Twenty First

2.5K 197 6
                                    

Immediately after his work for the Sunday show, James drove to Bulacan. He is very excited as he will see Dani again. The whole day of Saturday was terrible because he's been missing her too much.

"Wow, hindi mo nakalimutan ang promise mong paella" Nanay Mary excitedly said

"May ginawa rin po si Mommy na hamonado for dinner nila later and nagdala na rin po ako pangdagdag sa paella" James said

"Naku, this is too much iho. Ilan lang naman tayong kakain nito" Nanay Mary shyly said

"Hello Dani" James greeted when she saw Dani going down the stairs

"Hello James, natraffic ka ba?" Dani replied

"OO eh, what else is new?" James said "How was your day?" he asked

"Oks lang, may tinapos akong report kanina after magsimba. Sinugod kasi ako nung mga high school friends ko kahapon, 7 pm na mga umalis kaya ngayon ko lang nagawa yung inuwi kong trabaho" Dani told James while gesturing him to sit down "How about you? Kamusta weekend mo?"

"Working as usual. But I went home early last night, request ng Mommy ko eh so I had no choice but to reschedule my TVC shoot for this morning. Tapos nag tape pa ako ng segment ko for next Sunday kasi maghapon ang taping ko next Saturday  for the teleserye, baka nga abutin pa yun ng Sunday morning" James replied

"Grabe sobrang busy ng schedule mo ah. Nakakapagpahinga ka pa ba?" Dani worriedly asked

"Oo naman, nung Friday nga sarap ng pahinga ko, kasi yung mabait kong kaibigan pumayag na tumambay ako sa place nya, so ayun nakachill nang konti" James said beaming

"Sira ka!" Dani said laughing.

James together with the Dayao family enjoyed the food that he brought for them. After the pleasant dinner, Tatay Teo invited James to have coffee in the veranda, while Nanay Mary helped Dani to pack all the things she needs to bring in Manila.

"Tama naman palang ipagmalaki ng Mommy mo ang paella nya. Masarap talaga sya. Pati na rin yung hamonado. Paki sabi sa kanya, maraming salamat" Tatay Teo started the conversation after the maid served their coffee

"Specialty po ng Mommy ko ang paella" James brags

"Kamusta ang trabaho James?" Tatay Teo asked

"Ayos lang naman po" James politely replied while beginning to feel uneasy "Marami pa rin naman pong projects na dumarating"

"Sabi ni Daniella, kliyente ka raw nya. Nakakatuwa namang at this early age nakakaisip kang mag invest. Yung mga kabataan kasi ngayon pag nakahawak na ng sweldo kung anu-ano ang naiisip bilhin" Tatay Teo said

"Sabi po kasi ng Daddy ko, mag-ipon daw po ako habang maganda pa ang kinikita ko, kasi wala naman pong kasiguruan ang trabaho ko" James replied

"Tama naman ang Daddy mo, wala ka bang balak magtayo ng negosyo?" Tatay Teo said

"Meron naman po, pero pinag iisipan ko pa po kung anong negosyo" James replied

"Tama rin naman, mahirap yung basta basta ka magnenegosyo nang hindi mo alam kung paano mo papatakbuhin. Mahirap malugi, lalo na kung hard earned money ang gagamitin mo." Tatay Teo said

"Oo nga po" James again replied. He then took a deep breathe before he asked Tatay Teo the question he has been practicing since last night "Tito Teo, may gusto po akong itanong, pwede po ba?" James finally asked

"Ang lalim ng buntong hiningan mo ah. Sige James, ano yun?" Tatay Teo said smiling as he already have an idea but he choose to hear it straight from James.

"Gusto ko pong ligawan si Dani, sana po pumayag kayo?" James asked.

"Ano sabi mo?" Tatay Teo asked

"Gusto ko pong ligawan si Daniella, at humihingi po ako sa inyo ng permiso na payagan nyo po akong ligawan sya" James bravely said while Tatay Teo got stunned for few seconds.

Though Tatay Teo expected this question from James he still could not control himself to be speechless as this is the first time this happens. He knows that there are a lot of guys who visited Daniella at home but only James formally asked for his permission about his intention in pursuing his youngest daughter.

"Ang tapang mo ah" were the only words uttered by Tatay Teo. "Anong sabi ni Dani?" he asked when he finally comes to his senses

"Hindi ko pa po sinasabi sa kanya, gusto ko po munang kunin ang permiso nyo. Importante po kasi sa akin na pumayag po kayo" James replied

"Alam mo James, I really appreciate this gesture of yours. Salamat sa pagpapahalaga sa akin bilang magulang ni Dani. You only showed me that you have clean intentions when it comes to my daughter. Wala namang problema sa akin. Pero na kay Dani pa rin ang desisyon, nasa kanya yon kung papayag syang ligawan mo sya.  Basta ako kung saan at kanino magiging maligaya ang anak ko dun ako." Tatay Teo said and eventually declared "Nakuha mo ang boto ko bata, pero wag naman sanang ikakalaki ng ulo mo"

"Salamat po Tito Teo, malaking bagay po sa akin yung pagpayag nyo. Wag po kayong mag-alala wala po akong masamang intensyon kay Dani" James said

"Mabuti naman kung ganon, yan naman talaga ang gusto kong marinig. Kelan mo balak sabihin kay Dani?" Tatay Teo asked. "Baka po mamaya, hahanap po ako ng magandang tyempo. Baka po kasi mabigla eh" James replied

"Aba, isang malaking Good luck ang kailangan mo James" Tatay Teo said.

"Salamat po, Tito" James said smiling

"Mukhang seryoso ang usapan nyong dalawa ah" Nanay Mary said walking towards them.

"Seryoso talaga" Tatay Teo replied

"Talaga ba?" Anong pinag-usapan nyo?" Nanay Mary asked.

"Nasaan si Daniella? Baka gabihin na 'tong dalawang 'to pabalik ng Manila. Malayo pa ang uuwian ni James" Tatay Teo said

"Hindi mo sinagot ang tanong ko" Nanay Mary asked again.

"Anong tanong po Nay?" they heard Dani asked.

"Ako ba ang magsasabi o ikaw?" Tatay Teo asked James. "

Ano ba yun at nagtuturuan pa kayo kung sino ang magsasabi?" Nanay Mary irritably asked

"Please don't get mad Tita. Humingi lang po ako ng permiso kay Tito Teo" James started

"Permiso para saan iho?" Nanay Mary asked while Dani is quietly listening to them and waiting for James answer.

"Tita, hiningi ko po yung permiso ni Tito Teo kung pwede ko pong ligawan si Dani?" James shyly said and just like Tatay Teo, Nanay Mary got stunned as well as Dani. "Pumayag na po sya, sana Ok lang din po sa inyo"

****************

May one point na James galing kay Tatay Teo, sana may one point din galing kay Nanay Mary.  Eh kay Dani ilang points kaya? 😉🤔

As always, thank you for the reads and votes peeps.  Another update for today because I will take a break until Wednesday, updates will resume hopefully on Thursday or kung kelan may matinong signal. 😚😚😚

Investments for Love (Completed) Where stories live. Discover now