MoonLight Academy 77

12.2K 229 29
                                    

Tahimik lamang ako habang naka sandal sa pader at nakatingin sa mga studyanteng nag lalakad palabas ng room nila.

Kanina pa ang labasan namin, agad akong nag tungo dito sa classroom nila Dark para abangan siyang lumabas, gusto kong mag sorry sa mga sinabi ko kagabi sa kanya.

Masyado akong pasikot sikot sa mga sinabi ko at di manlang nag iisip kagabi.
Naguguluhan ako kung sino ang papaniwalaan ko, hindi ko alam kung sino ang susundin ko.

Bakit naman sasabihin ni Shadow na patay na ang kanilang mga magulang kung ang totoo ay buhay ang mga ito at kasana si Dark?

Ang daming gumugulo sa isip ko, kung hindi ako mapapatawad ni Dark sa mga sinabi ko ay malamang wala akong ibang magagawa kundi ang lumapit kay Fly para alamin ang katotohanan.

Naiyukom ko ang palad ko habang naka tingin sa harap. Sa oras na malaman kong ginagamit lamang nila ako bilang instrumento sa pag buhay kay Zero at pag papatuloy ng kanilang plano ay sinisigurado kong buong Moonlight ang mawawala.

Biglang sumagi sa isip ko si Shadow at Red, Hindi ko din alam ang maaari kong magawa sa kanila sa oras na malaman kong may alam sila sa pina plano ni Admiral at admin.

"Moon.." biglang napukaw ang aking isip at natuon kay Shadow na naka tayo sa aking harapan.

"Buhay pa ang mga magulang namin Moon."

Itinago ko sa aking bulsa ang nakayukom kong palad.

"Anong ginagawa mo dito? hindi ito ang building ng classroom mo hindi ba?" Tanong niya, tumingin ako sa classroom nila Dark na hindi parin nag papalabas ng studyante.

"May inaabangan ako." Sabi ko at tumingin sa kanya.

"Sino?"Tanong niya.

"Bakit ka nandito?"pag iiba ko sa usapan.

"Pupuntahan ko sila Red at Star, pinapatawag sila ni Admiral." Sabi niya kaya ngumiti ako.

"Sige na, puntahan mo na. Baka importante ang sasabihin ni Admiral sa dalawa."Sabi ko, sumingkit ang kanyang mata, kaya natawa ako.

"Kapag may oras ako mamaya, mag de-date tayo." Sabi ko na nag patigil sa kanya, nanlaki ang kanyang mga mata at biglang umukit ang ngiti sa kanyang labi.

"T-talaga?"Tanong niya, tumango tango ako bilang sagot. Agad niya akong hinila at niyakap na nag patigil sa akin, napalunok ako at biglang nawala ang kuyom sa aking kamay.

"Sige... Bye."Naka ngiti niyang sabi saka kumalas sa yakap at tumakbo palayo sa akin, napa buga ako ng hangin habang naka tingin sa daang dinaanan niya.

"Hindi ba kayo aware na bawal ang PDA dito?" Napalingon ako sa nag salita, napalunok ako ng makita ko si Dark na naka tayo sa pinto ng classroom nila at malamig ang awra, parang nawala ata ang dila ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Huminga sya ng malalim at tumalikod sa akin.

"Dark.."Tawag ko kaya natatali siya sa kanyang puwesto habang naka talikod.

"P-puwede ba tayong mag usap?" Tanong ko at napalunok, bakit ba ako kinakabahan sa lalaking ito?

"Busy ako, wala akong oras." Malamig pa sa ice na sabi niya. Akmang mag lalakad na siya palayo ng tawagin ko ulit siya.

"Sandali lang Dark." Sabi ko at nag lakad palapit sa kanya, nanatili siyang nakatalikod sa akin kaya napalunok ako.

Kung anong kinatangkad ng lalaking ito, ganon din ka taas ang pride nito. Bwiset.

"Tigilan mo pang lalait sa height ko, pandak."Kunot nuo akong pumunta sa harap niya at sinamaan siya ng tingin. Nakuha niya pa talagang basahin ang iniisip ko.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon