun nga lang nagtakda ako ng panahon, dapat bago ako magtrenta anyos, ay may asawa at anak na ako. Ayoko naman na senior citizen na ako ay nagpapa-aral pa ng anak. Kaya lang the problem is, bakit napaka-pihikan ko sa lalaki. May mga manliligaw naman. Bakit kase hanggang ngayon, andito pa rin sa isip at puso ko ang bakas ng damuhong Richard na yun na hindi man lang ako napansin at nabigyan ng romantikong atensiyon bukod sa pagiging kapitbahay lang. Saklap diba? Makahintay ako wagas, akala mo naging jowa ko iyon! Hindi nga ako niligawan dati, asa pa ako na magustuhan ngayon?

Anyway, hindi naman ako yun typical na guro na napakahinhin. Isa ako sa mga kwelang guro at parang kabarkada lang ng mga bata. Hindi nga daw ako mukhang teacher kapag naka civilian. Paano naman, maganda daw ako manamit, malayo sa pagkatao ng mga guro na simple at konserbatibong manamit. Ako yun guro na parang laging dadalo sa party o kaya parang typical na kabataang maporma. Malayo sa nakagisnan kong pananamit at pagkilos noon.

Tanda ko pa ng maisip kong baguhin ang itsura ko, ipinamigay ko talaga halos lahat ng damit ko na pang-manang. At ang unang sweldo ko sa pagiging guro ay ipinamili ko ng mga bagong damit. Nais ko kaseng mabago ang pagkatao ko. Iniisip ko kase na sakaling magkita kami ni Richard, ay papansinin na niya ako.

Pero ang tagal na. 6 years na akong nagtuturo pero hanggang ngayon, di ko pa siya nakikitang muli. Kasama pa ang siyam na taon mula ng lumipat kami dito sa Antipolo galing Laguna. 15 years nang wala akong balita sa kanya.

Hinanap ko siya sa Facebook kaya lang hindi ko siya makita. Baka wala siyang FB. Ganun din sa Instagram at Twitter, pero wala pa rin akong makita na profile niya.

So magtatanong kayo, ano pa hinihintay ko? Tanga lang diba? Wala e! Sadyang tinamaan ako. Tinamaan sa malalim na dimple niya sa kaliwang pisngi.

Sana makita ko uli siya, para malaman ko kung magiging ganito pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. At para malaman ko na rin kung dapat pa ba ako magtiis kahit in the first place, wala namang naging kami. Gusto ko na kaseng lumigaya. Yun wagas! Yun walang ka-echosan at walang kasing saya!

A/N  I'm starting this pero pagtutuunan ko munang tapusin ang Kapag Ako ay Nagmahal.

I hope matapos ko na rin iyon.

Don't forget to share your thoughts guys!

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now