Moonlight Academy 6

26.2K 782 75
                                    

Nakaka lula ang laki ng tinatapakan kong lugar ngayun, parang isa na siyang maliit na private school sa laki nito. Mula sa mga mamahaling bagay na naririto ay ramdam na ramdam ko ang pagiging hampas lupa ko habang pinag mamasdan ko ang laki at lawak at ganda ng lugar na ito.

Ang mga kasama ko naman ay naka upo sa mahabang sofa kaharap napaka laking tv. Para na itong sinehan sa laki ng Tv na ito. Ang sabi ni Admiral ay nasa ikatlo at ikalawang palapag ang mga kwarto namin.

Ang mga kwarto ng babae ay nasa ikalawang palapag ng facility at ang ikatlong palapag naman ay kwarto ng mga lalaki.

May Elevator din sa gilid dahil ang Facility daw ay may anim na palapag.

"Moon." Lumingon ako sa tumawag sa akin pero wala namang tao sa likod ko, maya maya pa ay may kumalabit sa akin sa likod ko at pag tingin ko sa likod ko doon ko nakita si Zero na nakangiti, naririto ako sa kusina ng Facility dahil nililibot ko nga ang kabuohan ng Facility.

"Zero, buti naririto ka. grabe ang yaman niyo pala." Sabi ko at muling pinag masdan ang kabuohan ng Kusina, kasing laki ito ng isang kwarto sa mga hotel kaya naman talagang malawak ang kusina.

" Bagay pala sayo ang uniform ng Moonlight e." Sabi nya kaya naman napangiti ako at tumingin sa kanya.

"Salamat." Sabi ko.

"Mas lalo kang gumanda." Sabi nya, sa hindi ko alam na pagkakataon bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang pisngi ko.

"S-salamat." Utal kong sabi at nilihis ang paningin.

"Moon." Napatingin kami ni Zero sa tumawag sa akin, si Shadow.

"Hinahanap ka ni Admiral, may sasabihin daw kasi siya sa atin." Sabi niya.

"Ano bang ginagawa mo jan?" dagdag niya.

"Nag lilibot lang ako." Sabi ko.

"Sus, gutom ka na ata." Sabi niya at natawa.

"Hoi, hindi ah. tara na nga. Ze--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang mawala.

"Hoi ano?" Tanong ni Shadow, tumingin ako kay Shadow at doon nakita ko si Zero na nasa likod niya at sumisenyas na pumunta na kami doon sa sala.

"Tara na nga." Sabi ko at naunang mag lakad.

"Hoi pikon HAHAHHA!"tawag ni Shadow sa akin. Hindi ko na sya pinansin at agad na umupo sa tabi ni Rain .

"HAHAAH Si Moon nakita ko sa kusina, gutom na ata." Sabi ni Shadow.

"Kakakain lang naten gutom ka na agad?" Tanong ni Rain sa akin.

"Hoi hindi ah, sadyang nag lilibot lang ako." Sabi ko at tinignan si Zero na nasa tabi ni Admiral.

"Bali bukas mag sisimula na kayo sa training niyo." Sabi ni Admiral.

" Ngayun, napagkasunduan namin ni Admiral na since kayo ay mag sisimula na sa training nyo bukas, mag papapunta nalang kami ng mga teacher dito upang turuan kayo sa mga subjects niyo." Sabi ni Admin.

"Hindi porket kayo ay sasali sa laro di ibig sabihin non na hindi na kayo mag aaral, As a student of Moonlight, hindi puro kapangyarihan ang papairalin natin. Kailangan din natin gamitan ng logical ang bawat kilos na gaagwin natin lalo na kayo dahil sasabak kayo sa laro." Sabi ni Admiral.

"Gusto naming ipaalam sa inyo na sa oras ng laro niyo dapat gamitin niyo din ang inyong mga talino at lakas. Dahil isang malaking kahihiyan kung matatalo ang Moonlight." Sabi ni Admin.

"Kung isang kahihiyan pala ang matalo ang Moonlight, bakit kumuha ka pa ng dalawang nilalang na siyang mag papatalo sa amin sa laro?" Pilosopong tanong ni Red. Umiwas lang ako ng tingin ng biglang tumingin sa akin si Zero.

"Wag mong pansinin ang babaeng yan." Sabi ni Zero sa aking isip, tumango lang ako.

"Hoi babaeng pula ang buhok, saka mo na kami husgahan kung ikaw na ang pinaka makapangyarihang nilalang sa mundo natin." Sabi ni Cloud na siya namang nagpa triggered kay Red.

"Talaga bang---"

"Talaga bang hindi ka tatahimik Red? unti nalang ay mapipilitan na kaming ilagay ka sa Moon Jail." Sabi ni Admiral kaya napairap si Red at nanahimik.

"Bali mahahati ang oras niyo, sa umaga ay mag sasanay kayo at pag dating sa hapon ay mag aaral kayo." Sabi ni Head admin.

"May mga tanong pa ba kayo?" Tanong ni Head admiral.

Bakit kaya nakahiwalay si Zero sa amin? Hindi ba dapat ay kasama namin siya?

Itataas ko na sana ang aking kamay upang mag tanong ng may sinabi si Zero sa aking isip.

"Sapagkat ayaw ng magulang ko na may iba akong kasama. Ang nais nila ay nasa building lamang ako at doon mag sanay."

"Moon may itatanong ka pa ba?" Tanong ni Admiral sa akin, tumingin ako sa gawi ni Zero na umiling kaya naman umiling din ako.

"Kung ganon ay malaya na kayong libutin ang buong Facility at pagkatapos ay malaya na kayong gawin ang inyong mga nais. Akin lamang sasabihin na maaga kayong matulog ngayun upang ang inyong mga katawan ay makapag pahinga ng mahaba," Sabi ni Admiral kaya naman tumango tango kami.

"Babalik na kami sa aming office dahil madami pa kaming dapat gawin." Sabi ni Admin.

"Salamat po." Sabi ko at ngumiti, ngumiti din sila sa akin bago sila mag lakad palabas sa facility.

"Hoy teka saglet lang sama ako!" Sigaw ni Star sa kanila na ngayun ay naka sakay na sa elevator.

"Ikaw Moon?" Tanong ni Ice sa akin. Umiling ako.

"Lilibutin ko muna itong baba." Sabi ko. inirapan muna ako ni Red bago niya isara ang pinto ng Elevator.

Ngayun, kami na lamang dalawa ni Zero ang naiwan dito sa sala.

"Anong oras ka uuwi sa building niyo?"Tanong ko.

Umupo siya sa sofa na kaharap ko saka sumadal doon.

"Maya maya pag tapos na nating libutin itong Facility." Saabi nya kaya napangiti ako.

"Sasamahan mo ako mag libot?"Tanong ko.

"HMM, saka may ipapakita ako sayo kaya sasamahan talaga kita." Sabi niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Sya nga pala, bakit ba bigla bigla ka nalang nawawala ?"Tanong ko.

"Part ng kapangyarihan ko ang pag teteleport." Sagot niya.

"Talaga? Ang lakas mo naman pala." Sabi ko. Natawa siya.

"Alam mo ba na may Hidden Garden dito?"Tanong niya kaya namilog ang mata ko sa sinabi niya.

"Gusto mong makita?"Tanong niya, Tumango tango ako.

lumapit siya sa akin at nilahad ang kanyang kamay sa harap ko, nagulat pa ako sa ginawa niya ngunit agad ko ding tinanggap ang kanyang kamay.

"Humawak ka lang, mag teteleport tayo." Sabi niya saka kumindat.

~

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon