MoonLight Academy 62

11.6K 301 9
                                    

Agad na umatake si Red sa isang studyante ng Leviticus ng makalapit kami, agad akong tumulong kay Red ng may isang studyante mula sa kanyang likod ang balak na patayin siya.

Puro depensa lamang ang aking ginagawa, hindi ko ginagamit ang aking kapangyarihan o sandata sa kanila dahil wala akong balak na makipag patayan sa kanila.

Napatigil ako at napatingin sa oras, sampong minuto na lamang ang natitira ay guguho na ang maze.

Napatingin ako sa Base, mula dito ay natanaw ko si Dark na nakikipag laban kay Shadow, agad akong tumakbo papunta don at humarang kay Shadow.

"Ako na ang bahala sa kanya."sabi ko kaya napatingin sa akin si Shadow at tumango, iniwan niya kami ni Dark at tinulungan si Rain.

Napatingin ako kay Dark na nakatingin sa akin.

"Kailangan nating umarte na nag lalaban tayo Dark." Sabi ko at tinutok sa kanya ang palaso ng pana ko, natawa siya at tinutok sa akin ang spadang hawak niya.

"Pag tapos ng laro na ito ay maaari na tayo maging artista, masyado tayong magaling umarte."sabi niya, napangisi lang ako at sumugod sa kanya.

"Isipin mong nasa ensayo lamang tayo, at tanging pag galaw ng sandata lamang ang gagawin natin."sabi ko, muli siyang natawa.

"Baka nakakalimutan mong sampong minuto na lamang at mawawasak na ang maze."sabi niya at sumugod sa akin.

Agad akong umilag at sinipa siya sa tyan dahilan para mapadaing siya sa sakit.

"Aray! Akala ko ba walang pisikalan?"tanong niya, natawa ako.

"Pasensya ka na ha, God bless."sabi ko at muling sumugod sa kanya, sa pag kakataon na ito ay nakailag siya, agad niyang hinigit ang bewang ko at pumunta sa likod ko saka ako tinutukan ng patalim sa leeg.

"Ganap na ganap ba natin ang pagiging magka away?"bulong niya, agad ko siyang siniko sa kanyang tyan at inagaw ang patalim na hawak niya saka tinutok sa kanya, agad kong sinipa ang kamay niyang may hawak ng spada dahilan para mabitawan niya ito.

"Itulak mo ko, tapos tumakbo ka papunta sa Base."sabi niya, agad akong tumango at sinunod ang sinabi niya. Agad ko siyang tinulak dahilan ng pagka upo niya sa lapag, tumakbo ako palapit sa base saka gumawa ng unting damage.

Naramdaman ko ang enerhiya ni Dark sa aking likod, napatingin ako sa mga kasama namin na abala sa pakikipag laban, tumingin ako kay Dark na ngayun ay nasa tabi ko na.

"Itulak mo ko, lakasan mo."sabi ko, kumunot ang nuo niya.

"Ayoko nga, hindi ako nananakit ng babae."sabi niya. Napairap ako.

"Bilisan mo nalang."sabi ko, labag man sa kanyang loob ay tinulak niya ako gamit ang kanyang kapangyarihan, dahilan para tumilamsik ako pababa ng base.

"Moon!"dinig kong sigaw ni Shadow at agad na lumapit sa akin, tinulungan niya akong tumayo.

"Ayus ka lang ba?"tanong niya, tumango ako at tumingin sa gawi ni Dark na sinisira ang base.

"Okay lang ako."sabi ko at muling nag lakad paakyat ng base. Napatigil ako ng makita ko si Red mula sa likod ni Dark, hawak nito ang kanyang kanyon at nakatutok ito kay Dark.

Agad akong tumakbo palapit kay Dark na abalang sinisira ang base at hindi alam na nasa likod niya si Red.

"Dark!"sigaw ko ng makita ko ang pag labas ng bala ng kanyon ni Red. Agad kong ikinompas ang kamay ko habang nakatingin sa bala ng kanyon ni Red, agad itong umiba ng dereksyon at unti unting naging pulbos.

Kunot nuong napatingin sa akin si Red.

"Anong ginawa mo?"tanong niya, napalunok ako. Sira na ang plano.

"Sa huling pag kakataon ay pinag tanggol mo ulit siya."puno ng galit na sabi ni Red at nag bato ng apoy sa gawi ko.

Agad akong umiwas at muling binalik ang tingin kay Dark na nakatingin na sa akin.

"Ituloy mo lang." Sabi ko sa kanyang isip kaya muli niyang pinag patuloy ang pag sira ng base.

"Moon traydor ka!"sigaw ni Red kaya muling napasakanya ang aking atensyon.

"Red... I'm sorry...."sabi ko, umiling iling siya.

"Sabi ko na nga ba, kaya masama ang kutob ko sayo una palang dahil alam kong ikaw ang magiging dahilan kung bakit mahihirapan kaming manalo" sabi niya at muling nag pakawala ng apoy sa gawi ko.

Tanging pag ilag lamang ang ginawa ko, habang palapit siya ng palapit ay palayo naman ako ng palayo. Ayokong patulan si Red, dahil alam kong masasaktan ko lamang siya pag pumatol ako sa kanya.

"Red hindi tayo pwedeng manalo." Mas lalong lumaki ang apoy na pinapakawalan niya sa dereksyon ko ng sabihin ko ang salitang iyon.

"Nag papatawa ka ba ha?!"sigaw niya at isang malaking malaking apoy ang ginawa niya saka binato sa akin, sa pag kakataon na ito ay kinulang ang pag iwas ko dahilan para mapa upo ako sa lupa at mapatingin sa kanya.

Puno ng galit at gigil ang kanyang mata.

"Moon, kailangan kong manalo dahil may mga bagay akong nais gawin at nais hilingin, mahalaga sakin ang manalo dahil may isang nilalang akong nais pabalikin Moon. Tapos sasabihin mo na hindi tayo pwedeng manalo?! Nasaan ba ang utak mo Moon?!"sigaw niya at sinakal ako. Napa hawak ako sa kamay niyang naka sakal sa akin at pilit na kumakalas ngunit masyado siyang malakas.

"Kung ikaw lang din naman ang dahilan kung bakit hindi mananalo ang Moonlight, pasensya na pero kailangan na kitang patayin."sabi ni Red at nag labas ng patalim, agad ko siyang sinipa sa kanyang tyan dahilan para mabitawan niya ako, hinabol ko agad ang hininga ko at akmang tatayo ng mag patama siya ng apoy sa aking paa.

Napadaing ako sa sakit ng maramdaman ko ang mainit niyang apoy. Agad siyang tumayo at tumakbo palapit sa akin, napapikit ako ng makita kong itinaas niya sa ere ang hawak niyang patalim at isasaksak sa akin ngunit agad din nag bukas ang aking mga mata ng maramdaman ko ang mabigat na bagay na pumatong sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Dark na nakatingin sa akin habang naka patong sa aking katawan, ngumiti siya at hinawakan ang aking pisnge.

"M-Moon..." Napatigil ako ng makita ko ang pag tulo ng dugo mula sa kanyang labi pababa sa akin.

Mas lalong bumigat ang kanyang katawan ng tuluyan na itong mawala ng lakas at bumagsak sa akin.

"D-Dark."nanginginig ang aking kamay habang naka tingin sa kanya, napatingin ako sa likod niya kung saan bumaon ang patalim ni Red.

Nalipat ang paningin ko kay Red na nagulat sa ginawa ni Dark at mukhang natauhan, binalik ko kay Dark ang aking paningin at agad na tumulo ang luha ko.

"Dark.... Dark manatili kang gising naiintindihan mo ba? "Tanong ko at napatingin sa base.

"Sabi ko tapusin mo na ang laro, bakit hindi mo pa tinapos?" Umiiyak kong tanong at tumingin sa orasan na nasa langit, twenty seconds na lamang ay mawawasak na ang maze.

"Dark, wag kang pipikit okay, mangako ka saken." Sabi ko habang hawak hawak ang kamay niya, naka tingin siya sa akin at ngumiti.

"Pangako...."nahihirapan niyang sabi, ngumiti ako sa kanya at tinapat ang kamay ko sa base saka kumumpas.

Tumigil ang pag bilang pababa ng oras.

Napatigil ang lahat ng makarinig sila ng malakas na pag sabog.

"Congratulations Leviticus High."

Ngumiti ako kay Dark ng marinig ko ang announcer.

Ako ang nag wasak ng Base, ngunit madaming damage na nagawa si Dark kaya sila ang nanalo. Bagay na nais naming mangyare.

Tapos na, tapos na ang laro.

"Manatili ka lamang sakin, Dark." Huli kong sambit bago lumiwanag ang lahat.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon