MoonLight Academy 73

11.3K 246 7
                                    

Tahimik lamang ako habang naka tingin kila Admin at Admiral na nag uusap sa harap ko, kung ano ang pinag uusapan nila, hindi ko alam. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang sinabi ni Rain.

Galit siya sa akin ngayun, at sa gagawin ko ay tingin niya isa akong halimaw. Huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana ng office ni Admiral.

Hindi ko na alam kung sino ang pakikinggan ko, kung sila Admiral at Admin ba o si Fly at Rain.

"Moon." Tumingin ako kay Admirap ng tawagin niya ako, ngumiti siya sa akin. "Handa ka na ba?"tanong niya, tumango ako bilang sagot.

"Pigilan mo muna ang nararamdaman mong galit kay Dark Moon."sabi ni Admin at hinawakan ako, may kung anong enerhiya ang tila pumasok sa katawan ko ng hawakan niya ako, napa kunot ang nuo ko at napa tingin sa kamay niyang naka hawak sa akin.

Ano ang bagay na pumasok sa katawan ko?

"Hindi dapat masira ang plano natin, aakto ka na hindi mo alam na naririto si Dark, hanggat hindi pa natin nabubuhay si Zero, hindi mo pwedeng patayin si Dark naiintindihan mo ba Moon?"tanong ni Admin sa akin. Napa lunok ako at tumango tango, ngumiti siya sa akin at tumingin kay Admiral.

"Ginagawa ka nilang Halimaw." Naiyukom ko ang palad ko at pinigilan ang sariling mag tanong ng kung ano anong bagay kila Admiral, dahil alam ko na hindi din naman nila ito sasagutin.

"Pumunta ka na sa hagdan ng entrance Moon, salubungin mo doon si Dark pero tandaan mo, hindi dapat malaman ni Dark na alam mong dadating siya."sabi ni Admiral, tumango ako at tumayo saka nag lakad palabas sa office nya.

Pagka sarado pa lamang ng pinto ng kanyang office ay agad na sumalubong sa akin si Fly na may ngisi sa labi.

"Alalahanin mo ang kasunduan Moon, aalamin mo ang lahat bago ka kumilos."sabi niya saka ako tinapik sa balikat at nag lakad palayo sa akin. Napa tigil ako at napatingin sa pinto ng office ni Admiral. Saka tumingin kay Fly na nag lalakad palayo sa akin.

Hindi ko alam kung sino ang susundin ko.
Huminga ako ng malalim saka nag lakad papunta sa hagdan malapit sa entrance, kumuha ako ng libro ng may madaanan akong bakanteng room kung saan meron ilang libro.

Tumingin ako sa bintana at nakita ang isang itim na sasakyan na papasok sa entrance gate ng Moonlight. Mukhang ito na ang sasakyan ni Dark, mukhang naririto na sa muli sa Moonlight si Dark.

Umupo ako sa isang bahagi ng hagdan sa gilid nito at sinimulang mag basa kunwari, pero kahit anong gawin kong pag focus sa pag babasa ko, hindi mo absorbed ng utak ko ang mga letra at mga sinasabi ng libro.

Napa pikit ako.

"Ginagawa ka nilang halimaw, at yun ang ayaw mangyare ni Zero." Napa higpit ang hawak ko sa libro. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Fly kung ano ang ibig sabihin non, ang lahat ng gagawin ko ay para kay Zero, kaya paanong ayaw ni Zero ang lahat ng mga gagawin ko?

"Grabe, pagka dating ko dito si Zero agad laman ng utak mo." Napatigil ako sa pag iisip at napa tingin sa nag salita sa harap ko. Si Dark, naka suot siya ng uniform na pang Moonlight habang naka tingin sa akin.

Mas lalong humigpit ang pagkaka hawak ko sa libro ng makita ko ang ngiti niya.

"Si Dark ang pumatay kay Zero."

"Na miss mo ba ako?"naka ngiti niyang tanong habang naka tingin sa akin. Agad kong binitawan ang librong hawak ko at sinugod siya saka marahas na sinandal sa pader at sinakal. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"M-Moon..."

"Hindi dapat masira ang plano natin, aakto ka na hindi mo alam na naririto si Dark, hanggat hindi pa natin nabubuhay si Zero, hindi mo pwedeng patayin si Dark naiintindihan mo ba Moon?"

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon