13

2.4K 146 6
                                    

Friday morning, excited na ako. Parang sinisilihan ang tumbong ko. Kase for the forat time dadalaw si Richard.

Naggrocery ako at bumili ng pang-pasta. Maggawa ako ng Baked Spag at garlic sticks.

Specialty ko talaga yun pasta dahil mahilig ako sa mga Italian food. Gagawa din ako ng Chicken Quesadilla. Para naman may variety.

Nagkita kami ni Cathlyn sa school kase may ilang magulang pa rin ang bumabalik para kuhanin ang card ng mga anak nila. Kaya medyo nakuha ang oras ko instead na magpaka-stress sa kaiisip kung anong isusuot ko mamaya pagdalaw ni Richard. Ang lakas maka-high school diba? Hindi naman kase ako ganito sa mga manliligaw ko. Mas gusto ko nga na makita nilang pangit ako at gutay-gutay ang suot para maturn off pero ang lalakas ng fighting spirit ng mga iyon. Basted na nga, bumabalik pa. Pero dahil may bf na ako, hindi na ako pwede tumanggap ng dalaw at ayokong bigyan ng dahilan si Chard na magselos. Feel na feel lang.

Kinahapunan, dumaan muna ako sa Coffee shop para sabihan si Maui na dadaan ako ng gabi kasama yun boyfriend ko. Nagulat pa siya at di makapaniwala.

"Maam Meng! Serious ka?"

"Bakit itong mukhang ito ba di makakakuha ng boyfriend?"

"Sorry pero napakapihikan mo kaya."

"Oo. Pero iba ito, Maui. Mamaya makikilala mo, ang gwapo! Sobra!"

"Lintik sa kilig yan, Maam!"

"O siya na, uuwi na ako at magluto pa ako ng dinner namin."

"Goodluck, Maam!"

"Thanks"

Pag-uwi ko ay dumiretso ako sa kusina para magpakulo na ng water para sa spaghetti noodles. Madali lang naman yun sauce. And then sinimulan ko na yun dough ng quezadilla at noong garlic sticks. Yakang-yaka ko yun dahil ako naman ang nagbake ng sarili kong recipe ng mga ito. And sa feedback ng mga kumakain sa Coffee Shop ko, sabi nila masarap at panalo. Sana nga lang pati panlasa ni Richard, mahuli ko. Dapat malasahan niyang masarap ako magluto para isipin niyang pang-asawa ang peg ko. Sabi nga nila, "a good way to a man's heart is through his stomach." Kaya ka-careerin ko ito. Mahirap na,baka maudlot pa, hawak ko na nga yun pangarap ko diba.

Dumating si Chard ng 7:30 ng gabi. Naligaw pa daw siya kase nga puro one way ang street dito aa Antipolo. Pagod at gutom din daw siya dahil galing siya sa trabaho.

"Okay ka lang?" Sinabi ko pagkatapos kong humalik sa pisngi niya.

"Okay naman. Di naman malayo dito sa bahay mo yun biyahe mula sa office kaya lang naligaw ako. Pero alam ko na. Mahal,gutom na ako."

"Okay. Upo ka lang diyan, maghain lang ako."

"Maganda ang condo mo."

"Eto na yun pinaka-the best. Malapit kase sa lahat. Sa grocery, sa school na pinapasukan ko at tahimik pa."

"Good. Nag-worry kase ako sayo kapag di tayo magkasama."

"Ganun? Echosero ka talaga, Richard."

"Seryoso. Miss na miss na nga kita talaga."

"Ako din. Tara na, kumain na tayo."

"Okay."

Kumain kami. Nakamasid ako sa reaksiyon niya sa mga niluto ko.

"Ang sarap! Binili mo ito?"

"Hoy! Niluto ko yan."

"Talaga? Ang galing pala magluto ng mahal ko. Masasanay ako ng ganito. Parang gusto ko na ata dito tumira. Parang nasa Italian restaurant ako."

"Pwede naman. Kaya lang mapapalayo ka sa trabaho."

"Talaga? Pero oo nga. Kaya lang kung ganito naman kasarap ang pagkain, worth it naman yun layo ng opisina."

"Seryoso siya?"

"Bakit ayaw mo?"

"Di naman sa ganun. Kaya lang di maganda sa paningin lalo na sa propesyon ko. Isa pa, isang linggo pa lang tayo. Di kaya magandang tignan."

"Ilang taon ka na ba ulit?"

"Bakit ba tinatanong mo yun?"

"Basta, ilan taon nga uli?"

"27 nga! Nalimutan mo agad!"

"Alam ko, yan bang edad na yan nag-iisip pa? Malapit ka nga mawala sa kalendaryo, yun sasabihin pa rin ng iba ang issue mo."

"Siyempre, di naman ganun kadali yun no! Ano mag-trial and error tayo? Yun condo mo, paano yun? Yun layo ng trabaho mo, kaya mo ba yun?"

"Madali lang. Ipa-rent ko yun condo ko. Yun mga gamit ko, ipalipat ko dito. Yun layo ng trabaho, okay lang. Kaya naman. May kotse naman ako. Isa pa 30 minutes drive lang kung walang traffic. So no problem."

"Pag-isipan mo munang mabuti."

"Pinag-isipan ko na. Isa pa ayokong mag-aksaya ng panahon. Malalaman natin ang ugali ng isa't- isa kapag nagsama tayo."

"Teka muna, e ako di ko pa naisip yun."

"Gusto mo ba akong kasama palagi?"

"Oo."

"So ayun ang sagot. Bahala na. Let's make this work. Isa pa, we're old enough para sa ganitong relationship, live in partners."

"Oo nga kaya lang what if di mag-work?"

"Thenlet's make it work. Kung hindi tayo maging maayos, we can separate."

"That's easy for you! First time ko ito, lahat ng ito."

"I know. And I'll take care of you."

"Natatakot ako."

"I'll protect you. Let's not waste time."

"Hindi ko alam. Sure ka na ba?"

"Yep! Never been so sure. Iniisip ko na ito since naging tayo. Hindi na kase tayo bata para maglaro. I mean business. Yun seryosong relasyon."

"Okay. So kelan ka lilipat?"

"Next week. Paayos ko muna sa agent ko yun lease ng condo and then lilipat ko na yun mga gamit ko dito. Konti lang naman."

"May room pa ako na isa,doon ka."

"Nagsama pa tayo kung di tayo magkatabi."

"Seryoso ka ba sa pagtabi sa akin?"

"Oo. And we will live like husbands and wives minus the contract. Di ka pa naman din sure sa kasal diba?"

"Oo. Pero sino ang ayaw ng kasal?"

"Not now, pero I hope soon. But for the mean time, kilalanin natin ang isa't-isa by living together."

"Bahala ka."

"I'll lead the way. About the expenses, I'll give you access sa accounts ko and sa salary ko, parang asawa. Conjugal na."

"Pwede namang hindi."

"I suggest. Para mapractice na natin ang pagiging married. Eventually magiging mag-asawa rin tayo."

"Nalulula ako. Ang bilis nito."

"Just enjoy, mahal. I wanted to be with you eversince."

"Ako din. Matagal na.."

A/N Let's see kung hanggang saan ang itatagal nila. I hope magtagal at mauwi sa kasal.

The up coming chapters are part of the Live in set up ng dalawa. Minimal, intimate scenes kase di talaga ako magaling sa ganun. Pero you can use your imaginations, typical mag-asawa. Yun mga activity sa bedroom, alam na ninyo yun.

Thanks for the comments and votes!





Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now