Prologue

5.7K 179 5
                                    


"Grabe ka, Meng! Ano na naman ang ginawa mo dun sa pinablind date ko sayong doctor?"

"Wala naman akong ginawa. Sadyang di ko lang siya type kaya tinulugan ko siya noong nanuod kami ng sine!"

"Ano? Sobra ka! Kelan ka pa magkaka-jowa kung ganyan ka?"

"Hindi nga kase ako naghahanap ng jowa no!"

"Girl, I pity you! Mahirap maging old maid kaya nga tinutulungan na kita. Kami nila Patty at Kat. Kung sinu-sino na pinapadate namin sayo pero ni isa wala ka pang nagustuhan. Ano na girl?!"

"Hayaan na ninyo ako. Kung tumandang dalaga, e di okay lang. Basta hindi ako affected kahit may mga asawa na kayo. Di ako naiinggit!"

" Bahala ka na nga! Ewan sayo! Bahala ka, di ka makakatikim ng luto ng Diyos! Sarap kaya!"

"Tigilan mo ko Sheena! Hindi ako naghahanap ng ganyan! Okay nga ako ng mag-isa. Mahalin ninyo yang jowa ninyo at huwag ninyong intindihin ang lovelife ko!"

"Okay! Bahala ka! Nga pala sama ka sa amin ha, punta tayo sa Boracay. Summer na, baka doon ka makakita ng jowa!"

"Jowa na naman! Sasama ako pero hindi ako maghahanap! Mag-enjoy ako! Kelan ba yan?"

"Next week pa. Ipabook na kita ng airline para sasama ka talaga!"

"Sinabi ko na nga diba!"

"Basta. O sige na, susunduin ako ni Vince. Baka nasa baba na yun ng condo mo. Text kita pagnaka-book na rin yun flight mo! Pero girl, mauuna kami. Kase matagal na yun nakabook yun sa amin. Baka solo flight ka papunta doon."

"Tsupi! Sige na! Dami satsat! Okay lang ako mag-isa! Sanay na ako doon!"

"Bye, Bestie!

"Bye!"

Pag-alis ni Sheena, napabuntung-hininga ako. Hanggang ngayon, wala akong ginusto at wala akong ibang gugustuhin, siya lang. Saan na kaya siya?

Tanga nga akong matatawag kase hinihintay ko pa rin ang pagkakataon na makikita ko siya at magkakaroon na ako ng pag-asang mapansin niya dahil nagbago na ako, nag-aayos na ako ngayon. Bagay na hindi ko ginawa dati kaya hindi niya ako napansin man lang. Pero ngayon, iba na ako. Hindi na ako yun babaeng nakamakapal na salamin, yun laging balot na balot dahil nahihiyang magpakita ng balat. Ako na ngayon yun babaeng matatawag na sopistikada, edukada, may magandang kabuhayan.

Pero para saan ang pagpapaganda at pagpapayaman? Ni hindi ko magawang magkagusto sa mga lalaking nanliligaw sa akin. Kase si Richard pa rin. Siya pa rin ang laman ng isip at puso ko, kahit naman labing limang taon na ang nakalilipas mula ng huli ko siyang makita. Tanga lang diba?

Gusto ko ng mabago ang nararamdaman ko, pero paano? Alam ko na kahit kailan, hindi niya ako mapapansin, tulad na lang noong mga bata pa kami. Hindi kailanman niya ako nagawang tignan tulad ng tingin niya kay Trisha. Masakit magmahal sa taong hindi ka man lang masuklian ng pag-ibig tulad ng handa mong ialay sa kanya.

Panahon na kaya na mahalin ko ang sarili ko at mabigyan ako ng pagkakataon na mahalin din ng iba? Gusto ko ng lumigaya. Bwisit na pagmamahal ito, sakit sa bungo. Anyway, tama nga na magmove on na ako, matagal ng wala si Richard. Baka may asawa na yun. Baka naghihintay lang ako sa wala. At isa pa, walang kasiguraduhang mamahalin din niya ako kung sakali mang magkita kami.

A/N New story to watch out for..Different from my other fanfic.

All chapters will be written according  to Maine's point of view. Parang yun Fifty Shades.

Please share your thoughts.

Almost Over You (Completed)Where stories live. Discover now