MoonLight Academy 58

11.6K 259 11
                                    

Natatakot ako dahil nasira ko na ang tiwala ni Red. Ni hindi ko alam kung nasaan siya ngayun at kung sino ang kasama niya. Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin sa mga kasama namin. Alam ko na mali ang ipag tanggol si Dark, pero kailangan ko si Dark para malaman ang dahilan kung bakit ayaw ni Zero manalo ang Moonlight.

"Sobrang lalim naman ng iniisip mo." Dinig kong sabi ni Dark na nasa tabi ko, sa mataas na puno kami tumambay sapagkat ito lamang ang nakikita naming lugar na ligtas.

"Iniisip mo parin ba yung nangyard kanina? Bakit kasi pinag tanggol mo ako? Siguro crush mo ko no?" Sinamaan ko siya ng tingin, kahit kailan talaga ay hindi siya marunong mag seryoso.

"Asa."sabi ko at inirapan siya.

Huminga siya ng malalim.

"Hindi ako makapaniwala na mas pinili mong sumama saken kesa kay Red."sabi niya. Pati din naman ako ay hindi makapakiwala na nasaktan ko si Red.

"Alam kong may dahilan kung bakit ka sumama saken."sabi niya kaya lumingon ako sa kanya.

"Bakit ayaw ni Zero na manalo ang Moonlight?"tanong ko, napatingin siya sa akin na para bang gulat na gulat.

"Napanaginipan ko kayo, nag uusap. Ang sabi niya ay ayaw niyang manalo ang Moonlight at alam mo ang dahilan kung bakit ayaw niya manalo ang Moonlight."sabi ko saka umiwas ng tingin.

"Nong nakaraang araw din ng mag hiwalay tayo ng landas dahil sa halimaw ay nakita ko siya, at sinabing wag kong ipanalo ang Moonlight." Dagdag ko, tahimik lamang siya kaya naman muli ko siyang tinignan.

Nakatingin siya sa malayo, ngayun ay seryoso ang kanyang awra at malalim din ang naiisip.

"Dark, sabihin mo saken ang totoo, bakit ayaw ni Zero na manalo ang Moonlight?"tanong ko. Tumingin siya sa akin na puno ng pag aalala sa mata.

"Taon taon, pinag diriwang ang laro. Maliban sa tropeyo na mauuwi ay may iba pang papremyo na maaaring makuha kapag nanalo."sabi niya. Tumingin siya sa harap.

"Lahat ng nananalo sa MLA ay nag kakaruon ng tyansang makita si Hasreffa." Kumunot ang nuo ko. Sino yun?

"Sino siya?"tanong ko.

"Pinaka malakas na nilalang sa buong mundo, tinuturing na buhay na bathala."sagot niya.

"Kayang ibigay ni Hasreffa ang ano mang hihilingin ng isang nilalang, kaya niyang gawing sikat, bigyan ng maraming kayamanan, baguhin ang isang nilalang, bigyang ng kapangyarihan ang isang nilalang at ibalik ang mga nawala."kwento niya.

"Kung ganon, bakit ayaw ni Zero manalo ang moonlight?"tanong ko.

"Dahil ayaw niyang gawin ang inuutos sa kanya ng kanyang pamilya."sagot niya na nag patigil sa akin.

"Buong buhay ni Zero ay sinusunod niya ang kanyang Ama at Ina. Buong buhay niya, sunod sunoran siya sa kanila. Nais ni Mr and Mrs Steler na manalo ang Moonlight at hilingin ni Zero na makakuha siya ng malakas na kapangyarihan na mas hihigit kay Hasreffa." Pakiramdam ko ay nanghina ako sa sinabi ni Dark.

"Ngunit ayaw ni Zero gawin yun sapagkat alam niyang mali yun at may side effects sa kanya pag yun ang hiniling niya."sabi ni Dark.

"Alam niyang makakapanakit siya ng kapwa kung sakaling sinunod niya ang utos ng magulang niya."sabi ni Dark saka tumingin sa akin.

"Kaya pala ayaw ni Zero na manalo."sabi ko at napa yuko.

Naaawa ako para kay Zero, lahat ng nais ng magulang niya ay sinusunod niya pero ayaw niya itong gawin. Pero isang tanong na naman ang sumagi sa isip ko.

"Ngayun, porsegido sila Mr and Mrs Steller na manalo dahil may nais silang hilingin kay Hasreffa." Napatingin ako kay Dark.

"Ano?"tanong ko.

"May nais silang pabalikin." Sagot niya na nag pagulo sa akin.

"Sino?"tanong ko. Nag kibit balikat lang siya at hindi sinagot ang tanong ko.

"Kung ayaw mong sagutin kung sino ang nais nilang pabalikin ay sabihin mo na lamang sa akin kung nasaan si Zero."sabi ko. Nanatili siyang tahimik habang naka tingin ng seryoso sa harap.

"Dark--"

"Hindi ko alam Moon." Seryosong sagot niya saka lumingon sa akin.

"Hindi ako ang tamang tao para pag tanungan mo ng bagay na iyan" sabi niya kaya napa yuko ako at nang hina.

Ang nais ko lamang ay malaman kung nasasaan si Zero at kung ayus lang ba siya, gusto kong malaman ang mga sagot sa tanong ko. Ang dami kong tanong pero hindi masagot sagot ni Dark, tanging si Zero lamang ang makakasagot nito. Bagay na hindi ko alam kung saan siya hahanapin at kung paano siya hahanapin.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon