MoonLight Academy 81

11.2K 220 22
                                    

Minulat ko ang aking mata at agad na tumambad sa akin ang puting paligid, naramdaman ko ang pag sakit ng aking ulo kaya naman akmang hahawakan ko ito ng matigil ako dahil sa kadenang naka kabit sa aking kamay.

Napatingin ako dito at nakitang naka dikit ang mga kadenang naka kabit sa aking kamay. Nilibot ko ang paligid, nasa isang malaking room ako na kulay puti lamang ang paligid, sa taas ay may isang malaking screen na hindi ko alam para saan.

Sa harap naman ay may mga gamit na naruruon, agad na kumunot ang nuo ko ng makita ko ang isang bilog na umiilaw kung saan naruruon ako sa loob kaharap si Zero.

Ito yung bilog na nakita ko na dala dala ni Admin papasok sa Building ng mga Steler.

Natigil ako, si Dark. Nasaan si Dark, nasaan ako?

Pilit kong pinapakawala ang aking kamay mula sa kadena ngunit hindi ko magawa, saka ko lamang naramdaman ang isang aparato na naka lagay sa aking ulo.

Para saan ito?

"Mabuti't gising ka na."napatingin ako sa nilalang na kakapasok lamang sa kwarto.

"Nasaan ako?"tanong ko, huminga ito ng malalim saka tumingin sa akin.

"Control room." Sabi ni Admin na nasa tabi niya.

"B-bakit ako nandito?"tanong ko.

"Moon, kailangan ka naming paamuhin ulit."sabi ni Admiral at lumapit sa akin.

"Masyado kang malakas para patayin namin, isa pa. kailangan ka pa namin para mabuhay si Zero." Nakaramdam ako ng galit.

Talaga ngang ginagamit lamang nila ako para mabuhay si Zero.
Tama si Fly, ginagawa nga nila akong halimaw.

"Saglit lang ang talab sayo ng kapangyarihan ni Admin, kaya naman ito nalang ang nakikita naming paraan para hindi ka tumaliwas sa plano."sabi ni Admiral. "Lalo na ngayun at nalaman mo na ang tungkol sa Memory room." Sabi ni admiral at sumenyas kay Admin.

"Kayo palang ni Dark ang unang nakakita tungkol don, kaya naman kailangan niyong mamatay o burahin ang ala-ala."sabi ni Admiral saka ngumiti sa akin.

"Hindi ito masakit Moon, para lamang itong kagat ng langgam."

"Anong gagawin niyo kay Dark?"tanong ko habang naka tingin sa kanya ng masama.

"Wag kang mag alala Moon, ikaw padin ang papatay sa kanya. Sa ngayun, papahirapan muna namin siya sa Moonjail para matuto siya ng leksyon."

"Napaka sama niyo." Sabi ko na kinatawa nila.

"Hindi Moon, hindi kami ang masama." Sabi ni Admin. "Pangalawa lang kami sa masama."natatawang sabi ni Admiral, biglang lumapit si Admin sa akin na may hawak na injection.

"Ano yan? Wag kang lumapit sa akin."sabi ko habang naka titig sa hawak niya.

"Wag kang mag alala Moon, pag katapos nito. Lahat ay babalik sa Normal."naka ngiting sabi ni Admin.

"Sabing wag eh!"sigaw ko at akmang gagamitin ang kapangyarihan ko ng maramdaman ko ang pag daloy ng mga kuryente mula sa aking ulo pababa sa aking katawan dahilan para mapasigaw ako sa Sakit.

"Moon, sabi ko naman sayo malakas ka. Kaya nilagyan ka namin ng bagay na nasa ulo mo para hindi mo kami masaktan."sabi ni Admiral at ngumiti.

"Mag tiwala ka sa amin Moon, magiging maayus din ang lahat."naka ngiting sabi ni Admiral, dahil sa sakit na narandaman ko ay nanghina ako, nakita ko kung paano iturok ni Admin ang injection na hawak niya sa braso ko. Napalunok ako ng maramdaman ko ang pag daloy ng kung anong likido sa aking kamay.

"Anistisya lamang yan Moon, para hindi ka masaktan sa gagawin ni Admin sayo, hindi ba't napaka bait namin." Naka ngiting sabi ni Admiral at kinuha ang bilog na nasa box saka pinakita sa akin.

"Nakikita mo ba ang bilog na ito Moon?"tanong niya at nakangiting tinuro si Zero.

"Eto si Zero, eto naman si Dark at ikaw ito. Tignan mo kung paano paslangin ni Dark si Zero." Sabi ni Admiral at pinakita sa akin ang nasa bilog.

Sa kaparehong lugar kung saan namin nakita ni Dark sila Zero at ang sarili niya ay naruruon si Dark na may hawak na palaso at maka ilang ulit na pinag sasaksak si Zero na walang ka laban laban.

Hindi ko ito dinamdam dahil alan ko kung sino ang tunay na pumatay kay Zero, tinignan ko ng masama si Admiral ng tumawa siya.

"Ilalagay namin ito sa iyong memorya at pupunuin ng galit ang katawan mo para makontrol ka namin at para maging maayus ang lahat hanggang sa magawa natin ang plano."sabi niya saka tumingin sa akin.

"Hindi ba't nais mong mabuhay si Zero Moon?"tanong niya, dinuraan ko lamang ang mukha niya saka siya tinignan ng masama, isang malakas na sampal ang ginawad niga sa akin at natawa.

"Isa ka palamang mabangis na nilalang ngayun Moon kaya aawatin ko ang sarili ko na patulan ka, pero mamaya alam kong mas maamo ka pa sa kuting pag nailagay namin ito sa loob mo."sabi ni Admiral at tumingin kay Admin na hinahanda ang mga gamit. Pinag masdan kong mag lakad si Admiral palapit kay admin saka inabot ang bilog na hawak niya at tumingin sa akin.

"Ikas na ang bahala sa kanya, madami pa akong papeles na dapat ayusin sa opisina."sabi nito at ngumiti sa akin.

"See you later, Moon."sabi niya saka nag lakad palabas ng room kung saan naruruon kami ni Admin.

Nakangitinging lumapit sa akin si Admin habang hawak ang bilog na nag lalaman ng pekeng memorya ko.

"Hindi sana tayo aabot sa ganito Moon kung hindi ka lang nakipag tulungan kay Dark."sabi niya at huminga ng malalim saka tumayo.

"Wag kang mag alala, hindi ito masa--"
Biglang natumba sa lapag si Admin dahilan para mabasag ang bilog na hawak niya. Napatingin ako sa taong gumawa non.

"Fly..."tawag ko, napairap siya at agad na kinuha ang susi sa mga kadenang naka kabit sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Hindi ba obvious na nililigtas kita?"pilosopong sagot niya.

"I mean, bakit?"tanong ko kaya tumingin sya sa akin na bored na bored.

"Baka kasi trip ko lang?"tanong niyang sagot saka umirap at pinag patuloy ang ginagawang pag aalis ng kadena sa akin.

"Boba, malamang, kailangan mo pang iligtas si Dark sa Moonjail at maka alis dito."sabi niya at ng matanggal na lahat ng kadena ay tumayo siya saka tumingin sa akin.

"Tara na."sabi niya, napa lunok ako.

"H-hindi ko maramdama ang katawan ko."sabi ko kaya napatingin siya sa akin, tumingin siga sa gamit na nasa harap at napa mura.

"Tangina naman."bulong niya saka umupo sa tabi ko at inalalayan ako.

"Wag kang mag pabigat, para ma akay kita."sabi niya at tinulungan akong naka tayo. Paika ika kaming nag lakad palabas ng room ba iyon, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero isa lang ang alam ko.

Kaaway sila Admin at admiral, inosente sila Shadow at Red, at kailangan naming iligtas sila Dark at Rain.

Kailangan ding managot ng taong pumatay kay Zero, at sabay sabay kaming lalabas sa impyernong ito.

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon