Tinuloy ko na lang ang pagkain. Konting kwentuhan. Natawa nga ako dun sa kwento nila Julia na umakyat si Daniel ng puno. Knowing him? Imposible umakyat talaga siya.

"Tigilan nyo nga ako. Napapahiya na ako ah!!" Sabi ni Daniel. Kaya hindi ko maiwasan matawa. Grabe para na siya puputok na bulkan sa inis.

"Bro baka pwede ka umakyat ulit mamaya?" Pagbibiro ni Albie.

"Sige. Tapos pag nakakuha ako ng isang buko sisiguraduhin ko sasakto sa ulo mo" Natahimik kami lahat. "Joke lang pare. Haha" kaya nagtawanan na lang ulit pero ako at si Albie ay hindi na tumawa. Bakas sa mukha ni Albie na para siya napahiya. Kaya hinawakan ko yung kamay nya na nasa lap at tiningnan siya.

Tumingin siya sakin tapos nginitian ko siya. At ganon din siya.

"Grabe ang dami ko nakain na lobster hindi tuloy ako makahinga labas muna ako" Sabi ni Daniel. Kaya tumayo na siya.

Pero bago siya umalis ay tiningnan nya muna ako at si Albie. At napabuntong hininga na lang siya bago umalis.

Daniel's Pov

Gusto ko magalit kanina ng makita ko hawakan ni Kath ang kamay ni Albie. Gusto magwala ng buong sangkatauhan ko. Pero alam ko hindi ko pwede gawin yun dahil wala pa ako karapatan ulit sa ngayon.

Napapaisip tuloy ako kung kakayanin ko ba na sa araw araw ng buhay ko makita ko si Albie at Kath. Tapos hahawakan ulit ni Kath ang kamay nya?

PUNY*TA PARA AKO MASUSUFFOCATE EH!!!

Sabihin ko na kaya kaya Kath na nakakaalala na ako? Baka sakali mabura na sa story namin si Albie at kami na lang ulet? Oo nga bakit kaya hindi na gawin?

Aish! Daniel hindi pwede baka mas lalo pa lumala ang lahat. Wag muna ngayon. Magtiis ka muna makakita ng hindi kaaya aya sa paligid.

"Masakit ba?" Napatingin ako sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka rin makahinga sa Lobster?" Sabi ko dito pero tumawa lang siya.

"Masakit ba makita na may iba ng gusto si Kath?" Tumayo ako at tiningnan siya sa mata.

"Ibang gusto? Tsk. Siguro nga. Pero alam natin dalawa na ako pa din ang mahal nya Albie" sabi ko dito.

"Paano ka naman nakakasiguro na mahal ka pa nya? Pagkatapos mo durugin ang puso nya?" Mas nag init ang ulo ko sa sinabi nya.

"Dahil bago ka man maging epal sa buhay namin. Nagmamahalan na kami! Marami na kami pagsubok na pinagdaanan pero tignan mo kami pa din. At ito nangyare samin? Isa lang din 'to sa pagsubok na lalampasan namin" Sagot ko.

"Pagsubok? Come on Daniel. Humilom man yan sugat na binigay mo kay Kath. Sisiguraduhin ko mahihirapan ka malamapasan ang sinasabi mo pagsubok dahil ako mismo ang haharang."


"Gago ka ah!" Hindi ko napigilan kaya sinapak ko siya.

"Kinakabahan ka na ba?" sabi nito habang nakaupo sa buhangin.

"HINDI AKO KINAKABAHAN DAHIL SIGURADO AKO PA DIN HANGGANG SA HULI!" sigaw ko at iniwan ko na siya.

Sa totoo lang? kinakabahan ako. Kinakabahan ako baka mapunan nya ang nadurog na puso ni Kath na kagagawan ko.

LETSE HINDI PWEDE!

Naglakad na ako papasok ng bahay ng makasalubong ko si Kath.

"Nakita mo ba si Alb-" Hindi ko na siya pinatapos at hinila ko na siya papasok tapos lumabas kami ulet at sinakay ko siya sa kotse.

"Saan tayo pupunta? Kararating lang namin gusto ko na magpahinga."


"Kung saan akin ka lang. Pwede ka muan matulog kung gusto mo."


Sagot ko at nagdrive na lang hindi na siya sumagot ulet at nakita ko tumingin nalang siya sa labas.

Dadalhin kita sa lugar Kath na tayo lang. Gusto ko masolo ka. Yun ang gusto ko yung wala punyeta epal. Pinahiram na kita ng halos tatlong araw sa kanya. Kaya ako naman ngayon Kath.

Ako naman. Akin ka lang at hindi ko hahayaan makuha ka ng iba. Hindi ko kakayanin. Magkamatayan na. kahit naging kaibigan ko si Albie. Wala ako pakeelam basta akin ka. At kung may parte man ng puso mo ang nakuha nya babawiin ko yun.

Dahil dapat akin lang ulit ang puso mo. At dapat buong buo akin lang.

-------------


Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon