7

2.6K 159 4
                                    

Dito na kami sa kwarto ko sa hotel.

"Bago ang lahat, hayaan na muna ninyo ako magpaliwanag."

"Huwaah! May ganon pa talaga?" Maktol ni Sheena.

"Makinig ka muna nga kase Sheen. Napakamahadera mo kase. Itikom mo yun bungamga mo, Meng paliwanag na!" Parang may hawak sa batas na sabi ni Pat.

"Ganito kase yun.."

"High school pa lang ako ng makilala ko si Richard, si Tisoy. Kapitbahay namin siya. Actually two blocks lang ang layo ng bahay nila sa amin. Unang kita ko pa lang sa kanya, nahumaling na ako. Ang gwapo e! Tapos may dimples pa sa kaliwang pisngi. So ayun, malaglag -laglag ang panty ko.

Pero hindi ako napansin kahit kailan. Paano naman, ang type ay yun Trisha na yun. Si Trisha kase ang pinakasikat sa school noon. Cheerleader pa. Samantalang ako, si Miss Nerd. Makapal ang salamin tapos lagi pa sa isang sulok ng library. Paano niya ako mapapansin e Mr. Hearthrob nga yun?

Ako yun tipo na laging nakamasid sa kanya. Masaya na ako na nasa isang sulok. Although kilala niya ako,pero di naman kami magkaibigan. Acquiantance lang ganyan. Ako lang ang nag-iislusyon na magugustuhan ako. Pero semplang. Talagang type niya yun Trisha. Sila nga ang nanalong Mr. and Ms. Junior Senior Prom. Di ako nangahas na lumapit sa kanya kase baka pagtawanan lang ako. Kuntento na ako na nakikita siya. Araw-araw.

Isang beses lang ata niya ako napansin ng nagkasabay kami umuwi. Magkatabi kami sa tricycle. Imagine ninyo, halos maihi na ako sa kilig. Pero mga bes pagakatapos mag-hi, di na ako tinapunan ng kahit na isa pang tingin. Di man lang nga ako ipinagbayad ng trike.

Wala talagang chance na magiging kami, aba invisible ako sa kanya. Kaya nga naisipan kong ibaling na lang sa pag-aaral at ng maging honor ako sa school. Pero talagang tinamaan ako mga bes.

Nalaman ko kase na nagvo-volunteer siya sa mga charity projects sa community namin. Ako naman si tanga, nakisali din hoping mapapansin ako, pero deadma. Hindi talaga. Hanggang hi at hello lang.

Bakit kamo ako na-inlove? Nasa kanya na kasi lahat ng magagandang qualities na gusto ko. Pero kulang na lang ay mapansin niya ako. Kasalanan ko rin naman,napakabaduy at manang pa ako nun. Siguro ang type niya ay yun mga tulad ng mga model. Tulad ni Trisha.

So ayun, hindi ko na lang inintindi yun feelings ko, pero hindi ko talaga maalis sa isip ko si Chard.

Inlove na pala talaga ako sa kanya. At ewan ko ba kung bakit ngayon, hindi ko siya malimutan. Tanga lang diba? Tanga tanga ko! Umaasa ako sa wala. Sa pag-ibig ng isang taong di ako mapapansin kahit kailan."

"Bes, tanga ka nga! Di ka naman pala gusto, e bakit hinihintay mo pa?" Pang-aalispusta ni Sheena.

"Ok nga! Tanga nga ako. Pero,Bes kita mo naman ang gwapo. Ang lalim ng dimple at lahat ng qualities na gusto ko nasa kanya na. So sino di mainlove?"

"Naku, Bes huwag mong parusahan ang sarili mo sa kasalanang hindi mo na naman sinadya. Talagang ganun, kaya lang dapat marunong ka ring tumanggap ng pagkatalo. Hindi lahat ng gusto natin makukuha natin. Taas masyado ng pangarap mo e." Sabi naman ni Kat.

"Grabe ka sa akin Kat. Porke gwapo siya taas na ng pangarap ko? So pangit ako ganun?"

"Hindi naman sa ganun. Sabi mo kase nerd ka dati. So paano ka nga papansinin?" Sabi naman ni Patty.

"Mga bes, huwag mo ng intindihin yun. Mas marami namang ibang lalaki diyan na maaring mas magaling at mas gwapo. Huwag kang magpakatanga sa lalaking ganun na hindi ka nga gusto!"

"Oo na! Ginagawa ninyo naman akong katatawanan e! Hindi na nga. Mataas lang talaga ang standards ko kaya di ko matipuhan ang mga ipinapadate ninyo o kaya nanliligaw sa akin."

"Hay, bes, basta tandaan mo, dito kami nila Patty at Kat para sayo. Hindi ka na namin kukulitin sa lovelife mo."

"Talaga? Sinabi mo yan,Sheena ha!"

"Oo naman. Ikaw pa ba? Mag-asawa ka na!"

"Gagu!"

"Joke lang. Mahal kita Bes, kami nila Pat at Kat."

"Alam ko. At saka huwag kayong mag-alala bubuksan ko na ang mahiwagang pintuan ng puso ko, baka nga dapat babaan ko na standards ko."

"Good! That's my girl!" Sabi ni Pat.

"Tara , let's rock the beach! Swimming na tayo."

Nagswimming na nga kami. Kahit mainit na at tanghali, masaya kaming magkakaibigan na magkakasama.

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now