"Hay nako! Yaan nanaman ang mga childish tricks niyo!" Sigaw ni Sir. Binalingan naman niya ako muli. "Dahil wala kang PE uniform hindi ka muna mag-paparticipate sa amin, ang mabuti pa ay ikaw na lamang ang magpulot ng mga bola para sa mga susunod na gagamit." Tumango naman ako.

Ang PE namin ngayon ay tennis. Tumayo naman kami upang simulan na ang game. Ang unang magkalaban ay si Blake at ang isang kaklase naming lalaki. Mayroong dalawang team at pipili ng dalawa maglalaro kada set. Ang magkakateam ay si Joy, blake at si Zake habang ang nasa kabila ay sina Feptzam, Karl at ang grupo nina Cherry. Blue team sina Zake at Red team naman sina Feptzam.

"Amielle, pick up the balls." Sabi ni Sir.

Nag-simula naman akong magpulot ng bola habang sila ay naglalaro. Kahit na gusto ko ang mag-laro ay hindi ko magawa. Napapadyak ako sa inis.

"Amielle!" Sigaw ni Joy.

Mabilis naman akong napatingin sa kanila ngunit agaran din akong nagiwas dahil tatama ang bola sa akin. Napatingin naman ako sa naglalaro, sila Joy at Feptzam naman na pala ang naglalaban.

Agad namang lumapit si Joy sa akin nang mapansin na napa-upo ako.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"O-oo." Tanging sagot ko dahil sa gulat.

Malakas ang force nang bola na iyon. Matigas ang bola ng tennis at pwedeng dumugo ang ilong ko depende sa lakas ng nagpapalo nito.

"Sinasadya niya iyon, Amielle." Sabi ni Joy at masamang tiningnan si Feptzam na ngayon ay nakikipagtawanan kila Rica at Shean.

Nakita ko namang kinuwelyuhan ni Zake si Feptzam. Gulat na napatingin si Feptzam sa ginawa ni Zake. Agad naman kaming tumakbo ni Joy para pigilan ang dalawa.

"Stop your trick, Galolo!" Sigaw ni Zake kay Feptzam at saka itinaas.

Dahil sa lakas nang mga braso ni Zake ay naitaas niya si Feptzam hawak lamang ang kaniyang kwelyo sa t-shirt. Hinawakan ko naman ang mga braso ni Zake para awatin ito. Pumito naman ang teacher namin sa subject na ito. Binitawan naman ni Zake si Feptzam.

"Ano ba?! Sino ka para gawin sa akin iyon huh?" Sigaw ni Feptzam.

"Stop it! Alam ko ikaw ang gumawa sa jogging pants ni Amielle at ngayon naman ay pinapatamaan mo siya ng bola! Napaka-immature mo!" Sigaw ni Zake.

Nagulat ako sa mga sinasabi ni Zake. Hindi ko inaasahan ang mga nagiging reaksyon niya simula noong naging kami. Amazed pa din akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko inaakala ang mga kinikilos nito. Natututo siyang mag-express ng kaniyang emosyon. Marunong na siyang magalit at ilabas iyon sa tao, he also learned to say I love you, thank you and sorry. Sa tatlong taon na pinagmamasdan siya mula sa malayo wala iyang alam sabihin kundi ang 'tss' at mang-isnob.

"Lacuesta!" Suway ng teacher namin.

"Wala kang ebidensya!" Sigaw naman ni Feptzam.

"Galolo!" Sigaw muli ng teacher namin.

Tahimik naman na tumalikod si Zake at naglakad. Huminto ito at tumingin sa akin.

"Come on." Sabi niya at nag-pamulsang naglakad.

Nagkatinginan naman kami ni Joy at saka nag-excuse sa lahat. Nangyari ito dahil sa akin.

Bumalik naman na kami sa aming classroom at pumasok naman ang aming homeroom teacher na si Ms. Nica. Tahimik ngunit mainit ang ulo.

My SeatmateWhere stories live. Discover now