MoonLight Academy 23

14.9K 413 8
                                    

"Moon sa likod!" Napalingon ako sa likod ko at agad na pinana ang kamukha ni Shadow na pasugod sa akin, agad namang tumama ang arrow sa ulo ng kamukha ni Shadow kaya bumalik ang paningin ko sa harap at agad na umamba ng pana ng biglang tumalon mula sa likod ko si Star at pinatay ang kamukha ni Rain.

Naka ngiti kong binaba ang pana ko ng dahan dahang nag bago ang paligid namin hanggang sa nakita na namin sila Admiral at Admin na naka ngiti habang hawak ang remote ng simulator.

"Nice one guys." Bati ni Admiral at pumalakpak.

"Masaya kong sasabihin sa inyo na kami ay pinahanga niyo." Sabi nito. Napangiti naman kami.

"Kabisado niyo na kung paano gamitin ang mga sandata niyo." Nakangiting sabi ni Admin.

"Bukas ay panibagong training ang gagawin niyo at aasahan ko na tuturuan niyo si Red sa mga nakaligtaan niyang training." Sabi ni Admiral. Napa taas ng kamay si Ice.

"Makaka labas na po ba si Red sa Moon Jail?" Tanong ni Ice kaya napa tingin kami kila Admiral.

Sabay na tumango ang dalawa kaya napa tingin ako sa mga kasama ko.

"Kailangan nating pag handaan ang pag babalik ni Red." Sabi ko kaya napatingin sila sa akin.

"Lulutuan mo ba ulit kami ng pancit?" Sabay sabay na tanong nila.

"Gusto niyo ba?" Tanong ko, sabay sabay silang tumango kaya natawa ako.

"Kung ganon, maari na kayong bumaba para gawin ang nais niyo." Sabi ni Admiral, nanguna naman si Star sa pag lalakad.

"Kailangan ba nating bonggahan ang sala para naman matuwa si Red?" Tanong niya habang nag lalakad.

"Ako ng bahala sa decorations." Sabi ni Ice.

"Bakit ba tayo mag hahanda eh si Red lang naman yun?" Tanong ni Cloud.

"Ano ka ba, mahilig si Red sa mga surpresa. Natatandaan ko pa nga nong unang beses siyang sinurpresa ng ex niya." Kwento ni Rain.

"May ex pala yun?" Tanong ni Cloud.

"Oo, pero wala na sa Moonlight yung Ex niya." Sabi naman ni Shadow.

"Baka hindi pa nakaka move on yung pula na yun kaya laging mainit ang ulo non?" Tanong ni Cloud.

"Sows, may gusto ka ay Red 'no?"Tanong ni Star kaya napatigil sa pag lalakad si Cloud at napatingin kami sa kanya.

"Hindi ka ba nandidiri?" Tanong ni Cloud.

"Sows, guys may chika ako, alam niyo ba kagabi napadaan ako sa kwarto ni Cloud. Saktong naka bukas yun tapos narinig ko sinasabi niya yung pangalan ni Red." Natawa ako ng biglang habulin ni Cloud si Star.

Isang linggo na ngayun ang nakakaraan simula ng parusahan si Red na makulong sa Moon Jail. Isang linggo na din ang nakalipas ng iwan ako ni Zero, simula non ay hindi ko na sya nakikita at masakit para sa akin yun sa pagkat siya na lamang ang nag iisa kong kakampi pero iniwan niya ako.

Sa loob ng isang linggo ay nag sanay kami kung paano namin magagamit ang mga armas nmin at nakakatuwa naman dahil ngayun ay sanay na kami kung paano gamitin ang mga sandata namin, maliban nalang kay Red na naka kulong sa Moon jail.

Si Shadow naman, lagi niya akong kinakausap at kinukulit kaya medyo nasanay na ako na wala si Zero.

"Oo nga pala naalala ko." Sab ni Ice at naunang lumabas mula sa elevator.

"Sa susunod na araw, anniversary ng Moonlight." Sabi ni Ice kaya napa tingin ako sa kanya.

"Hala oo nga! nawala sa isip ko, may susuotin na ba kayo?" Tanong naman ni Rain.

"Ako oo, sure din naman na meron na si Red pero Si Moon at Cloud." Napatingin sila sa akin, habang si Cloud naman ay napatigil sa pag habol kay  Star ng marinig ang pangalan niya.

"Bakit? Ano bang meron?" Tanong ko, napa tampal si Rain sa nuo.

"Tuwing Anniversary ng Moonlight, may malaking pag diriwang na nagaganap at bukas sure ako na uuwi sila Mr and Mrs Steler." Sabi ni Shadow at naupo sa sofa.

"At kailangan mo ng Gown Moon, may royal dance na magaganap tuwing 12 ng madaling araw." Sabi ni Ice.

"Hindi nalang siguro ako sasama sa--"

"Mag tigil ka nga Moon, sasama ka. May gown pa naman ako jan kaya naman sasama ka." Sabi ni Rain.

"Sa tingin ko ay sa anniversary din ididiwang ang kaarawan ng anak nila Mr at Mrs Steler." Napatingin ako kay Shadow ng sabihin niya yun. Naka tingin siya sa akin kaya naman agad akong nag iwas ng tingin.

Naruon si Zero, ibig sabihin ay makikita ko siya don, mag kikita kami.

"Sa tingin ko din, nakaka stress naman kasi ang naganap sa laro noon kaya sigurado ako na uuwi ngayun sila Mrs at Mr Steler." Sabat naman ni Rain.

"Mag papalit lang ako ng damit, tapos mag luluto na ako." Sabi ko, tumango sila.

"Sa tingin mo ba ay pupunta din si Fly?" Dinig kong tanong ni Ice.

"Siguro? Malamang oo birthday ni Zero eh." Hindi ko na narinig ang ibang usapan nila ng mag sara ang pinto ng elevator.

Sino si Fly?

At anong koneksyon nito kay Zero?

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon