HySE <3 7. KUYA???

Start from the beginning
                                    

"Andi, wag mo sasabihin kina tatay at nanay, pati na rin kay kuya, please." mahinang tugon ni Gelay kahit nakayuko. Di pa rin ako makapagsalita. Hindi ko akalaing magagawa ni Gelay ang bagay na iyon. Tama nga siguro talaga ang sabi ni grandma sa akin noon na hindi ibig sabihin na mabait ang isang tao ay wala na itong magagawang hindi tama. "Andi, naging masaya naman ako ng gawin naman yun eh. Yung kagabi na ang pinakamasayang gabi ng buhay ko." iniangat niya na ang ulo niya at humarap na sa akin. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang kasiyahan kahit na may mga namumuong luha dito.

"Gelay ang bata mo pa para gawin yung mga ganung bagay. Hindi mo ba naisip yung mga pwedeng mangyari sa iyo pagkatapos nung mga nangyari kagabi? Hindi mo man lang ba inisip ang iisipin nina nanay at tatay?" tumungo na ulit siya habang nagsasalita ako. Si ate Cheska naman ay nakayuko na rin. (Ang sitting arrangement ay si Cheska, Angel, tapos Althea.) "Gumamit ba kayo ng protection?"

"Hindi." diretsong sagot ni Gelay.

"Ano?? Paano na lang kung magbunga??" nabigla si ate sa sagot ni Gelay kaya napatayo siya at napalakas ang boses. Buti na lang wala dito sina nanay at yung mga maids kundi lagot na. "Angel your too young to get pregnant."

"Hindi naman siguro ako mabubuntis. Isang gabi lang naman eh." nakayuko pa rin si Gelay pero mapapansin sa kanyang boses na nagsisimula na siyang umiyak. Umupo na lang ulit si Ate.

"Pero paano kung mabuntis ka Gelay. Paano mo sasabihin sa mga magulang mo at sa kapatid mo? Paano niyo sasabihin sa mga magulang ni PJ? Paano niyo bubuhayin ang magiging bunga ng kapusukan niyo? Ang bata niyo pa pareho." sabi ko kay Gelay habang tinatap ang likuran niya dahil yumakap na siya sa akin habang umiiyak.

"Hindi ko rin alam Andi. Di ko kasi yan inisip."

"Wag ka muna umiyak ngayon Angel. Maligo ka na dun, malapit na mag 7:00, di ba 8:00 ang klase niyo?" pamputol ni ate sa amin. Kaya tumayo na agad si Gelay. Naiwan na kami ulit ni ate. Nginitian niya lang ako at tumayo na rin siya para makaligo na rin. Tumayo na rin ako para pumunta na sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko sa eskwela.

*fastforward*

Nandito na kami ngayon ni Gelay sa room namin. Si Ate naman ay pumunta na sa room nila. Dumiretso na kami ni Gelay sa mga upuan namin. Nandito na rin si PJ. Nabigla na nga lang ako ng biglang halikan ni PJ si Gelay sa mga labi nito, pero di na lang ako nagpahalata at dumiretso na sa pag-upo sa upuan ko.

Di rin nagtagal at dumating na ang instructor namin sa English. Wala naman kami masyadong ginawa dahil sa sinabi niya lang sa amin na gagawa kami ng research paper at kami na ang bahala sa kung sino ang mga kagrupo namin basta 4 na myembro lang per group. Syempre tatlo na kami kaya isa na lang ang kulang.

"Pwede bang dito na lang ako sa grupo niyo? Wala na kasing ibang group eh." sabi ng isa kong kaklase. Si Barbara Forteza o mas tinatawag naming Barbie dahil yun raw ang palayaw niya.

"Sure." ako na ang sumagot. Titig na titig lang siya kay PJ kahit na ako lang ang sumagot sa kanya. Umupo rin siya sa tabi ni  PJ. Nagform kami ng circle, bale si PJ, si Barbie sa right niya, ako, tapos si Gelay naman sa left ni PJ.

Nag-usap-usap lang naman kami at pinagdesisyonan na ang magiging title ng aming research ay *Grammatically Erronous Text and Reading Comprehension*, napagdesisyonan rin na ako ang gagawa ng Chapter 1, si Gelay ang Chapter 3, at naiwang si Barbie at PJ sa chapter 2.

After nung english ay pumunta na kami sa biology room namin. Sa subject na ito kami magkakaroon ng quiz. Medyo, nahirapan si Gelay at PJ sa quiz dahil na rin hindi nakapag-aral ang dalawang ito kagabi. After naman ng Biology ay nagmath na kami. Sinabi lang din ni sir na gaganapin raw namin ang aming Final exam next next week Friday which is March 2, 2012.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Where stories live. Discover now