16

2.3K 144 3
                                    

Everyday since Richard transferred to my house was a bliss. Masarap nga pala talaga yun matatawag na may kaagapay.

Sheena and the rest of the gang was okay with our set up yun nga lang may mga side comments pa rin si Sheena.

"Girl, hjwag kang papayag na hanggang live in lang kayo, hindi pang kama lang ang beauty mo."

"I know. Anyway maaga pa para sa kasal. Isa pa, hindi ko pa naipapakilala kina Nanay si Chard."

"Eh bakit nga ba?"

"Alam mo naman na against sila sa ganyan. Kaya hahanap pa ako ng tiyempo. Buti na lang di pa sila umuuwi para magbakasyon at busy daw sa trabaho si Tatay at sila Kuya."

"Pero, bes basta sana dumating ang panahon na yayain ka niyan magpakasal."

"Sana nga. Tagal kong hinintay ito, alam mo yun. Wala naman akong ibang nagustuhan kundi siya."

"Teka e alam na ba sa school ninyo?"

"Hindi pa alam ng mga co-teachers ko. Ayoko rin sabihin kase nahihiya ako na naglilive-in kami."

"Hindi ba magkaproblema ka sa school of ever may magsumbong. Against sa Code of Ethics kase yan. Dapat good example ka."

"Alam ko naman yun. Pero as long as hindi nalalaman,okay lang."

"Akalain mo yun ano  napaka-pihikan mo tapos ngayon nakikipag-live in ka. Ang landi-landi mo, day!"

"Grabe ka sa landi! Nagmahal lang naman ako."

"Kamusta ang first night?"

"Okay lang."

"Nag-enjoy ka ba? Malaki?"

"Gaga! Huwag ganun! Basta okay lang."

"Damot! Pero girl gumagamit ba kayo ng proteksiyon?"

"Teka, as in yun ano.... condom?"

"Oo. Tange ka kung hindi. Mamaya ma-jointri ka patay tayo diyan. Tapos di ka pala papakasalan."

"Naku, Sheena hindi e. Natakot naman ako bigla."

"Tanga ka! Huwag ka muna tumihaya, kapag nasiguro mong di ka buntis e magpareseta ka ng pills. Mag-ingat ka day! Okay lang magka-anak kung papanagutan ka,pero kung hindi, patay kang bata ka!"

"Sa tingin mo if ever, papanagutan ako?"

"Aba malay ko sayo. Ikaw ang kalive-in niyan!"

"Hala! Di ko naisip yun. Sheena, sana di ako buntis. Natakot ako."

"Ngayon ka pa gumanyan pagkatapos mong isuko ang Bataan!"

"Sorry na! Pero natatakot ako."

"Kaya mag-ingat ka!"

Napaisip ako, baka nga maiwan ako sa ere, kailangan kong malaman kung handa bang panagutan ni Chard ang mangyayari if ever.

☆☆☆

Naghahanda na ako ng hapunan ng dumating si Chard galing trabaho.

"Hi, mahal."

"Hello."

"Musta maghapon mo? Pumunta ka ba sa Shop?"

"Oo kanina. Nagkausap kami ni Sheen kase dumaan siya doon."

"Okay. Anong napag-usapan ninyo?"

Nag-isip muna ako. Di ko pwedeng ipahamak ang kaibigan ko. Baka isipin ni Chard si Sheena ang nagfi-feed ng malisyosong bagay sa isip ko.

"Ah wala naman. Trabaho ganyan, kamustahan ganun. Ikaw? How was your day."

"Ayun nga! Hectic sched ko. Dami trabaho. Baka mapadala ako sa Vietnam para sa expansion."

"Vietnam? Ilang araw?"

"Araw? Baka buwan. Depende. Malayo pa naman yun."

"Okay lang sayo?"

"Bakit naman? Malaki ang ibibigay na salary sa akin. And i-grab ko yun para sa future natin."

"Future? Ano ang balak mo?"

"Ang balak ko, pag naka-ipon na ako, bibili ng bahay para sa magiging family."

Teka bakit parang wala ako sa usapan. Hindi ba ako ang magiging asawa? Dami ng naglalaro sa isip ko.

"Richard, what if mabuntis ako? Anong gagawin mo?"

"Bakit mo naitanong?"

"Siyempre,we had unprotected sex, mamaya mabuntis ako."

"I thought you're safe?"

"Sagutin mo muna kase yun tanong ko."

"If ever, e di ituloy ang bata."

"Hindi mo ako papakasalan?"

"Buntis ka ba? Dadalawang linggo pa lang tayo magkasama."

"Hindi ako buntis. Gusto ko lang malaman kung papanagutan mo ako."

"Tatanggapin ko yun baby, so don't worry."

"Eh ako?"

"E di ikaw din."

Napabuntung-hiniga ako. Wala ang kasal sa usapan. Noong isang linggo nasasabi pa niya ang kasal,e bakit ngayon yun bata na lang. Hindi pa naman ako buntis at sana huwag muna akong buntis. Mukhang malabo na pakasalan ako.

Naiinis ako ng mga oras na yun pero I let it go. Kaya hindi na ako magpapakatanga muna. Teka, mahirap pala, if ever na may nangyaring buntisan, baka sa kangkungan ako pulutin. Ayoko! Kabuong guro ko, magiging single parent ako. Paano na lang ako paniniwalaan ng mga estudyante ko kung hindi ako magiging magandang halimbawa sa kanila.

Isa pa, si Richard, parang nagduda ako sa motibo niya. May hindi ba maganda sa ipinakikita ko at bigla na lang nabago ang pananaw niya sa kasal? E 2 weeks pa lang kami. Natakot ako, para sa sarili ko. Kailangan ingatan ko ang puso ko. Two can play this game. And I have to be brave for myself.

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now