19

2.1K 135 3
                                    

I called the squad for a meeting. Syempre, mabilis pa sa alas otso nasa Antipolo na sila.

"O ano na naman ito, Meng? Bakit bigla-bigla ka na lang nagpapatawag ng pagpupulong?" Tanong ni Sheena.

"Oo nga. Meron ba kayong problema ni Chard? Sinasabi ko na nga ba walang magandang idudulot yang pakikipag-live in mo!" Segunda naman ni Kat.

"Aysus! Hindi pa nga nagsasalita itong kaibigan natin, inunahan na ninyo. Ano ba yun, Meng? May problema ba kayo ni Richard?"

"Mga bes, wala naman kaming problema. Ako. Ako ang may problema."

"Buntis ka?" Sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

"Aba asan yan Richard na yan? Dapat pakasalan ma niya! Kundi, puputulan ko ng pagkalalami yun hayup na yun!" Inis na inis na sabi ni Sheena.

"Teka naman, Sheena. Di kase ganun."

"E ano ba?" Tanong uli ni Sheen.

"Kase si Chard, pupunta ng Vietnam ng two months. Sa August na siya aalis."

"O tapos?" Si Kat naman ang di makali sa tanong.

"Makinig kase kayo! Nakakainis, inuunahan ninyo si Meng e. Lalagyan ko kayo ng busal! Sige tuloy mo na Meng." Sabi ni Patty.

"Niyayaya niya na akong pakasal para sigurado daw na hindi na kami maghihiwalay kahit umalis siya."

"O e anong problema dun?" Tanong ni Pat.

"Dati, ako ang gusto ng kasal, pero nung niyaya niya ako, ako naman ang hindi sigurado."

"Bakit?" Tanong ni Pat.

"Kase naisip ko, baka hindi pa pala siya ang para sa akin. I mean first boyfriend, first kiss,first sa lahat. Mamaya, may makilala pa ako."

"Ah okay. So ikaw na ngayon ang nagdadalawang isip? Teka,ang tanong, mahal mo ba?" Sabi ni Sheena

"Oo mahal naman."

"E bakit ka nagdadalawang isip?" Tanong ni Kat.

"E kase naman, papakasalan ba niya ako kase takot siya na mawala ako? Ni hindi man lang dahil gusto niya akong makasama at mahal na mahal. Kaya ayun, ayaw ko pa sumagot. Nagduda na ako."

"Bakit sa tingin mo ayaw ka na niya mawala?"

"Kase mahal niya ako? Ayaw niyang mapunta ako sa iba?"

"Exactly! Ayun sagot sa tanong mo. E ikaw gusto mo na ba siyang makasama habang buhay? Ang tagal mo yang hinintay, tandaan mo!" Si Patty ang nagsasalita.

"Paano kung di mag-work out? Natatakot ako."

"Meng, ako ganyan din kay Sam. Ang tagal na namin ha, pero nung niyaya niya ako,natakot din ako. Baka ganun, baka ganyan. Pero eto na kami. Ang pag-aasawa, pinagtutulungang maayos. Two way process. Give and take. Papalagpasin mo pa ba ang kaligayahang matagal mo ng hinihintay?" Matalinghagang sabi pa ni Patty.

"You think, magiging maayos kami? Magiging mabuti kaya akpng asawa?"

"Oo naman Meng. Napakamaalaga mo kaya. Tulad sa aming mga kaibigan mo. Ikaw yun umiintindi sa amin. Nag-aaway ba tayo? Oo minsan,pero naayos ba natin? Oo rin! Parte ng relasyon ang away at maayos yun kung yun isa marunong umunawa. Alam ko kaya mo yun. Basta ang mahalaga, mahal mo." Si Patty pa rin.

"Tama kayo. Papalagpasin ko pa ba ang pagkakataon? Eto na yun hinihiling ko e. Siya yun dasal ko matagal na. Ngayon pa ba ako magpapatweetums? Papayag na akong magpakasal. Salamat sa inyo."

"Walang anuman, basta ikaw. Mahal ka namin e." Naluluhang sabi ni Patty.

Kaming apat ay nagyakap, mahal ko ang mga kaibigan ko. Sila ang nandiyan kapag may problema ako.

"Basta, girl, if ever na masaktan ka, nandito kami."sabi ni Sheena.

"Ikaw Sheena, Hudas ka! Gusto mo pa talagang masaktan si Meng. Ipanalangin mong maging maayos ang pagsasama nila." Sabi ni Kat.

"Oo na! Nakakainis ka, uunahan mo pa ako. E matagal na kami ni Vince." Naiiyak na sabi ni Sheena.

"Kaya pala. Ahahaha!" Tawa ng tawnag sabi ni Kat.

"Salamat mga bes ha!"

Nabuo sa loob ko na pumayag na. Sana nga lang maging maayos ang pagsasama namin dahil hindi ko ata kakayanin na iwan ni Richard. Mahal na mahal ko kase siya at yun ang magiging bala ko para maging maayos ang pagiging mag-asawa namin.









Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now