MoonLight Academy 51

12.3K 293 4
                                    

Minulat ko ang aking mga mata at ang kulay abo lamang na tuktok ng kweba ang aking unang nakita, sunod non ay ang anino ng isang nilalang. Ipinikit ko muli ang aking mata at huminga ng malalim, pakiramdam ko ay tumama sa isang matigas na bagay ang ulo ko.

Muli kong binuksan ang aking mata at nakita ang mukha ni Dark.

"Gising na siya." Sabi ni Dark habang naka tingin sa akin. Napa lunok ako at sunod kong nakita ang mukha ni Shadow, ngumiti ito sa akin.

"Good morning."sabi nito. Ipinikit ko ang aking mga mata, bakit ang sakit ng ulo ko?

"Kumain ka na Moon." Muli kong minulat ang mata ko saka dahan dahang bumangon sa hinihigaan ko. Tumingin ako sa paligid.

"Anong nangyare?"tanong ko at napa sapo sa ulo ko. "Bakit sumasakit ang ulo ko?"tanong ko at napa daing ng maramdaman ko na naman ang sakit.

"Wala namang nangyare."sabi ni Dark at inabot sa akin ang pagkain ko, tinanggap ko naman ito at saka tumingin sa dalawa.

"Anong nangyare sa ulo mo?"tanong ko habang naka tingin kay Shadow na may benda sa ulo, natawa siya at umiling.

"Habang tuloy ka ay sinapak ako ni Dark."sabi niya at natawa silang dalawa, kumunot ang nuo ko habang naka tingin sa kanilang dalawa.

"Moon... Tama na mapapatay mo na sila." Napa iling ako ng marinig ko ang boses ni Shadow.

"Oi, ayus ka lang ba?"tanong ni Dark sa akin, tumingin ako sa kanya at kay Shadow.

"May nangyare kagabi tama ba?"tanong ko, nagka tinginan sila saka sabay na yumuko. Tama nga ako, may hindi tamang nangyare kagabi.

"Anong nangyare?"tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ilang oras na lang ay mag iiba na naman ang tema ng laro--"

"Sagutin niyo ako, anong nangyare?"tanong ko.

"Wapa ka bang natatandaan Moon?"tanong ni Shadow.

"Mukha bang mag tatanong siya kung may naalala siya."sabi ni Dark kay Shadow saka tumingin sa akin.

"Ano ba talaga ang kakayahan mo?"tanong ni Dark sa akin na nag pabigla sa akin.

Kakayahan ko?

"Mag basa ng --"

"Maliban sa mag basa ng naiisip, ano pa?"putol niya sa akin. Kumunot ang nuo ko at tumingin sa ibang dereksyon, yun lamang ang kaya kong gawin. Ang mag basa ng isip.

"Yun lang ang kaya ko."sabi ko, agad na lumapit sa akin si Dark at tumingin sa akin ng seryoso.

"Hindi lang yun ang kaya mo Moon."sabi niya saka tumingin kay Shadow at napa lunok.

"Nakita mo yung sugat ni Shadow, ikaw ang may gawa non."sabi ni Dark kaya napa tingin ako kay Shadow na umiwas ng tingin.

"Kagabi, biglang nawala ang mga kapangyarihan namin, nagawa mong ibalibag sila Red sa isang kumpas ng kamay mo."sabi ni Dark kaya napatingin ako sa kanya.

Nagulat ako sa sinabi niya, ni hindi ko manlang maalala ang mga sinabi niya. Nagawa ko yun sa mga kaibigan ko?

"Muntik mo na silang mapatay Moon." Napalunok ako sa sinabi ni Shadow.

"Imposible--"

"Posible Moon." Putol ni Dark at hinawakan ang kamay ko.

"Nagawa mo ding kontrolin ang mga isip nila, kaya napaalis mo sila sa Kweba."sabi niya, wala akong masabi. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ang tanging alam ko lamang ay mag basa ng mga isip, hindi ko kayang manakit."sabi ko.

"Moon, posible yun. Posibleng natulog ng mahabang panahon ang kapangyarihan mo at kagabi lamang lumabas, maging kami ni Shadow ay nagulat sa ginawa mo."sabi ni Dark saka natawa.

"Sorry..." Umiling sila.

"Wag kang mag Sorry Moon, tama lang ang ginawa mo." Sabi ni Shadow na naupo sa harap ko.

"At least ngayun ay alam mo na ang tunay mong kapangyarihan."sabi ni Dark saka ngumiti.

"Pag natapos ang laro, sasamahan kitang sanayin ang kapangyarihan mo."sabi ni Shadow kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Sa ngayun, kailangan na nating umalis, ano mang oras ay maaaring may makalaban na naman tayo."sabi ni Dark saka inayos ang gamit niya, agad ko namang inubos ang pagkain ko saka inayos ang gamit ko.

Nag lakad na kami palabas ng Kweba, tahimik lamang at walang nag sasalita. Lutang pa ang isip ko dahil sa mga sinabi nila kanina. Hindi ako makapaniwala na bukod sa pag babasa ng isip ay may kaya pa akong gawin.

"Saglet." Napatingin ako kay Shadow na sumenyas na tumigil kami, napatingin ako sa paligid ngunit wala naman akong nakita na kakaiba.

Tumingin ako kay Shadow na kumuha ng bato saka hinagis sa harap namin, napa atras kami ng biglang mag bago ang lugar na nasa harap namin.

"Ihanda niyo ang gamit nyo, may makakalaban tayo." Sabi ni Shadow at agad na hinanda ang hawak niyang armas, inihanda ko na din ang hawak kong pana at palaso saka tinalasan ang pakiramdam.

"Ah!" Napatingin kami kay Dark na napa sigaw, may sugat siya sa kanyang kaliwang braso. Napa tingin kami sa paligid.

"Ang daya, invisible sila."sabi ni Dark habang naka hawak sa kamay niyang may sugat.

"Kung ganon ay kailangan nating talasan ang pakiramdam natin."sabi ni Shadow at dumikit sa amin ni Dark.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon