MoonLight Academy 27

15.1K 393 11
                                    

Akala ko ay hindi na siya tuluyang mag papakita sa akin, akala ko ay matitiis niya ng hindi ako makita. Pero heto siya, nasa harap ko naka ngiti habang may hawak na rosas. Nakatulog ba ako? Panaginip lamang ba ito?

"Akala ko tuluyan mo na akong iiwan." Sabi ko at napatakbo sa kanya saka siya niyakap. Narinig ko ang pag tawa niya habang yakap yakap siya.

"Akala ko ay nagalit ka sa akin." Sabi niya kaya tinignan ko siya.

"Nag tatampo lang ako dahil bigla mo na lamang akong iniwan, kung kelan kailangan ko ng kakampi ay saka ka nawala." Sabi ko. Muli niya akong niyakap.

"Dahil akala ko, pag hindi kita makikita ay mawawala ang nararamdaman ko para sayo." Sabi niya habang yakap ako.

"Akala ko din ay makaka buti para sa ating dalawa na layuan kita, ikaw lamang ang iniisip ko sa bawat pag lipas ng oras." Sabi niya. Bigla akong napa ngiti.

"Parehas pala tayo eh, simula nong umamin ka sakin di ka na mawala sa isip ko." Napatingin siya sa akin.

"Lagi kitang nakikita na kasama si Shadow, kaya imposible na hindi ako naalis sa isip mo Moon." Sabi niya, kumalas ako sa pag kakayakap saka nag cross arms.

"Hindi porket may kasama akong iba ay nalilimutan na kita. Ang hirap kaya maka tulog sa gabi ng iniisip kung bakit bigla bigla ka nalang mag papaalam ng ganon." Sabi ko.

"Kasi nga, ayokong masaktan ka sa huli kaya umalis ako." Sabi niya at inabot sa akin ang bulaklak na hawak niya, naka ngiti ko namang tinanggap yun at nilagay sa vase kung saan lahat ng bulaklak na binibigay niya sa akin ay naruruon.

Todo alaga ako sa mga ito kaya ang ganda nilang tignan ngayun.

"Bakit naman ako masasaktan?" Tanong ko, nag kibit balikat lang siya saka umupo sa sofa.

"Na miss kong kulitin ka." Sabi niya.

"Hindi ka na ba ulit aalis?" Tanong ko, umiling siya.

"Hindi ko kaya na may iba kang kasama eh." Sabi niya kaya natawa ako.

"Anong nakakatawa don? Ang sakit para sakin na makita ka na kasama si Shadow." Mas lalo akong natawa sa kanya.

"Seryoso ako." Dagdag niya.

"Kaya ba nag pakita ka na ulit sa akin dahil nakikita mo kami ni Shadow?" Tanong ko.

" OO." Sagot niya.

"Umamin siya sa akin na may gusto siya sa akin." Sabi ko.

"Alam ko, narinig ko yun." Kumunot ang nuo ko.

"Paano?" Tanong ko.

"Lagi nga kasi kitang sinusundan." Sabi nya. Kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.

"Invisibility." Dagdag niya kaya nawala ang kunot ng nuo ko.

"So ano sa tingin mo? okay ba siya? Mabait naman siya." Sabi ko.

"Ikaw ang bahala, puso mo naman yan. Hindi ko naman pwedeng turuan ang puso mo kung sino ang mamahalin mo." Sabi niya at nag seryoso.

"Basta wag lang ako ang mamahalin mo." Sabi niya.

"Bakit? Umamin ka na nga sakin eh, paano kung ikaw pala ang gusto ko?" Tanong ko, natahimik siya. Gusto ko sanang basahin ang iniisip niya pero hindi ko magawa. may humaharang.

Huminga siya ng malalim.

"Hindi tayo pwede." Sabi niya.

"Dahil ba sa estado ng buhay ko?" Tanong ko. Umiling siya.

"Hindi Moon, wala akong pake-alam sa estado ng buhay mo, sadyang hindi lamang tayo pwede para sa isa't isa."Sabi niya.

"Kung ganon, ano ang dahilan bakit pinipigilan mo ako na mahalin ka?" Tanong ko.

"Mahirap ipaliwanag Moon, hindi ko kayang sabihin sayo."Sabi niya. Huminga ako ng malalim, mukhang ayaw niya talagang sabihin sa akin ang dahilan.

"Kung ganon, hahayaan mo nalang ako na mag mahal ng iba?" Tanong ko, tumango tango siya.

"Ako lang ang pwedeng mag mahal sayo, hindi mo ako dapat mahalin ng pabalik Moon dahil ayokong sa huli ay ako ang makaka sakit sayo." Sabi niya.

"Hindi ko alam kung bakit ganyan ka." Sabi ko.

Ngumiti siya.

"HAHAHA basta, kahit anong mangyare, wag na wag mong hahayaan ang sarili mo na mahulog sa akin." Sabi niya at tumingin sa malayo.

"Bakit kasi ngayun ka lang dumating Moon." Dinig kong tanong niya.

"Bakit? huli na ba ako?" Tanong ko, tumingin siya sa akin saka ngumiti. Tumayo siya at lumapit sa akin saka ako niyakap.

"Mag pahinga ka na, mag kita na lamang tayo sa celebration bukas." sabi niya saka ako hinalikan sa nuo, bagay na mas nag pabilis ng tibok ng puso ko.

Makakayanan ko bang iligtas ang sarili ko? Makakayanan ko bang hindi mahulog kay Zero kung ganyan ang trato niya sa akin? Ang daya naman ata non na hindi ako pwedeng magka gusto sa kanya. Lalo pa ngayun na siya lagi ang naiisip ko.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon