Chapter 68: Waiting

Start from the beginning
                                    

Pero tama nga sya, sinabi nga ni Daniel na maghihintay sya. At walang binanggit na time kung hanggang kelan. Ano ba yuuun. Hanggang forever sya dun?

"tingin mo B? Kelangan ko ba talagang pumunta?"

["psh. Bahala ka nga! Nagdodota ako. Wag ng istorbo"]

"istorbo na pala ako ngayon sayo"

may pagtatampo na yung tono ng boses. Eee. Nakakatampo naman talaga eh. Sya lang talaga napapagtatanungan ko sa ganito. Halos lahat nga ng mga decision ko, binabased ko parin sa sinasabi nya. Tapos istorbo lang pala ako.

Narinig kong napasigh pa sya bago magsalita.

["ok sorry. binabawi ko na, ang kulit mo kasi. Pumunta ka na. Yun naman talaga gusto mo diba?"]

"pero kasi  B. Kinakabahan ako. Natatakot ako na baka kasi ano"

"[na masaktan ka lang ulit? Part yan talaga nagmamahal lalo na sa relationship. Geh na, umalis ka na dyan.]"

"at saka meron pa.. Baka kasi ano..ikaw..ano.,"

"[baka masaktan ako?]"

napatango naman ako, as if naman makita nya.

"oo.parang ganun na nga"

"[ahaha! Geh. Wag mo na kong isipin. Gwapo parin naman ako. Walang magbabago dun. Pumunta ka na B]"

Ano kayang connect sa kagwapuhan nya sa sinasabi ko?

"sige. Ikaw na gwapo. Thanks B. Pogi mo talaga! Byiiee!"

["uy first time yan ah.. Ahaha! Geh.Bye! I love you"]

"B!!!!"

["AHAHA! joke lang. Kinilig ka naman agad. Geh na, baba ko na toh"]

ito talagang si Vince, hay naku! Nagulat talaga ko sa sinabi nya.

Lub.dub.lub.dub.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ano bang nangyayari sakin? Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa salamin at nakita ko kung gaano kapula mukha ko ngayon. Hindi pa maalis yung ngiti ko. AHHHH! Bakit ganun?!

Kinuha ko ulit yung cellphone ko para tawagan si Daniel pero hindi sya mareach.

Baka naman naka-off cellphone nya? Grounded sya diba? Baka damay pati gadgets nya? Pero kung grounded sya, pano sya makakapunta? Takas ulit?

Sinubukan kong tawagan kapatid nya, baka alam nya kung nasan si Daniel.

["hello ate!!"]

aww. Ang sakit nga sa tenga kapag sumisigaw. Pero hindi naman ako ganito kagrabe kay Vince.!

"hi Jamielle! Andyan kuya mo?"

["diba kasama mo?! Ay! Tumakas sya kaninang tanghali. Hindi pa nga kumakain yun kasi late na nagising. Ayun! Nagmamadali tuloy. Bakit hindi mo kasama? Malalagot ako pagdating ni daddy tapos wala pa sya. Sabihin  pinatakas ko na naman si kuya. Akala ko---."]

"ah sige sige! Thank you jamie!"

hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita. Hindi na ko nagbihis or nag-ayos pa. Kumuha lang ako ng pera at nagmadali na kong lumabas ng bahay. Tinatanong pa nga ko nila manang kaso wala na talaga ko sa sarili ko. Isa lang ang nasa isip ko ngayon,.. at yun ay si Daniel.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now