Moonlight Academy 10

20.5K 553 28
                                    

Pag pasok namin sa salamin na hugis kahon ay may mga naka hilerang upuan sa gitna, bagay na hindi namin nakita kaninang nasa labas kami ng salamin na ito.

"Mag siupo kayo."sabi ni Admiral at pumwesto sa harap, umupo kami sa upuan na naka helera. Habang hawak hawak namin ang mga armas na kinuha namin, nag bukas naman ang projector at mula sa white board na masa harap namin ay nakita namin ang mga sandata na kinuha namin.

"Simulan natin sa sandata ni Red." Sabi ni Admiral at nag swipe sa hangin, napalitan naman ang larawan na nasa harap namin ng larawan ng sandata ni Red.

"Ang sandatang nakuha ni Red ay ang 9.dy Canyon, isang sandata na nag lalabas ng bomba at bala ng baril." Paliwanag ni Admiral at nag swipe ulit sa hangin at doon nakita namin ang tatlong button sa armas na kinuha ni Red.

"Ang unang button ay para sa first skill, it means minimum power lang ang papakawalan ng kanyon na yan, pero sa kada minimum power na papakawalan niyan ang syang unti unting pag daloy ng electricity sa second skill." Sabi ni Admiral at nag swipe sa hangin. Nakita namin ang second skill na sinasabi ni Admiral.

"Kapag napuno ang kulay puti na nasa taas ng button ng second skill, ibig sabihin non ay pwede mo nang gamitin ang second skill which is ang pag papakawala ng mga bala ng baril." Sabi ni Admiral at muli na namang nag swipe sa hangin.

"At gaya ng first skill, ang second skill ay mag rerecharge ng energy papunta sa third skill kung saan pag napuno ang kulay pulang nasa taas ng buton ay magagamit mo na ang third skill, which is ang pag papakawala ng isang bomba na mas malakas pa sa nuclear bomb." Sabi ni Admiral at nag play ng video.

Sa video makikita ang kung paano magkaruon ng damage ang target, napalunok ako ng makita ko kung paano nagka lasog lasog ang katawan ng isang hayop ng gamitin ang third skill ng weapon ni Red. Biglang namatay ang video at napalitan ng picture ng weapon na hawak ni Cloud ngayun.

"Ang susunod ang Card of Ace 3.y caliber." Sabi ni Admin at nag swipe sa hangin.

"Ang Card of ace ay kakaibang sandata na nakatago sa anyo ng baraha. Meron itong apat na skill depende sa nag hahawak kung kaya niyang gawin ang pang apat na skill pero dumako tayo sa unang skill. Ang unang skill ay ang pag lalabas ng blades sa baraha."sabi ni Admin at nag swipe sa hangin, napalitan ang picture na naka display, ngayun nakikita namin ang baraha na may mga blades sa gilid.

"Ang mga barahang may diamonds ang first skill, sa pag hagis sa ere lalabas ang blades na nakatago sa baraha. Habang ang mga baraha na may hugis heart naman ang second skill, dito ang mga barahang iyan ay nagiging bomba." Paliwanag ni Admin at nag swipe sa hangin. Nakita namin ang isang video kung saan inihagis ng isang nilalang ang baraha na may hugis puso sa ere at dahan dahang naging bomba, napa pikit ako sa lakas ng pag sabog ng baraha na iyon.

"Ang third skill naman ay ang mga barahang may tatak na flower. Kung saan ang baraha ay pwede mong utusan sa kung anong nais mong bagay pero tandaan mo Cloud, na ang barahang hawak mo ay nakakamatay parin kaya dapat mag ingat ka." Sabi ni admin at nag swipe ng pic.

"Ang last skill naman ay ang barahang may hugis ace at ang Joker. Sa last skill pwede kang maging invisible gamit ang last skill, pwede mo ding makontrol ang isang nilalang kapang ang joker na baraha ay idinikit mo sa nuo ng nilalang na nais mong kontrolin." Sabi ni Admin kaya natawa si Cloud.

"Kung sinu-swerte ka nga naman, mag handa handa ka na Red." Sabi ni Cloud pero nag bad finger lang si Red sa kanya at inirapan siya.

"Hindi lang ang pag gamit ng baraha ang ituturo namin sayo Cloud dahil pati ang bilis at liksi sa pag kilos ay dapat mong matutunan, dahil ang hawak mong sandata ay ang sandata na nararapat sa isang Speed user." Sabi ni Admin.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon