Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena

Start from the beginning
                                    

"Talaga?" Nakangiting sabi niya ng may humampas sa likuran ni Lira na dahilan ng pagkawala ng malay niya at sinalo naman siya ni Asval.
"Sigurado ka bang ito ang tunay na anak ng Hara Amihan?" Tanong nj Dagtum sa kanya.
"Oo nakita ko ang wangis niya sa batis ng katotohanan..... At kapag inihandog natin siya kay Pirena at Hagorn tyak kong babango ang ating pangalan sa mga iyon." Nakangising sabi niya.

"Kung gayon ay Axilom buhatin mo na ang bihag at tayo ay paparoon sa Lireo." Nakangising sabi ni Dagtum kay Axilom na binitbit naman si Lira at saka sila nagpunta sa Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Habang payak ang katanghalian ay dumating si Ybrahim sa kuta ng mga mandirigma na nagkakanlong sa mga diwata na nakapanig kay Hara Amihan.

"Mga kasama may maganda akong surpresa sa inyo." Pambungad na bati ni Ybrahim sa mga ito.
"Surpresa anong surpresa?" Tanong ni Imaw. Nakangiting lumingon naman si Ybrahim sa bungad ng kuta at pumasok doon si Alena na ikinagulat at ikinatuwa ng lahat.

"Sang'gre Alena." Nakangiting sabi ni Imaw. Agad naman na lumapit kay Alena sila Banak at Nakba na agad naman na niyakap ni Alena.
"Banak.... Nakba." Nakangiting sabi niya saka siya lumapit kay Imaw at hinawakan ang kamay ni Imaw.
"Ako ay nagagalak na tayo ay muling nagkita Nunong Imaw." Nakangiting sabi niya.
"Ganun din ako Sang'gre Alena." sabi ni Imaw. Saka siya lumingon sa mga kawal na yumukod sa kanya.
"Aquil, Muroz." Nakangiting sabi niya.
"Maligayang pagbabalik..." Sabi naman ni Aquil. Tumango naman si Alena sa mga ito. Natutuwa naman si Ybrahim na makita na natutuwa si Alena sa pagkikita nito at ng mga kapanalig. Maya-maya pa ay lumabas na si Amihan sa kubol na pinaglalagian nito.

"Alena...." Sambit ni Amihan at saka niya ito niyakap ganun din si Alena sa kanya at di maiwasan ni Amihan na mapaluha na mayakap muli ang apwe na inakala nilang namaalam na.

Habang yakap ni Amihan si Alena ay napatingin siya kay Ybrahim na nakamasid din sa kanila at nakikita niya na may pag-aalinlangan sa wangis nito. Napailing si Amihan at kanyang inilayo ang tingin kay Ybrahim kung ano man ang namamagitan sa kanila kung meron man ay dapat na itong maputol.

Ang di alam ni Amihan ay pinagmamasdan din sila ni Aquil at nakikita nito ang kakaibang tinginan ng mga kamahalan sa isa't-isa kaya naman nais na niyang maka-usap si Rehav Ybrahim.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Marahang nagmulat ng mga mata si Lira at nagulat siya ng maramdaman ang malambot na kama sa kanyang likuran agad siyang napa-upo at di nga siya nagkamali kama nga ito at ang kanyang damit nagbago... Maganda na ito na parang night gown na kulay asul at ang buong kwarto ang rangya parang sa prinsesa.

"Buti at nagising ka na..." Napalingon si Lira sa nagsalita at isang napakagandang babae ang kanyang nakita.
"Sino ka?" Tanong niya, ngumiti ito at hinaplos ang kanyang muka.

"Ako ito anak... Ako si Amihan...ang iyong Ina." Nakangiting sabi nito. Napangiti naman si Lira sa sinabi nito at di nagdalawang isip na ito ay yakapin.

"Ang tagal ko na po kayong nais na makita." Nakangiting sabi ni Lira.
"Ako din anak.... Maligayang pagdating dito sa Lireo." sabi ni 'Amihan' saka ito ngumisi.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Marahang lumapit si Aquil sa prinsipe na nakangiting nakatingin kay Alena na nakikipag-usap kay Imaw.
"Kamahalan maaari ba kitang maka-usap?" Tanong ni Aquil kay Ybrahim tumango naman ang prinsipe at saka sila lumayo sa nakararami.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now