9

2.3K 169 8
                                    

Naupo kami sa isa sa mga beach bench doon sa medyo may konting liwanag na lugar. Marami-rami pa rin mga tao ang naglalakad. Ang ialng magkasintahan ay magkahawak ang kamay na naglalakad aa dalampasigan o kaya ay nakahiga sa maputing buhangin.

"Musta ka na? Tanong niya.

"Okay naman. Ikaw?"

"Okay din."

"Saan ang girlfriend mo?"

"Wala akong girlfriend. Dami ko kaseng trabaho. Walang time"

"Ah okay. Anong trabaho mo?"

"Engineer sa isang Tele- Communications Network. ECE kase amg course ko."

"Ah okay. Galing naman."

"E ikaw? Anong trabaho mo?"

"Ako? Public School teacher. Math ang itinuturo ko."

"Galing naman. Magaling ka pala sa Math."

"Di naman masyado. Baka ikaw, Engineer ka e."

"Slight. So bakit di sumama yun boyfriend mo? Di ba siya natatakot na baka maagaw ka ng iba?"

"Ako? Hahaha! Maagaw talaga?"

"Oo. Maganda ka! Kahit naman dati maganda ka na!"

"Nakikita mo ako?"

"Oo naman. Crush nga kita dati e. Kaya lang ang taray ng face mo. Natakot ako na baka sigawan mo lang ako. Isa pa halos lahat ng guys sa school, may crush sayo."

"Ano raw? Bulag ka ba? Wala ngang nanligaw sa akin dati."

"Maniwala sayo?"

"Di nga! Saan naman galing yun mga balitang ganun?"

"Naririnig ko lang sa mga lalaki dati sa school. Kaya di na ako nanagahas na lapitan ka.  Isa pa,parang ayaw mo namanmakipag-usap. Lagi kang nag-sosolo.

"Kakatawa. Sikat pala ang pagiging nerd ko. Ahahaha!"

"Anong nakakataw?"

"Wala lang. Di ako makapaniwala. Di ko kase nakita sarili ko maganda. Yun iba pa kaya?"

"Maganda ka. At lalo kang gumanda ngayon!"

"Bolero. Hindi kita ililibre ngayon para sa compliment mo. Pumunta ka na lang sa Antipolo, sa Coffee shop ko,itreat kita sa  balita mo sa akin"

"Sige. Dadalawin kita sa Antipolo. Malapit lang naman ang condo ko sa Antipolo. Sa Pasog na akse ako nakatira."

"Seryoso ka?"

"Oo naman. Bakit?"

"Seryosong seryoso?"

"Oo nga."

Naiihi ako sa kilig. Harapan kami at kita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo.

Mga bes, biglang nabilog ang mundo. Ako sikat sa mga kalalakihan? Si Richard may crush sa akin? Nakakatawa. Di ako makapaniwala.

A/N No proofread. Later ang update uli. Thanks sa comments at votes.

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now