Thirteenth

2.5K 192 9
                                    

Dani saw her Nanay Mary waiting for her at the veranda. Her mother noticed that her eyes are glowing. "Sino ang naghatid sa yo? Bakit hindi mo pinapasok? Nasaan ang kotse mo?"

"Isa isa lang po ang tanong Nay" Dani said before she kissed her mother. "Si James po yun Nay" she said then they both go inside the house.

"James? Sinong James, manliligaw mo? Eh bakit sumasama ka ng dis oras na ng gabi?" Nanay Mary did not stop asking

"Hindi po Nay" she replied "Kliyente ko po yun, hindi manliligaw. Si James Esteban po yun Nanay, yung artista"

"Ano bakit hindi mo pinababa" her mother exclaimed while stomping her feet

"Hala Nay, bakit may pagdadabog?" she asked her mother

"Bakit hindi mo sinabing kliyente mo pala si James Esteban. Sana nakapag paselfie man lang ako. Kelan mo sya ulit makikita? Hingi ka naman ng video greet anak" Nanay Mary said

"Hala ka Nay, baka marinig ka ni Tatay" she said.

"Hayaan mo sya" Nanay Mary replied

"Don't worry Nay, baka po bukas pwede ka nang magpa selfie kay James" she said

"Talaga anak? Eh kaso may lakad kami ng Tatay mo sa Lunes, hindi ako pwedeng sumama sa yo pabalik ng Manila bukas. Pwede bang sa ibang araw na lang?" Nanay Mary said

"Bukas po Nay susunduin daw nya ako dito sa Bulacan" she said chuckling

"Tutoo ba yan anak?" Nanay Mary shockingly asked "Hindi ka nagbibiro anak?"

"Hindi po Nay, ayoko na nga pong pumayag kasi nakakahiya" Dani said. "Ayyyyy" Nanay Mary screamed "Anong oras sya darating?"

"Hindi ko pa po alam, may SPS pa po sya bukas ng tanghali di ba? Saka mas maganda po Nay na wag na po tayong umasang darating sya. Sobrang busy po nung tao para maisingit pa yung pagsundo nya sa akin bukas. Siguro po nagpapaka gentleman lang kaya nag alok na sunduin ako. Kaya kalma lang tayo Nay, mahirap nang mahopia" she reminded her mother

"Sabagay, may katwiran ka anak. Pero paghahandaan ko pa rin yan. Malay mo naman dumating talaga sya para sunduin ka" Nanay Mary said. "Sige anak magpahinga ka na"

"Sige po Nay, goodnight po" she said and kissed her mother before going inside her room to rest.

In the morning, Dani was so surprised as the Dayao household was so busy for something she did not know.

"Tay, ano po ang nangyayari? Hindi pa po schedule ng General Cleaning natin di ba" she asked

"Hay naku Daniella, tanungin mo yang Nanay mo. Parang sinapian ng libo libong espiritu. May bisita daw tayo mamaya at dito mag hahapunan" Tatay Teo said

"Po? Sino daw po ang bisita?" she asked again

"Yung artista, si James Esteban pupuntahan ka raw dito mamaya. Puntahan mo nga dun sa kusina at mukhang ang daming ilulutong ulam. Pakiusap anak pigilin mo nanay mo" Tatay Teo replied

Dani quickly proceeds in the kitchen. There she found Nanay Mary preparing for her specialties.

"Nay, anong nangyayari? Di ba matagal pa fiesta dito sa Sta. Maria?" she asked her mother

"Ano ka ba naman anak, maliit na bagay lang naman ito. Pang hapunan lang" Nanay Mary said

"Panghapunan Nay? Kare-kare, morcon, embutido, chopsuey may dessert pang buko pandan at leche flan. Nay, nilagang baka sa tanghalian at pochero sa hapunan ang madalas nating ulam pag Linggo. Pang pasko at fiesta ang mga putaheng ito" Dani said

"Hayaan mo na anak. Nakakahiya naman sa bisita mo kung pochero lang ang ipapakain natin. Syempre dapat special" Nanay Mary said

"Eh Nay, hindi pa nga natin sigurado kung darating talaga si James. Di ba sabi ko wag kang umasa baka mahopia ka, sayang naman ang mga hinanda mo" Dani protested

"Walang problema, eh di bukas kare-kare ang ulam, tapos sa Martes morcon naman, tapos embutido sa Miyerkoles at chopsuey sa Huwebes. Tapos balik tayo sa monggo sa Biyernes" she heard her Ate Nikki said "Famous ka na sis, si James Esteban pa ang susundo sa yo mamaya"

"Hay naku Nay, Ate, hindi nga sigurado kung darating kasi di ba sobrang busy yung tao para isingit pa nya yung pag sundo sa akin" Dani insisted

"Eh di better luck next time" Nikki replied. "Pwede ba Daniella, tumulong ka na lang kesa ang aga-aga mong nega. Wag mo basagin ang trip namin ni Nanay"

"Oo nga Daniella, halika ikaw na ang gumawa nitong buko pandan. Alam ko naman na walang kasiguruhan na darating sya. Pero gusto ko pa ring paghandaan. Kung hindi man sya makarating, ayos lang. Ayaw mo ba nun, marami kang maiuuwing ulam pagbalik mo ng Manila" Nanay Mary said.

"Parang ang hirap naman nun Nay, wala po akong kotseng dala. Mas malamang na mag bus ako mamaya, so ang hirap naman pong ipadala nyo sa akin ang mga ulam na yan" Dani replied

"Wag kang mag bus, mag uber ka na lang" Nikki suggested

"Uber? Ang mahal naman nun" Dani protested while doing the buko pandan dessert

"Sus, maliit na bagay lang yan sa yo. Bawasan mo naman ng konti yung ipon mo?" Nikki said

Dani decided to stop arguing with her mother and sister because she knows that nothing and nobody can stop them anyway.

An hour after James show ended, Dani received a text message from James. "I'll just take a quick late lunch then punta na ako dyan. Sana hindi matraffic." At first Dani was wondering where did James got her number. But, she realized that he sent the message to her official phone, and that number was stated in her email signature. "Wag kang assuming Daniella, obviously hindi hiningi ni James ang number mo kay Tita Girlie." she told herself

Dani was already composing her text reply when she decided to just call him. "Hey Dani, quick lunch lang, promise mabilis lang 'to" she heard James said from the other line.

"Ah James, wag ka na kayang tumuloy. Mag Uber na lang ako" she said

"Why may problema ba?" James asked

"Hindi naman exactly problema. Kasi kagabi tinanong ng Nanay ko kung sino ang naghatid sa akin. Sabi ko ikaw, bakit daw hindi kita pinababa para nakapag paselfie daw sya sa yo. Sabi ko susunduin mo ako ngayon" Dani explaind.

"Ayaw mo na magpa selfie ang Nanay mo sa akin?" James confusedly asked

"Actually hindi naman sa ganon, kaya lang nagprepare ang Nanay ko ng dinner, baka hindi tayo agad makaalis, nakakahiya sa yo baka may iba ka pang commitment." Dani said

"Wow, that was sweet. Dapat pala magmadali na ako para marami kaming mapagkwentuhan ng mother mo. I think I should skip this late lunch. I'll just grab some burger along my way. Excited na akong makilala ang family mo" James said

"Huh? Wag ka na lang tumuloy please" Dani pleaded

"No way Dani, I'm leaving now. Need to hang-up. I'll see you later" James said then hangs the phone.

"Ang sama mo talaga Dani, hindi mo na inisip na malulungkot si Nanay. We both know na kahit sabihin nya na OK lang, still aasa pa rin sya and will be disappointed dahil binasag mo trip nya" Nikki said from behind.

Dani did not know that her sister was eavesdropping on her phone conversation with James. "O anong sabi nung pinigilan mong pumunta dito?" Nikki asked with an eyebrow lifted

"He is on his way to Bulacan Ate" Dani said

Nikki immediately runs to the kitchen while shouting "Nayyyyy .... Magbihis ka na papunta na si James Esteban dito sa bahay". 

***********************

Bilis na Nanay Mary magbihis ka na!!!!! 😉

Thanks for the read and votes as always! 😚😚😚

Investments for Love (Completed) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें