Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at dali daling naglakad papunta sa garahe.

"Ma'am!"

"Ay, asong sinakal!" Nabitawan ko pa yung susi ng kotse ko. Peste, hindi ko na kayang yumuko para kunin yan! "Ralda, ano ka ba naman! Bat ka ba nanggugulat!"

"Ay, sorry, Ma'am! San po kayo pupunta? Sabi po ni Ser Caden na bawal ka pong lumabas ng bahay."

"Ah, hindi. Nagpaalam na ako sa kanya. Pabukas nung gate, please." Sabi ko. Pinaabot ko rin yung susi dahil hindi ako makayuko.

Agad akong sumakay sa kotse ko at hinintay na pindutin ni Ralda yung button para bumukas ang gate.

Binuhay ko ang makina at nilabas ang kotse. Agad akong nagmaneho paalis dito sa village namin at papunta sa agency.

Mayamaya pa ay dumating na ako sa agency. Pinarada ko sa harap ng entrance ang sasakyan ko bago pinatay ang makina at bumaba. Inalalayan pa ako ng security guard makababa dahil nahihirapan ako.

"Nandito ba sina Koko at Misty?" Tanong ko nang makapasok ako.

"Ay, wala po, boss. Si Agent Laxaviel ay may mission kasama si Agent Williams."

Tumango ako. "Sina Xavi at Logan?"

"Nasa Agent's Lounge po."

"Okay, thank you." Sabi ko at naglakad papunta sa elevator dahil nasa third flood ang lounge.

Pagkarating ko sa lounge ay nagulat silang dalawa nang makita ako. Agad akong umupo at huminga ng malalim. Kapagod maglakad.

"Da? Bat ka nandito? Akala ko ba bawal kang lumabas ng bahay?" Tanong ni Logan.

"Magtatrabaho ka ba? Nakabihis ka eh." Xavi.

"Hindi ko kayang magtrabaho, namiss ko lang kasing magsuot ng ganito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hindi ko kayang magtrabaho, namiss ko lang kasing magsuot ng ganito. Namiss ko rin ang agency." I sighed.

"Alam ba ni Caden?" Tanong ni Xavi bago uminom sa hawak niyang juice.

"May pagkain ba kayo dito?" Agad kong tanong.

"Meron," Sabi ni Logan. "teka, bat mo iniiwasan ang tanong ni Xavi?"

"Tumakas ka, noh?" Xavi.

I sighed. "Ayaw niya akong palabasin sa bahay kaya heto, tumakas nalang ako."

"Pano ka nakatakas?" Logan.

"Natutulog siya eh kaya tumakas ako agad." Tumawa ako.

"Lagot ka talaga pag-uwi mo." Napailing si Logan.

"Anong pag-uwi? Paniguradong susugod yun dito." Pang-aasar sakin ni Xavi.

"Tumahimik nga kayo." I rolled my eyes.

"Pero, Da, dapat nasa bahay ka lang. Nakakasama sa--..Da? What's wrong?" Sumimangot si Logan nang mapansing napahawak ako sa tiyan ko na may mukhang di maipinta.

"D-Da? Masakit ba tiyan mo?" Xavi.

"A-A..."

"Ha?!"

"A..." Huminga ako ng malalim. "april fools!" Tumawa ako ng sobrang lakas nang makita ko ang mga reaction nila.

"Ang bastos mo!" Hinagis ni Xavi yung panyo niya sakin. "sumakit dibdib ko sa kaba!"

"Nako, kung di ka lang talaga buntis." Umirap si Logan.

"Wag kayong mag-alala, feel ko next week pa ako manganganak." Tumawa ako.

"Kainis ka pa rin." Sabi ni Xavi.

Tatayo na sana ako nang biglang sumakit ang gitna at tiyan ko. "T-Teka....masakit." Nahihirapan kong sabi.

"Wag kang ano diyan, Da. Hindi mo na kami maloloko." Sabi ni Logan habang nakatingin sa cellphone niya.

"M-Masakit talaga! Hindi ako nagbibiro!"

"Hay, nako. Dakota--..aray!" Napasigaw siya nang abutin ko ang buhok niya at sinabunutan.

"Masakit talaga! M-Manganganak na ako!"

"A-Aray, yung buhok ko!" Agad namang inalis ni Xavi yung kamay ko sa buhok niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin siya sa sahig. "shit! Logan, totoo nga! Her water broke!"

"Ano?!" Napatayo naman si Logan. "a-anong gagawin ko!" Tumakbo ng paikot ikot dito sa hallway si Logan.

"A-Anong gagawin namin, Da!" Nagpapanic na tanong ni Xavi habang pinapaypayan ang tiyan ko gamit ang panyo na.

"Mga kupal! Dalhin niyo ako sa hospital! Call my husband too!" Iritado kong sabi.

Si Logan na ang nagcontact kay Caden habang si Xavi naman ay nagpatulong sa ibang agents na kargahin ako papunta sa sasakyan ko.

"Tangina, ang bigat bigat mo, Dakota! Ano bang laman ng tiyan mo?! Dalawang elepante?!"

Hinampas ko naman siya ng malakas nang maisakay na nila ako sa backseat ng kotse. "Walanghiya ka!"

Agad namang sumakay si Xavi sa kotse at sumunod maman si Logan. Dali daling nagmaneho si Xavi papunta sa hospital. Mabuti nalang at malapit lang yung hospital sa agency.

Agad akong sinakay nina Logan at Xavi sa stretcher. Tinulak pa nila yung mga nurse na tutulong sakin.

"Tabe! Manganganak na yung kaibigan namin!" Xavi.

"Alis, hoy! Lalabas na yung bata!" Logan.

"Gago!" Sigaw ko. "ibigay niyo ako sa mga nurse!"

Ilang sandali pa ay dinala na ako ng nurse sa delivery room. Dumating na rin yung doctor kaya sinimulan ko nang umire.

"TANGINA, ANG SAKET! NORMAL BA TO?!" Sigaw ko.

"Yes, Mrs. Lacson. Normal lang po. Umire ka pa!"

"AAAAHHHH!! AYOKO NA, DOC!!! TIME FIRST!!!" Napakapit ako sa pants nung nurse na nasa tabi ko.

"Ma'am, baka mahubaran ako!"

"ANG SAKET NA TALAGA, DOC!!! ANG TAGAL NAMANG LUMABAS!!!"

"Ire pa, Mrs. Lacson! Nakikita ko na yung ulo!"

"KINGINA, ULO PALANG?!" Sigaw ko bago umire ng sobrang lakas.

Di nagtagal ay nakarinig na ako ng iyak kaya nakahinga ako ng maluwag pero sumakit ulit ang tiyan at gitna ko.

"Oh! May isa pa!"

"HA?!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Push, Mrs. Lacson! Push!"

"Push mo yan, teh!" Sigaw nung nurse sa tabi ko.

"MASAKET!!!!! AYOKO NA, UUWI NA AKO!!!" Sigaw ko.

Naramdaman kong nailabas na sakin ang baby kaya nakahinga na ako ng maayos. Pawis na pawis ako at pagod na pagod.

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako dun. Pumasok si Caden na pawis na pawis rin at gulong gulo ang buhok. Agad siyang lumapit samin habang humihinga ng malalim. Tumakbo ba to?

"What's the...what's the gender?" Hingal na tanong ni Caden. Napatingin siya sa mga karga ng nurse at nanlaki ang mga mata.

Gulat ka dahil dalawa? Ako din, papshie!

"It's a boy and a girl, Mr. Lacson. Congratulations!"

_________

TWINS AMPOTS!!!! LAKAS NI BABE!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA


Love & BulletsWhere stories live. Discover now