[ 35.1 ] Prisoner of Love

Start from the beginning
                                    

"ZAC, para saan ba 'to?!"

Hindi sumagot si ZAC at hinila siya papunta sa kama. Doon niya ikinabit ang isang bahagi ng bagay na yun. Sinuotan niya ng posas si Steffi para makasiguro siya na hindi talga ito makakaalis.

"ZAC, anong bang nangyayari sayo? Bakit mo ako ginagawang preso dito?"

"Mas mabuti na yan kaysa makaalis ka pa dito. Kukuha lang ako ng pagkain sa baba para makakain ka."

Tunay ngang naging sadista si ZAC. Kung titingnan ito ni Steffi ay parang wala na ito sa tamang katinuan. Kakaiba na ang mga ginagawa nito sa kanya.

'Mukhang hindi matutuloy ang pagtakas namin ni Faye ngayong araw dahil kay ZAC. Hindi niya talaga ako hahayaan na makawala sa kanya. Hindi ako makakatakas dito ng ako lang. Kailangan kong humingi ng tulong'

Pagbalik ni ZAC ay may dala na itong pagkain. Tinulungan niya si Steffi sa pagkain dahil mahihirapan itong kumain ng isang kamay lang ang gamit.

"Kumain ka ng marami para hindi ka magutuman. Kakausapin ko ang mga katulong na tingnan tingnan ka na lang dito para kapag may kailangan ka, madali ka nilang maaasikaso."

"Why are you doing this to me? Bakit kailangan pa na naka-posas ako? Pwede mo naman akong pagbawalan na lumabas dito, bakit ganito ka kahigpit?"

"Gusto ko lang maging maingat. Alam ko na nagbabalak ka nang tumakas"

"Hindi, ZAC. Hindi ako tatakas dito."

Hinawakan ni Steffi ang mukha ni ZAC galing ang isang kamay niya. Kakailanganin niya na umarte para makuha ang loob nito.

"Zyril, tingin mo ba tatakas ako at iiwan kita dito? Hindi, hindi ko gagawin 'yon dahil mahal kita."

Hinawakan ni ZAC ang kamay ni Steffi at ngumiti siya pero nagulat si Steffi nang sampalin siya nito.

"Tingin mo ba mauuto mo pa ako? Hindi na, Geneere."

Tumayo na si ZAC sa kama at hinanap ang phone ni Steffi. Inilayo niya din dito ang lahat ng pwedeng magamit ni Steffi para makahingi ng tulong.

"Simula ngayon, makukulong ka na sa bahay na 'to. Hindi ka na makakaalis pa dito. Wag mo na din subukan na humingi ng tulong sa ibang tao dito dahil ang pamilya nila ang mananagot sakin kapag tinulungan ka nila. Naiintindihan mo?"

"Oo. May hihilingin lang sana ako."

"Ano 'yon?"

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now