Moonlight Academy 8

22.2K 627 23
                                    

Isang maliit na salo salo ang hinanda nila Ice at Rain, silang dalawa ang nag luto at nag handa dahil nais daw nila na mag celebrate kahit papaano. Hindi pa naman madilim ngayun pero ang daming pagkain na ang hinanda nila Ice at Rain.

"Oh, baka magutom ka pa niyan Moon ha." Pang aasar na naman ni Shadow, hobby niya ba talaga ang mang asar.

"Hiyang hiya naman ako sayo patpatin." Pang aasar ko.

"Alam niyo guys, jan nag simula ang mga alikabok sa bahay namin eh," Sabi ni Star at kumagat ng hotdog na hawak hawak niya.

"Ang haharot." Sabi ni Red sabay irap

"Cloud, harotin mo nga din 'to." Pang aasar ni Shadow kay Red. Tumaas ang kilay ni Red habang si Cloud naman ay nakatingin lang ng masama kay Shadow.

"Kuyugin si Shadow!" Sigaw ni Star habang nakataas sa ere ang kaliwang kamao.

"Ulol HAHAHAAHAHAH." Napangiti ako, masaya pala dito, akala ko ay puro pang lalait at pang mamaliit ang maabot ko dito, buti na lamang at hiwalay na ang building namin sa ibang studyante.

"Sya nga pala, nood tayo mamaya horror." Sabi ni Ice.

"Matutulog ako ng maaga." Mataray na sabi ni Red.

"Eh di kami nalang." Sabat naman ni Cloud.

"Hindi ba kayo nakikinig kay admiral?" Taas kilay na tanong ni Red.

"Nakikinig. Wala ba kaming sariling desisyon?" Balik na tanong naman ni Cloud.

"Alam mo, dapat hindi ka nalang nandito eh." Pikon na sabi ni Red kay Cloud.

"Oh, awat awat. Baka mauwi sa simbahan yan." Singit ni Star, sabay na tinignan ng masama nila Red at Cloud si Star. kaya naman tumingin sa akin si Star.

" Alam mo Moon, wag kang sisingit sa usapan ng dalawang pilosopo. Baka mauwi ka sa simbahan." Sabi niya na kinatawa ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mag papasalamat kay Cloud dahil imbes na ako ang pinag iinitan ni Red ngayun ay si Cloud na ang pinag iinitan.

"Hoi saan ka pupunta?" Taanong ni Ice kay Red na papaakyat sa hagdan.

"Malayo sa mga losers." Sagot ni Red habang nag lalakad, natawa nalamang kami dahil sa pag wawalk out ni Red.

"Pareng Cloud, wag mo kasing galingan ang pagiging pilosopo mo." Sabi ni Star at uminom ng juice.

"Oi, nakita niyo ba yung library sa taas? Pinuntahan namin ni Cloud kanina, inangkin ba naman ng kumag ang buong library, sabi niya siya lang daw ang may karapatan na mag basa doon." Sabi ni Shadow.

"Steler ka bro?" tanong ni Rain kay Cloud.

"Alam ko naman na wala sa inyo ang mahilig mag basa." Sabi niya saka sumandal sa upuan. Buong mag damag ay nag aasaran at nag bibiruan lamang kami habang si Red naman ay paminsan minsang bumababa para kumuha ng pagkain. Ito ang unang araw ko sa Moonlight, ang panget ng pag salubong sakin kanina pero dahil kila Rain at Shadow pati na din kay Zero ay naging maganda ang mga oras na nauubos habang naririto ako sa Moonlight.

Kinagabihan nga ay nanuod kami ng horror sa mala sinehan na TV dito sa facility, sumama na din sa amin si Red sapagkat nabobored daw siya sa kwarto niya at naririnig daw niya ang ingay na nililikha namin dito sa baba.

Kinabukasan ay nagising kami sa ingay ni Star, hindi namin namalayan na nakatulog kaming lahat dito sa sala. Kagabi kasi ay sobrang nakakatakot na palabas ang aming pinanuod at natatakot kaming mag situlog sa mga kwarto namin kaya naman dito nalamang kami sa sala natulog lahat.

"Tumayo kayo bilis si Admiral at admin nanjan na!" Sigaw ni Star sa amin, agad naman kaming naalarma at mabilis na inayus at niligpit ang mga kalat na ginawa namin kagabi.

"Yung kusina! Hoi Star mag hugas ka!" Sigaw ni Ice habang pinupunasan ang mahabang mesa.

" Ako na." Sabi ko at agad na tumakbo papunta sa kusina, napalunok ako sa dami ng hugasin. Parang hindi kami nag hugas ng isang lingo nito ah.

"Moon." Lumingon ako sa likod ko pero walang tao, may naramdaman akong kumalabit sa balikat ko ng dalawang beses kaya naman nilingon ko iyon at nakita si Zero na naka ngiti sa akin. Awtomatikong ngumiti ang labi ko ng makita siya.

"Zero, anong ginagawa mo dito?"Tanong ko.

"Nag jogging ako kanina, at naisipan kong dumaan muna dito para kamustahin ka." Sabi niya saka tumingin sa hugasan.

"Kailngan mo ng tulong?" Tanong niya.

"Nako wag na ayus na ako dito.Nakakahiya naman kung pag huhugasin namin ang anak ng may ari ng school na'to" Sabi ko, natawa siya.

"Parating na sila Admiral, papagalitan ka non pag nakita niya na madami kang hugasan kaya naman hayaan mo nang tulungan kita." Sabi niya, mag sasalita palang ako ng bigla niyang iangat ang kamay niya habang natutok sa mga hugasin, nanlaki ang mga mata ko ng kusang gumalaw ang mga plato at sa isang iglap biglang luminis ang buong kusina.

"Ang galing, Zero ang--"

"Ms Moon anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa likod ko kung saan may nag salita, doon nakita ko si Admiral na nakatayo habang nasa likod niya ang mga kasama ko na kanina lang ay mukhang nag aalala pero nong makita nila na malinis na ang kusina ay biglang napawi ang pag aalala nila.

"U-uminom po ng tubig?"Tanong kong sagot.

"Mag bihis na kayo, sisimulan na natin ang training niyo." Sabi ni admiral kaya tumango ako, tumingin ko sa pwesto ni Zero kanina pero wala na siya doon. Napatingin ako sa sala kung saan naruruon ang pinto at nakita ko siyang naruruon, nakatayo habang sumi-senyas na aalis na siya, dahan dahan akong tumango bilang pag sagot.

"Galingan mo."

Sabi niya sa aking isipan kaya napangiti, pinanuod ko pa siyang maglakad palabas ng facility bago nag tungo sa hagdan papuntang kwarto.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon