11

2.5K 146 3
                                    

Nag-usap pa kami ni Chard matapos magkasundo na maging kami na. Medyo kinakabahan ako pero lamang pa rin ang pagtingin ko para  sa kanya. Hayaan na yun sasabihin ng iba. Ang mahalaga, yung kaligayahan ko. Ang tagal ko kayang pinangarap na magkatotoo ito at ngayon nga na nagkatotoo na, magpapatweetums pa ako? So what kung mabilis? So what kung cheap ang dating? Ganun din yun. Dun din pupunta yun. So bakit pa patatagalin?

Pero.. pero siyempre, dapat bantayan pa rin yun puso. Huwag naman ibigay ang lahat. Huwag itodo, magtira para sa sarili. Wala kaseng kasiguraduhan ang mga tulad ng relasyon namin.

Masaya akong natulog. Excited sa magiging reaksiyon ng mga matatalik kong kaibigan. Lalo na si Sheena na super atat na magkaroon ako mg lovelife.

Bukas magugulat silang lahat.

☆☆☆

Kinabukasan, mag-aalas-otso na ng umaga ng magising ako. Tumatawag kase si Sheena at sinabing hihintayin ako sa Cafe ng hotel.

Nag-usap din kami ni Richard na sasamahan niya ako sa buong maghapon dahil boyfriend ko na naman siya. Sabi niya, itext ko daw kung anong oras kami magkita. So bago ako maligo, tinext ko si Richard na magkita kami sa lobby para sabay na kaming magpunta sa cafe.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ng simpleng cotton plain gray knee length fitted dress at black slip on sandals ay bumaba na ako sa lobby. Naroon na si Chard. As usual ang gwapo na naman niya. Lalo siyang pumogi sa suot niyang white button down polo shirt at light brown khaki shorts. Nakawhite chucks din siya. Kung titignan kaming dalawa, bagay na bagay at nagcompliment ang suot namin sa isa't-isa.

"Tara? Kanina ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Actually ngayon-ngayon lang. Namiss kita." Sabay humalik siya sa pisngi ko na nakapagpalundag sa puso ko.

Humawak ako sa braso niya dahil nahilo ako sa kilig sa ginawa niya.

"Bago tayo pumunta dun sa mga kaibigan mo, tanong ko lang, anong term of endearment natin?" Tanong niya sa akin.

"Ano nga ba? Kailangan pa ba yun?"

"Hahaha! Ikaw talaga, nakakatawa ka."

"At bakit nakakatawa? E sa ngayon lang ako nagkajowa no!"

"Sorry na, mahal."

"Mahal talaga? Di ba corny?"

"Mahal? Maganda nga sa pandinig. Sweet at nakakakilig."

"Sige, mahal na nga."

"Tara na mahal. Naghihintay na yun mga kaibigan mo."

"Oo nga, mahal. Hahaha! Corny natin."

"Ayos lang yun. Corny pero sweet."

"Baduy!"

Naglakad na kami patungo sa cafe. Magkaholding hands. Ang sarap pala ng feeling na may humahawak sa kamay mo kapag naglalakad ka. Feel na feel ko ang pagiging girlfriend.

"Huwow! Menggay, ano ito?" Salubong ni Sheena.

"Guys, si Richard R. Faulkerson Jr., boyfriend ko. Richard, Etong maingay, si Sheena at yung boyfriend niya si Vince. Eto naman si Patty at yun asawa niya si Samuel, ang baby nila si Samantha. And last, ang isa pa sa mga bff ko, si Kat at ang asawa niya si Miguel."

"Nice meeting you all."

"Pre,welcome ka sa grupo. Basta ingatan mo lang yang bunso namin. Hindi pa nagkaboyfriend yan, ikaw pa lang." Sabi ni Sam.

"Oo pre, matagal ko nang gusto si Maine,nung high school pa kaya lang hindi ako nakakuha ng chance. Napakatapang kase nito ni mahal e."

"Mahal talaga? Grabe!" Tili na naman ni Sheena.

"Bes, kung ikaw nga maka Love. Pareho lang yun." Pagtatanggol ni Kat sa akin.

"E kase ang cheesy naman!" Sagot naman nitong Sheena.

"Wala kang pakialam. Buhay nila yan! Sheena umandar na naman pagiging mahadera mo!" Saway pa ni Patty kay Sheena.

"Pre, pasensiya na ha. Ganyan yang apat na yan. Masanay ka na sa kanila. Normal lang yang ganyang sigawan." Si Vince.

"Okay lang pre, masaya nga e."

"Sama ka maya sa amin. May gimik kami sa bar." Yaya naman ni Miguel.

"Bawal! Tumigil ka Chard,kundi break na tayo agad." Sabi ko.

"Pre,next time, mahigpit si kumander." Sabi ni Richard.

"Kayo nga mag-order na, ako coffee lang at one cinnamon bread." Awat sa lahat ni Patty.

"Okay. Same na rin ako." Sabi ko kase di naman ako sanay mag-almusal. Pwera na lang pag-dalawang sunod ang klase ko, naku nakakagutom kaya todo ako sa pagkain. Buti na lang di ako tabain.

☆☆☆

We had so much fun sa water activities. Inalalayan ako ni Richard sa lahat ng ginagawa ko. Sarap nga talaga ng feeling na may jowa.

During dinner, nagkanya-kanya kami nila Sheena. Para daw mabigyan kami ng chance ni Richard na magkakilala ng lubos. Sa totoo lang alam ko na halos lahat ang tungkol kay Chard, siyempre, patay na patay ako sa kanya dati diba. Kaya konting kilalanan na lang.

Basta I hope our relationship will work, tulad noong kala Patty na mabilis na naging sila pero heto, mag-asawa na. Iingatan ko kung ano ang meron kami. Anyway, matagal ko itong hinintay.

After dinner, nagstay lang kami sa cozy restaurant at doon nag-usap kami about our plans for the relationship. Natanong ko din kung alam na ba nila Trisha. Ang sabi niya alam daw nito dahil noong hinahanap siya, sinabi niyang ako ang kasama. Tinanong ko din kung ayos lang ba sa kapatid niya, okay na okay daw.

Wala na akong mahihiling pa. Natupad na ang pangarap ko. I just hope magtagal ito.




Almost Over You (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora