"Narinig ko ang nangyari sa gym kanina. Where's Lacuesta and Galolo?" Tanong nito at inikot ang paningin.

Napatingin naman ako ngayon kay Zake. Tahimik naman siyang tumayo at ganoon din naman si Feptzam.

"Go to my office after your class." Sabi nito at pinaupo na ang dalawa.

"Now! I want you to know that we're having a christmas party."

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Naramdaman ko namang gumalaw si Zake sa tabi ko at yumuko. Mukhang iidlip nanaman. Napatingin naman ako sa pwesto ni Joy at nahuli ko siyang nakatingin sa amin. Mukha itong nag-aalala. I smiled at her to encourage that we are okay.

The next morning. Maaga akong pumasok para maiwasan ang pag-lalaro sa akin ng mga kaklase ko i schoolmate ko. Nandoon pa rin ang usap-usapan tungkol sa aming dalawa. Busy ang aming klase para sa gaganapin na christmas party.

"May susuotin ka na?" Tanong ni Joy nang makalapit sa aking pwesto.

"Nope, sabi kasi ni Zake terno daw kami e."

"Mag-gogown din siya?" Natatawang sabi ni Joy.

Natawa naman ako sa kaniya. "Siyempre hindi no," sabi ko.

"Akala ko mag-gogown din siya e." Pabirong sabi nito.

Tumawa na lang ako at naupo na nang maayos sa aking assign seat. Nagpaalam naman na si Joy sa akin para makabalik siya sa kaniyang upuan. Dumating na si Ma'am Nica ngunit ni isang anino ni Zake ay wala pa. Siguro ay busy ito o kaya ay nalate nang gising.

"Okay, class! I have an announcement!" Pasigaw at ma-awtoridad na sabi ni Ma'am.

"May mga kasama tayong senior sa ating christmas party." Naghiyawan naman ang mga lalaki kong kaklase.

"Shut up!" Sigaw ni Ma'am.

Nakinig lang kami sa aming homeroom teacher at nagbunutan na lang para sa aming exchange gifts. Napatingin naman ako sa katabi kong upuan. Hanggang ngayon ay wala pa din si Zake. Ano na kaya ang nangyari doon?

"Miss Lacson, ikaw na lang ang bumunot para kay Mister Lacuesta." Sabi ni Ma'am habang inaabot ang box na lalagyan ng bunutan.

Kumuha naman ako ng dalawa. Ang isa ay binuksan ko habang ang isa naman ay binalik ko kay Ma'am dahil siya na daw ang magbibigay nito para kay Zake. Nang mag-dismissed si Ma'am ay agad nagkagulo ang mga kaklase ko. Lumapit naman si Joy sa akin at naupo sa upuan na inuupuan ni Zake.

"Late yung jowa mo." Sabi niya.

Tumango ako.

"Sinong nabunot mo?" Tanong ko.

Pinakita naman niya ang maliit na papel sa akin.

Galolo

Bumuntong hininga ako sa nakita. Pinaglalapit siguro sila nang tadhana. I know gusto na din ni Joy na makipag-ayos. Halos mag-iisang taon na din at magulo at gusot pa din ang pagkakaibigan namin.

"E, ikaw?" Tanong niya.

"Si Cherry." Sagot ko.

My SeatmateWhere stories live. Discover now