MoonLight Academy 24

15.1K 386 3
                                    

"Welcome Back!" Sabay sabay naming sigaw ng mag bukas ang pinto ng facility at niluwa non ang walang emosyon na si Red.

Nagulat naman siya at biglang napangiti ng makita kami, tama nga si Ice. Mahilig sa surpresa si Red.

"Oi himala ngumiti ang pula." Pang aasar ni Cloud kaya agad na nawala ang ngiti sa labi ni Red at masamang tinignan si Cloud.

"Kakarating ko lang mang aasar ka kaagad. Pwede ba tigilan mo muna ako engot?"inis na tanong ni Red.

"Bakit parang hindi ka naman nalungkot na nawalay ka samin at nakulong sa Moon jail?"tanong ni Ice. Napa tingin si Red sa kanya.

"Nag karuon ako ng katahimikan at kapayapaan simula ng napunta ako sa Moon jail." Sabi niya sabay tingin sa akin.

"Ang panget mo parin hampas lupa." Pang aasar niya saka ngumiti bagay na kinatawa ko.

"Kain na tayo, pinag handa kita ng pancit at garlic shrimp." Sabi ko.

Nakita ko ang excitement sa mukha niya pero inirapan niya ako at nag tungo sa dining area kung saan naruon ang unting handa na ginawa namin.

"After natin kumain, mag kwentuhan tayo. Madami kaming ikwe-kwento lalo na si Star." Sabi ni Rain sabay kindat kay Star.

"Bakit kailangang after pa kung pwede namang mag kwentuhan habang nakain?"tanong ni Shadow kaya lalong sumama ang tingin ni Cloud kay Star.

"Oo nga naman, Star diba may sasabihin ka?"tanong ni Ice habang natatawa, nag lagay na sila ng mga pagkain nila sa plato nila habang inaasar asar si Cloud. Natatawa nalang ako pag nakikita kong namumula na si Cloud hindi ko alam kung dahil ba sa kilig o dahil ba sa inis.

"Oo, alam mo ba sis here's the tea."sabi ni Star kaya natawa kami.

"Para kang bakla tanga." Sabi ni Red pero hindi siya pinansin ni Star at mas umakting pa ba bakla.

"You know what, Cloud likes you." Maarteng sabi ni Star dahilan para mabulunan si Red at mapamura ng malakas si Cloud.

Habang kami ay tawa lang ng tawa habang nakikita ang reaction ni Cloud sa ginagawang pang aasar ni Star.

"Mandiri ka nga tanga." Naka kunot ang nuo ni Red habang naka tingin kay Star.

"Sows, nag sasabi lang ako ng totoo, ito kasing si pareng Cloud ay walang balak na mag sabi sayo sapagkat siya ay isang torpe."pang aasar ni Star kay Cloud.

"Oh eh ano naman kung gusto ko siya? Ikaw nga crush mo si Moon eh." Sabi ni Cloud kaya natigil kami at mahabang katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Napatingin kami kay Red na natatawa.

"Gusto mo ako? Ulap?"tanong ni Red kay Cloud kaya mas lalo kaming natahimik.

"Hindi ko na uulitin ang sasabihin ko pula." Sabi naman ni Cloud at inirapan si Red na natawa.

"Nawala lang ako nagustohan mo na agad ako?"natatawang tanong ni Red. Para kaming nanunuod ng romance dahil sa dalawang nasa harap namin.

"Masyado ka kasing bida bida sa isip ko."banat naman ni Cloud.

"Pengeng atchara."pang eepal ni Star dahilan para batuhin siya ng kutsara ni Rain.

"Kahit kailan napaka laking panira mo." Sabi ni Rain kaya natawa si Star.

"Sows, sa simbahan din naman ang tuloy nyan pinapa haba lang ni Red ang prosisyon." Gatong ni Star na nag patawa sa amin.

"Sya nga pala, hindi totoo na crush ko si Moon ah, baka banatan ako ni pareng Shadow eh." Sabi ni Star na agad namang binatukan ni Shadow.

Ngayun, kami naman ni Shadow ang nasa hot seat dahil sa tingin ng mga kaibigan namin.

"Aweh? Crush ni Shadow si Moon?"tanong ni Rain.

"Mababa naman ang taste ni Shadow kaya wag na kayo magulat." Sabi ni Red.

"Kaya pala ha nong kelan natanaw ko kayo sa rooftop may pag yakap yakap ah, kayo na ba?"pang aasar ni Cloud na naki sali kay Star.

"Aweh Cloud nakiki sali, problemahin niyo love life niyo ni Red wag ka dito." Pang aasar ni Star. Natawa kami ng batuhin siya ng kutsara ni Cloud.

"Pero ano nga Shadow? Crush mo si Moon?" Tanong ni Ice. Napa tingin ako kay Shadow na katabi ko lang. Naka ngiti siya at napa tingin sa akin.

"Bakit, bawal ba?"tanong niya dahilan para mag hiyawan ang mga kasama namin.

"Moon, gusto kita."

"Gustong gusto kita, hindi ko alam kung paano pero simula ng makita kita noon gusto kitang yakapin."

Bigla akong napa iwas ng tingin ng maalala ko ang pag amin ni Zero sa akin. Muli akong naka ramdam ng sakit sa puso ng maalala ko kung paano niya ako iwan.

"Si Moon naman ang tanongin natin, Moon ikaw ba? Crush mo din si Shadow?" Tanong ni Ice sa akin. Bigla akong napa lunok at natawa.

"Nako, hindi. Para ko na siyang kapatid."sabi ko na kinatawa ng mga kasama ko.

"Boom, kapatid zone." Pang aasar ni Red.

Napatingin ako kay Shadow na may pilit na ngiti.

"Naiintindihan ko naman yun, saka alam ko naman na may ibang gusto si Moon." Sabi niya at napa tingin sa akin. Biglang natahimik ang mga kasama namin.

"May ibang gusto si Moon? Sino?"tanong ni Rain. Naka tingin lamang si Shadow sa akin at hindi sinagot si Rain.

"Ako ba yan? Nako Moon ha, hindi pa ko ready sa mga commitments." Sabi ni Star kaya natawa ako.

Muli akong napa tingin kay Shadow na naka tingin sa akin at sa pag kakataon na ito ay nabasa ko ang kanyang iniisip.

"Bakit siya?"

Napa lunok ako at napa iwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, sigurado akong nasaktan ko ang damdamin ni Shadow.

~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon